Chapter 28

12.9K 261 8
                                    

*********** ***********

Lubos na galak ang nararamdaman ng kambal sa pagpasok. Dalawang buwan na silang nag-aaral at kita ko ang kasiyahan nila kasama ang iba pang mga bata na nag-aaral. Bilang isang ina ay doble ang balik nito sa akin. Kunaripas ako ng hagdanan at dumiretso sa kusina. Muntikan pa akong madapa dahil sa natapakan kong manika. Napailong na lang ako ng maalalang kay Jalyza ito.

Kaninang umaga ay nagrequest ang kambal na magluto daw ako ng adobo, kaya si Mang Erning na muna ang pinasundo ko. Dating driver ni Papa na kinuha ko na ngayon dahil minsan ay busy ako sa pagpapatakbo ng restau. Pero hindi ko naman nakakaligtaan ang aking mga anak.

"Mommy!" Napasinghap ako ng may biglaang yumakap sa aking binti. Alam na alam ko ng si Jalyza ito. She is always like that. Bubly. Samantalang si Lindawn naman ay napakatahimik at seryoso. Pero kapag may kalaro naman ay dumadaldal.

"Mommy, I have a visitor!" Sabik na sabik na sambit nito. Napakunot noo ako.

"Ayesha is here!" Mas lalo pang kumunot ang noo ko. Pinatay ko na ang kalan. Lito na rin naman ang adobo. Sinong kasama ni Ayesha papunta dito? Tangina... Wag sanang si Julius! Shit I'm not ready yet!

Inakay ko papuntang dining area si Jalyza. Nakita ko doon si Ayesha na nakatayo sa may pintuan habang pinagmamasdan si Lindawn na kasalukyang nakasalampak sa upuan.

Nakita ako ni Ayesha at tipif na ngumiti.

"Hello po tita. I'm sorry for intruding, but Jalyza says she's missing me when she's here at your house. That's why I ended up coming with them because she pulls me through your car." Nakangiwing bati sa akin ni Ayesha. Tumingin ako kay Jalyza na ngayon ay naka-peace sign.

"It's okay hija. Come on join us. Kaya pala nagpaluto ng adobo ha." Biro ko kay Jalyza na nakangiti lang. Pinaupo ko na sila doon dahil kanina ko pa inayos ang mga plato. Inihain ko ang ulam at kanin saka kumuha pa ng isa pang plato para sa akin.

"Susunduin ka ba dito o magpapahatid ka sa amin?" Tanong ko kau Ayesha. Tila nag-isip pa ang bata. Siya talaga ang babaeng version ni Julius. Kanino kayang anak 'to.

"Magpapasundo na lang. Actually, tinakasan ko po ang yaya ko." Nakunot ko ang noo ko.

"What? Baka mag-alala iyon." Nag-aalala kong sambit.

"Don't worry mom, tumawag na ako sa bahay nila." Lindawn said out of the blue. Kumibit balikat ako at nagpatuloy kumain. Nagkwentuhan kaming apat tungkol sa mga ginawa nila sa school.

Pagkatapos kumain ay nagtungo kami sa may library at doon nila ginawa ang kanilang assignment.

Iniwanan ko na muna sila dahil may tawag galing sa restau. Nagdiretso ako ng sala. At napatanga ako ng makita ang lalaking nakaupo sa isa sa aming sofa. Putangina! Anong ginagawa niya dito? I thought Ayesha's yaya would be the one who'll fetch her?

"J-Julius?" Tumingin akoa wall clock na nakakabit sa harap ng main door.

"Alas dos pa lang? Susunduin mo na si Ayesha?" Nakita ko ang pagtitig niyang maigi sa akin. Marahil ay nagtataka bakit feeling close ako sa kanya.

Saglit pa siyang tumitig kaya napakunot ang noo ko. Saka lamang kumurap kurap ang mga mata nito.

"Ah, nautusan lang ako. Busy kasi si Dave saka ang yaya niya naman nautusan din ni Dave, so ako muna ang pinapasundo. Nasan ba sila?" Paliwanag nito saka inilibot ang kanyang paningin sa buong bahay.

Tumayo ito. Saka tumitig sa akin. Tila sinusuri ako. Napayuko na lamang ako sa intensidad ng pagtitig niya. Narinig ko ang paghalakhak niya, kaya napa-angat ako ng tingin sa kanya. What now? Tagal ko nang hindi naririnig ang halakhak. Huminga ako ng malalim.

"Nasa libary sila. Nag-aaral." Simpleng mga salita na hindi masabi ng diretso sa kanya.

Lumakaf ito patungo sa akin. Napaatras ako ng kaonti. Bago pa siya makalapit ay may narinig akong sumigaw sa likod niya.

"Rose!" Yey! Anthony saved me thank God! Napabuntong-hininga ako at dumiretso kay Anthony. Kita ko ang pagtataka sa mga mata niya. Inirapan ko siya saka pinandilatan ng mata.

"Julius." Simpleng bati ni Anthony sa kanya. Tumitig lamang si Julius sa kanya. Maya-maya pa ay nagsitakbuhan na ang mga bata patungo sa amin. Nagtata-talon sa tuwa si Ayesha ng makita ang tiyuhin. Nag-usap ang mga ito.

"What is he doing here?" Bulong ni Anthony sa akin.

"Sinusundo yung pamangkin niya ." Bulong ko din.

"Mommy! Are you kissing Tito Anthony?" Palatak na sigaw ni Jalyza. Nasapo ko ang noo ko sa sinigaw nito. Sumulyap ako kay Julius na ngayon ay kuyom ang ma palad at madilim ang mukha.

"No honey, may sinabi lang ako kay Tito Anthony mo." Paliwang ko sa kanya.

Hindi ako pinansin ni Jalyza sa halip ay pumunta kay Julius na kandong-kandong si Ayesha.

Bumulong si Jalyza kay Julius. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nito.

"Jalyza. Don't disturb Tito Julius." Marion kong utos kay Jalyza. Naramdaman ko ang paninitig ni Julius sa akin. Sabay kunot ng noo.

"Does he feel it?" Bulong na naman ni Anthony sa likod ko. Kumibit-blaikat ako.

"Uncle Julius, where is dad?" Tanong ni Ayesha. Tinawagan ko ang isa naming kasambahay upang maghain ng meryenda. Anthony said he'll be in my library. Naabutan kong nagsasalita si Julius ng bumalik akong kusina.

"Bakit nasaan ang tatay niyo?" Malumanay nitong tanong kay Jalyza. Nanggilid ang mga luha sa aking mata. Napalinok ako. Kumibit-balikat lamang ang kambal.

Your father is in front of you. Gusto kong sabihin uto sa kanila. Ngunit natatakot ako. Pinahid ko agad ang mga luhang lumandas sa aking mukha. Nakangiti ako ng daluhan ko sila.

"Mamaya na kayo umuwi. Magmeryenda muna kayo ha." Nakaupo na sila sa sofa. Hindi ko matingnan si Julius dahil nakatingin ito sa akin.

"Daddy niya pala si Dave?" Tanong kong bigla kay Julius. Tumango ito.
Tila may gusto siyang sabihin ngunit ayaw lang niyang i-open. Oo. Tama 'yon. Dahil hindi pa ako handa.

"Kamusta kayo ni Marina?" Tanong ko pa sa kanya. Dumilim pa lalo ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"She's married now." Simpleng sagot niya na ikinagulat ko. Really? So hindi sila nagkatuluyan.

Tumango na lamang ako.

"Akala ko si Anthony ang ama nila." Out of the blue nitong sabi. Tumingin ako sa mga batang busy sa pagkain ng cake.

"Wala akong sinabi." Agad kong sagot. Nakita ko ang paglaki ng nga mata niya. Galit, lungkot at poot ang nakikita ko sa mga ito.

"Then who?" Napakagata labi ako. Umiling ako sa kanyang. Naipikit ko ng mariin ang aking mga mata. Umiling lang ako sa kanya.

"Can we bot talk about it." Tiin bagang kong wika sa kanya. Hindi na ito umimik.

Pagkatapos magmeryenda ng mga bata ay umalis na rin sila Julius. I think this is not the right time to know the truth. This isn't the right time.

Matapos kumain ng hapunan ay hinatid ko ang mga bata sa kanilang kwarto. Hati ang mgay ito sa isang kwarto. Lindawn has a blue paint of wall on his side while Jalyza has this purple one.

Hinahaplos ko ang buhok ni Jalyza ng nagtanong ito.

"Mom, when will we meet our dad?" Paos ang boses noto dala na rin marahil ng antok at pagod.

Ngumiwi ako sa kanya.

"Soon baby, soon." Nakita oo ang pagngiti niya at pagpikit ng mata. Ang kanina ko pang iniipong luha ay bumuhos na nang tuluyan. Promise baby, soon. Soon.

-*-
A/n: Okay pa ba kayo? Hehehehe. Sorry ngayon lang ulit nakaupdate. Amp. Thank you po sa pagcocomment. Please comment lang po kayo. Saka sa mga nag-eeffort na magpost sa wall ko dito sa watty, so much appreaciated po! :) click the external link for my facebook account! Thank you so much guys! I'll be forever be grateful because I follow my heart's passion! Thank you for making it real! Sorry sa typos :D

His Bed Warmer (MS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon