Chapter Nine

37.8K 686 43
                                    

Chapter 9

"Apollo..." seryosong sabi ni Leandro matapos na ibaba si Ayessa.

Napatingin na lamang si Ayessa kay Leandro na halata din ang pamumutla sa mukha. Bakit hindi? E, hindi nila inaasahan ang pagbisita na ito ni Apollo sa kanila. Lihim na hinawakan ng dalaga ang kamay ng lalaki at marahang pinisil. Gusto niya na iparating na huwag itong mag-alala. Tila naman nakuha ni Leandro ang mensahe niyang iyon dahil gumanti din ito ng pisil sa kanyang kamay at bumaling pa sa kanya para ngitian siya.

"Tama nga talaga ang narinig kong balita." Nakangising tumayo si Apollo at lumapit sa kanila pagkuway hinila si Ayessa mula kay Leandro.

"D-daddy---" gusto sanang mag-protesta ni Ayessa pero hindi niya alam kung paano gagawin iyon. Ramdam niya kasi ang tensyon sa pagitan nilang tatlo. Nanahimik na lamang siya sa likod ng ama at pigil ang hiningang inabangan ang sunod na mangyayari.

"Apollo, let me explain about---" hindi na natapos ni Leandro ang sasabihin dahil lumipad na sa kanyang mukha ang kamao ni Apollo dahilan para matumba ang binata sa lapag.

"L-leandro!" Akmang dadaluhan sana ni Ayessa ang nobyo pero matalim na siyang tinitigan ng ama kaya hindi na niya nagawang pumalag.

"Dad, puwede bang makinig ka muna sa explaination namin bago mo siya saktan?" Pakiusap niya pero hindi siya pinansin ng ama.

"Mag-usap tayo, Leandro." Seryosong sabi ni Apollo.
Tumayo naman si Leandro at baliwala lang na pinunasan ang dugo sa gilid ng labi nito. Hindi na nagsalita ang binata at umakyat na lamang sa second floor ng bahay. Nakaunawang sumunod naman si Apollo dito.

"Daddy!" Pigil ni Ayessa sa kamay ng ama pagkuway naiiyak na tumitig dito. "Please, makinig ka muna kay Leandro. Huwag mo siyang saktan." Pakiusap niya pero bumuntong hininga lang si Apollo at tinabig na ang kamay niya. Hindi na siya pinansin nito at nagtuloy-tuloy ng umakyat.

Oh God! Please! Huwag naman silang magkasakitan... piping dasal ni Ayessa at tahimik naghintay na lamang sa sala...
_____

Pagkalapat pa lang ng pinto ng library ni Leandro ay humagalpak na ang tawa ni Apollo sa buong paligid ng silid. Ang binata naman na naghihintay sa loob ay nangunot na lamang ang noo habang nakatitig sa kaibigan na hindi na mawari ang gagawin dahil hawak-hawak na nito ang tiyan na akala mo ay may sobrang nakakatawa na nangyari. Pasalamat na lang si Leandro dahil sound proof ang loob ng silid kaya hindi rinig mula sa labas ang tawa nito.

"Apollo," tawag niya sa kaibigan. Hindi niya alam kung bakit ganito na lang tumwa ang kaibigan. Hindi ba at dapat na mag-uusap sila?

"Oh, I'm sorry, nadala lang ako ng sitwasyon." Sa wakas ay tumigil na ito sa pagtawa pagkuway umupo sa bakanteng upuan. Sumunod naman si Leandro dito. "Anyway, seryoso ba talaga ang nakuha kong balita? Papakasalan mo ba si Ayessa?" Pagkuway seryoso nitong tanong sa kanya.

Si Leandro naman ay pilit na hinahagilap kung saan nakuha ni Apollo ang balita na papakasalan niya si Ayessa. Hindi naman niya nabanggit kahit na kanino ang plano niyang iyon. Ilang saglit pa ay naalala niya na may pinanood pala sa kanya si Ayessa sa YouTube. May nag-upload pala ng video kung saan nag-proposed siya ng kasal sa gitna ng traffic sa EDSA. Bigla na lang siyang napangiti. Doon marahil nakuha ni Apollo ang balita.

"Yes. Its true. Papakasalan ko si Ayessa." Seryosong pahayag niya habang nakatitig sa mga mata ni Apollo. "Alam kong sampong taon ang agwat ng edad namin pero pinapangako ko sa'yo na aalagaan ko si Ayessa. Mamahalin ko siya habang buhay."

"Leandro..."

"Nakikiusap ako na huwag mong ilayo sa 'kin si Ayessa. I love your daughter so much." Intense na sabi niya.

Seducing LeandroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon