Una at Ikalawa

12 1 0
                                    

[ A U T H O R ' S   N O T E S ]

Isang magandang araw/ gabi sa iyo! Itong iyong mababasa ay isang proyekto sa amin ng aming guro sa Filipino. Sa pagbabasa nitong maikling kuwento, sana ay maunawaan niyo ito at may makuha kayong aral na maaari niyong magamit sa totoong buhay. Maraming salamat sa pagbabasa at sana'y ito'y inyong magustuhan.  Ngayon ay ating simulang tunghayan kung papaanong muntikan nang masira ang isang pagkakaibigan dahil lamang sa pagkainggit ng isa sa mga tagumpay ng kanyang kaibigan.

[ S I M U L A ]


"Pagkainggit iyo'y iwasan

Upang di mauwi sa alitanNa maaaring makasira ng pagkakaibigan." 

  Kuhaan ng cards ngayong araw at ngayon naisipan ng adviser naming si Mrs. Reyes na ianunsiyo ang mga "Top" ng klase. Hindi na ako nagtaka nang sabihin niya ang mga pangalan nila Elle, Hazel at Reika bilang "Top 3." Mula pa naman noong simula ng pagkakaibigan namin, silang tatlo na ang palaging naglalabanan... Pero hanggang ngayon, hindi pa rin napapakawalan ni Elle ang posisyon niyang "Top 1." Ilang beses na siyang sinubukang talunin ng iba, lalo na nina Hazel at Reika pero wala pa ring nagtatagumpay.  

  Pero mahirap din naman kasi talaga ang maging top sa amin. Mahigpit ang sistema ng paggagrado dito at marami pa kaming ginagawa at sinusulat. Kaya nga ganun na lang ang hanga ko sa tatlo kong kaibigan, lalo na kay Elle, na kahit mahirap ang labanan, nagagawa pa rin nilang maging top sa sarili nilang sikap. 

Pero ngayong unang semestro, muntikan nang mabitawan ni Elle ang kanyang pwesto ngunit hindi dahil sa siya ay nagpabaya, pero dahil sa pagkainggit. 

Ilang araw bago ang kuhaan ng mga grades, lumapit sa akin si Elle. Nakakunot ang mga kilay niya sa pag-aalala. "Venice, may mga nakita ka bang LAS na nakakalat dito?" Sumagot ako ng wala at lalo siyang nag-alala. Ilang raw na pala siyang nawawalan ng mga LAS. Hinanap naming ito ngunit hindi namin ito makita. 

  Hanggang sa sabihin sa amin ni Hazel na nakita niyang may mga nakita siyang mga LAS sa gamit ni Reika na nakapangalan kay Elle. Tinanong agad ni Elle si Reika kung nasa kanya ng aba ang mga LAS niya pero tumanggi si Reika. "LAS na hindi sa akin? Wala naman akong sinasama sa gamit ko hindi sa'kin..." ang nagtataka niyang sagot sa amin. Naniwala naman si Elle sa kanya. 

Hindi namin nakita ang mga nawawala niyang LAS nung araw na iyon, pero nadagdagan pa ang problema ni Elle kasi kinabukasan, nawalan ulit siya! Nang naghahanap kami, nagsumbong ulit si Hazel na nakitaan niya ulit si Reika na may tinatagong LAS na hindi sa kanya. Pero kagaya ng dati, tumanggi si Reika sa alegasyong ito. 

  Papalapit na ng papalapit ang araw nag pagkuha ng mga grado namin pero hindi pa rin magawang makompleto ni Elle ang mga kinakailangan niyang ipasa sa mga teachers niya. Mula kasi ng mga araw na iyon, lalo pang nadagdagan ang mga nawawala sa kanya. Hindi lang LAS, pati na rin ang mga quiz booklets niya!

  Nasabi nga ni Hazel na papaano kung sinasabotahe na siya nung taong nagnanakaw ng mga gamit niya. Nasabi niya rin sa amin na malaki ang suspetsa niya kay Reika ang lahat at na sigurado siyang si Reika nga ang kumukuha ng mga 'to. Ipinaliwanag niya pa nga na posible ito dahil may motibo si Reika. "Matagal niya nang gustong makuha ang pwesto ni Elle diba?" ang sabi niya sa amin. Hindi naman naniwala si Elle dito. 

  Pero umabot na ng anim na araw ang dami ng mga araw na nawalan siya. Tatlong araw na lang rin ang natitira bago ang kuhaan ng cards. Nag-aalala at desperado na si Elle; kung kaya't napilitan na siyang tignan ang mga gamit ni Reika kahit na tumatanggi pa rin siya na wala nga sa kanya ang mga LAS ni Elle. 

  Pero tama nga ang suspetsa ni Hazel. Nasa kanya nga ang lahat; ang mga LAS at quiz booklets ni Elle ay nakaipit sa mga folders ni Reika. Labis na tuwa ang naramdaman ni Elle nang makita niya na sa wakas ang mga ito. Pero hindi nagtagal ang ngiti sa kanyang mga pisngi; tuluyan na siyang nagalit kay Reika. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Una at IkalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon