12/19/15
---------"Yow ! Good Morning"
Hindi pa man ako nakakalabas ng gate ng batiin ako ni Yiru.Naka sandal siya sa motor bike niya habang nakapamulsa yong dalawang kamay.
"Ang aga aga bakit ka na naman nakaabang diyan?"
"Bawal bang sunduin ang bestfriend ko?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.Lumabas muna ako ng bahay tsaka lumapit sa kanya.
"Pero wala pa dito ang bestfriend mo"
"Linoloko mo ba ako Jane?"
Totoo naman ah.Hindi pa bumalik si Lei dito sa bahay."Eh ikaw ata ang nakikipaglokohan.Pumasok ka pa sa bahay kong gusto mo para hanapin ang bestfriend mo!" Inis na sabi ko sa kanya.Andito na nga ako sa harapan niya si Lei pa ang hinahanap.Kakabati lang namin tapos nangiinis na naman.
"Tara na nga!"
oh tapos yayayain nya din ako?Akala ko ba andito siya para sunduin ang bestfriend niya?
"Hali na"
"Akala ko ba susunduin mo si Lei?"
"May sinabi ba akong susunduin ko si Gab?"
(A/N:Wag kayong malito.Gab talaga ang tawag nila Yiru kay Lei)
"Oo kaya,sabi mo susunduin mo ang bestfriend mo.Hindi ba bestfriend mo si Lei?"
"Tss."
"Ouch" Tiningnan ko siya ng masama pagkatapos niyang pitikin ang noo ko.
"Paki pulot nga yong utak mo nalaglag ata"
Napatingin naman ako sa baba.
"Wala naman ah?" Talagang pinagloloko ako nito ah!
"Aray para saan na naman ba yon?" Kainis nakakadalawa na siya ah !
"Tara na nga BESTFRIEND" At talagang inempasized niya pa yong bestfriend
"Kami ni Gab magkaibigan? Kadiri"
"Kadiri ka diyan.Naalala ko nga noong bata tayo lagi kayong nagtatawanan,naglalaro ng habulan at kada nadadapa siya tinutulungan mo siyang bumangon sabay sabing wag ka nang umiyak,magingat ka kasi.Tapos nagsheshare pa kayo ng pagkain,kung hindi ako nagkakamali nagsusubuan pa nga kayo hihi ang sweet niyo pala no--"
"ANO? Ni isa wala akong naaalala sa mga sinasabi mo.Tara na nga" asar na sabi niya
Haha ang dali talaga niyang maasar pagdating kay Lei.Hayyy! Namiss ko tuloy yong samahan namin noong bata pa kami.
"Oh natahimik ka diyan?"
"Wala may naalala lang ako"
Sumakay na ako sa motor niya.Kinuha niya yong dalawang kamay ko at pinulupot sa bewang niya.
"Humawak kang mabuti"
Sinimulan na niyang patakbuhin yong motor niya.Bumaba kami sa parking lot ng School.Saktong pagbaba namin ay ang pagdating naman nina Danica at Zowin.Nakasakay din sila sa motor.Sunod na dumating sina Ralp,Kenzo at CM.
Nong mapansin nilang may kasama akong iba lumapit sila sa akin.
"Hey!Long time no see guys" Masayang sabi ni Zowin
"Asan pala si Lei Krystel?" CM
"Bakit hindi kayo magkasama?" Danica
"LQ again?"

BINABASA MO ANG
You're lucky,I'm inlove with you(ON HOLD)
Novela JuvenilIsang Ordinaryong pagmamahalan ang meron sila.Gaya ng ibang love story ang istorya ng pag-iibigan nila.Maraming susubok sa kanilang samahan.Sa lahat ng pagsubok nila,iisa lang ang itinatak nila sa kanilang isipan.Understanding,naniniwala sila na kap...