"Sir?" tanong ko. Nagkamali lang ba ako ng rinig? Nagkamali lang ako di ba? Pero hindi eh. Araw-araw akong gumagamit ng cotton buds noh. So tama yung narinig ko. Hala. Sinapian na yata ng something toh si Sir ah. Kung anu-ano nang lumalabas sa bibig. Bad na bibig yan Sir, kagatin ko yan. Haha! Syempre joke lang yun.
"You're not listening in my class," sabi n'ya. "What are you thinking?"
So, napansin n'ya nga ang pagdi-day dream ko. Sa dinami-dami ng mga kaklase ko, bakit ako yung napansin n'ya? Kanina din bago magsimula yung klase napansin n'ya din ako. Ayy, parang alam ko na yan Sir ah. Tsk. Araw ko ba ngayon? Sana mapansin din ako ni Ejay kagaya ng pagpansin mo sa'kin Sir. Kaso magkaiba kayo eh.
"Sorry, Sir. May problema lang po ako," sabi ko. Nakayuko. Hindi ko na kayang salubungin yung tantalizing eyes n'ya. Grabe makatingin eh. Siguro kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa ko nakalupasay sa sahig.
"Problem? I bet that's about your boyfriend," sabi n'ya. Teka, teka, lumiliko na ata ang usapan naming dalawa.
Hindi ako sumagot. Nag-pout lang ako, at sa haba yata ng pagkaka-pout ng nguso ko, pwede nang sabitan ng kaldero.
"Anyway, I don't want that to happen again. I want my students to listen to me whenever I'm discussing," sabi n'ya in a low, husky voice. Sinasadya n'ya yatang hinaan yung boses n'ya para medyo ilapit ko yung mukha ko para marinig s'ya. You want me nearer? Closer? Nuh-uh, I'm not going to give you that satisfaction Sir.
Nangingiti ako sa mga pinag-iisip ko. Baka mapansin na naman ni Sir na lumilipad yung utak ko kaya sumagot ako.
"Yes, Sir. Hindi na po mauulit. Sorry po ulit," sabi ko. Hindi na ko nakayuko. Tinignan ko na s'ya. Aba, naka-smirk ka pa, ha.
"I'm looking forward to that. Dahil sa susunod na mahuli kitang hindi ka nakikinig sa'kin, hindi lang para pagsabihan ka ang magiging dahilan para ipaiwan kita sa classroom." May ibang dahilan? Name one.
"Yes, Sir."
"You'd just been warned," sabi pa n'ya. Tapos lumabas na ko ng classroom.
Tumakbo ko papunta sa bench na kinauupuan ni Jen. Gusto kong magsumbong. Bakit ganun makapagsalita si Sir sa'kin? Ang walanghiyang yun, hmp! Pero bakit ganito? Imbes na magalit ako kinikilig pa yata ako ah. Tsk. Hala, baka nahawa na ko sa mga katimangan ng mga classmates ko. Nauumpisahan ko na bang ma-appreciate si Sir? Jeez. I can't believe myself!
"Oh? Ang tagal mo ah. Anong sabi sayo ni Sir?" tanong n'ya habang kumakain ng ice candy.
Kinwento ko kay Jen kung anung mga pinagsasabi sa'kin ni Sir. At imbes na magulat at magalit dahil sa katabilan ng dila ni Sir, aba, eh kinilig pa ang gaga.
"Talaga? Oh my gosh, teh. Sabi ko na eh. Dati ko pa napapansin yang mga pasulyap-sulyap na yan ni Sir. Sabi ko na may meaning yon eh. Eeee!" sabi n'ya. Niyuyugyog pa ko.
"Eh bakit ka kinikileg? Siomai. Teh! Professor yun, estudyante ako. Bawal yun ah. Hina-harass n'yang estudyante n'ya!" sabi ko sa kanya tapos hinawakan ko yung dalawang kamay n'ya na nagyuyugyog sa'kin. "Tama na! Nahihilo na ko!"
"Hindi naman. Okay lang yun. Tutal naman ga-graduate naman na tayo after next semester so pwede na kayo!" sabi ni Jen habang pumapalakpak pa na parang tuwang-tuwa sa pinagsasabi n'ya.
"Hoy! May boyfriend akong tao, teh!" At naalala ko na naman si Ejay.
"Bakit? Nasaan ba yang boyfriend mo na yan? Siguro mas malaki lang at mas macho lang s'ya ng konti kay Sir pero mas hot pa din naman si Sir para sa'kin, noh!" sabi n'yang nakataas ang isang kilay.
"Manahimik ka na nga! Basta, namamanyakan na ko kay Sir," sabi ko. "Tsaka para sayo yun. Pero para sa'kin si Ejay pa din."
"Wehh? Namamanyakan daw eh if I know kilig na kilig ka na dyan." Gagang toh. Oh well, hindi naman masyado. Hehe :"> Very, very light lang.
"Heh! Ewan ko sayo. Samahan mo na nga lang ako sa gym. Dali na! May practice sila Ejay ngayon, panuodin man lang natin," aya ko sa kanya. Nagbabakasakali lang ako na baka lumingon s'ya sa may bleachers at makita ako dun. At magbago yung isip n'ya tungkol sa pagsali sa Basketball League.
Hindi naman pumalag si Jen. Nagpahatak na lang s'ya sa'kin. Pagdating namin ng gym, ang daming babaeng nanunuod at nagsisisigaw ng "GO EJAY!"
"Aba! May fans club na pala yung boyfriend mo ah?" sabi ni Jen. Naalala ko si Rukawa. Yes, naalala ko talaga s'ya eh? Akala mo close kami. Hehe. Pero kunyari lang ako si Haruko tapos yung mga nagchi-cheer kay Ejay yung mga Jologs. Ang pinagkaiba nga lang namin ni Haruko, mahal ako ni Ejay eh s'ya, hindi s'ya pinapansin ni Rukawa. Tsk, pag-usapan daw ba ang Slum Dunk?
"Dapat ba kong matuwa o mainis?" tanong ko kay Jen.
"Malay ko sayo. Ikaw yan eh. Anu bang gusto mo?"
Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako kay Ejay. Tsk. Naman oh, mas pogi pala tong boyfriend ko kapag nagbabasketball, noh? Kinilig tuloy ako. May mga ganun talaga eh, may mga lalaking kahit medyo walang itsura, kapag ginagawa na nila yung bagay kung saan sila magaling, kapag kinakitaan mo sila ng passion, kahit wala silang itsura, nagkakaron eh. Kaso si Ejay pogi. Kaya MAS pogi s'ya kapag nagba-basketball.
Umupo kami ni Jen sa front row ng bleachers. Nasa likod namin yung mga babaeng nagchi-cheer kay Ejay. Natilihan yata si Jen kaya nagreklamo.
"Grabe ah? Grabeng makatili teh," reklamo ni Jen sa'kin.
"Hayaan mo na," sabi ko. At least nga may fans ang boyfriend ko kesa sa wala di ba.
"Hayaan? Ikaw naman gustung-gusto mo na may nagchi-cheer na ibang babae sa boyfriend mo. Porket pogi boyfriend mo ah. Hindi ka nati-threatened ang dami mong kaagaw?" Umiling ako. Tapos paglipas ng ilang minuto biglang sumigaw si Jen, "Go Ejay! Whooooo! Boyfriend ng kaibigan ko yaaaan!"
Aba, gagang toh. Natawa lang ako. Kanina lang kung apihin n'ya si Ejay nung nasa bench kame eh, parang botong-boto s'ya kay Sir. Ang bilis naman yatang magbago ng isip nito.
"Hoy! Ano bang sinasabi mo dyan?" sabi ko. Nararamdaman kong umaapoy na yung likod ko sa sama ng tingin ng mga babaeng nasa likod ko.
Maraming hindi nakakaalam na kami ni Ejay. Madalang naman kasi kaming makitang magkasama. Lalo na ngayon.
"Bakit ba? Eh totoo naman," sabi ni Jen. "Go Ejay!" cheer pa din n'ya.
Sa wakas, narinig ni Ejay at tumingin s'ya sa kinauupuan namin. So medyo thankful naman ako sa ginawang pagsigaw-sigaw ni Jen. Nagbunga naman. Naka-smile s'ya nung tumingin sa'kin. Kinindatan pa ko. Eeeee.
"Nakita n'yo yun? Nakita n'yo yun? Kinindatan s'ya. Girlfriend eh!" sabi ni Jen sa mga babaeng nasa likod namin. Hindi ako lumingon pero alam kong nagtaasan ang mga kilay nila. Bigla ulit tumili si Jen.
"Bakit?" tanong ko.
"Si Sir Alfred. Ayun oh," nagkakandangusong sabi ni Jen sa'kin.
Aba! At papalapit sa'min ang gwapong-gwapo naming professor sa purple n'yang polo. Kanina pa n'ya yun suot pero ngayon ko lang napansin. Siguro kasi busy ako sa pagtingin sa mukha n'ya eh. Busy akong kabisaduhin yung contours ng mukha n'ya. Umiling ako. Ano ba? Hindi ako dapat na mag-isip ng ganun lalo pa't nandito yung boyfriend ko. My gosh, nagiging unfaithful na ba ako? This is not so me!
BINABASA MO ANG
Class Starts When the Game Is Over
NonfiksiIt's a story about a student who seeks comfort in the arms of her Professor to fulfill the duty of her basketball player boyfriend. But what will happen if the boyfriend comes back and the professor keeps on pursuing her heart? Will she choose the o...