"Hi, Sir!" sabi ni Jen. Automatic naman na tumaas yung kamay ko para kumaway sa kanya. Pero ang gustong-gusto ko talagang gawin pagkalapit na pagkalapit pa lang ni Sir sa pwesto namin ay tumakbo palapit kay Ejay at magtago sa likod n'ya hanggang sa maisipan ni Sir na umalis.
"Hi, girls! You're watching?" tanong n'ya habang papalapit s'ya sa pwesto namin.
"Obvious ba?" bulong ko kay Jen. Siniko tuloy ako.
"Yes, Sir! Sinusuportahan namin yung boyfriend ni Gwen e. Si Ejay, Sir. Yung number 6," sabi ni Jen. Grabe, hindi ko s'ya mapipigilan talaga na magbigay ng mga information tungkol sa'kin.
"Ahh. I know him. He's one of my students. So, he's your boyfriend," sabi ni Sir sabay pasimpleng umupo sa tabi ko. Pero medyo malayo-layo naman ng kaunti.
"Yes, Sir." Nakafocus yung mga mata ko kay Ejay habang kinakausap ako ni Sir. Hindi n'ya ba pansin na busy ako sa panunuod?
"So, s'ya yung iniisip mo kanina nung hindi ka nakikinig sa klase ko?" tanong ni Sir sa'kin. Naka-smirk s'ya, parang nang-iinis. Si Jen naman kung maka-swag sa tabi ko, wagas.
"Hindi naman sa ganun, Sir," sabi ko sabay yuko. I tucked my hair behind my ears. Landi.
"Eh kasi Sir busy si Ejay sa pagbabasketball, wala nang time sa kanya kaya ayun. Namomroblema s'ya," sabi ni Jen. Tsk. Tignan mo nga naman tong babaeng toh, napakatabil ng dila mo, teh. Masyadong makwento. Parang wala akong sikreto na safe dito ah.
"I see," sabi ni Sir.
Hindi ko na lang sila pinansin. Nanuod na lang ako ng game. Naglalaro kaya yung boyfriend ko. Tuwang-tuwa ako pag nakakapag-shoot s'ya. O kaya kapag nasa kanya yung bola, pinipigil kong mapatalon kasi nasa tabi ko si Sir.
"He's a good shooter, a good player. I hope that he's a good lover to you," bulong ni Sir. Ano bang pakialam n'ya kung anung klase ng lover si Ejay?
Napatingin ako kay Sir. Aba, may professor bang ganito makapag-salita sa estudyante n'ya Tiningnan ko si Sir ulit, yung tingin na parang nananantya.
"Don't look at me like that. I got nervous when you look at me like that," sabi n'ya. Kinilig ba talaga s'ya sa way ng pagkakatingin ko sa kanya? Eh ang sama-sama na nga ng tingin ko eh.
Tsk. Mga punch line nito. Imbes na kilabutan ako, parang nangingiti pa ko sa pinagsasabi nito ni Sir sa'kin. Hindi ko na lang tini-take personally yon. Pababayaan ko na lang s'ya. Anyway, siguro naman kung hindi ko s'ya papansinin, mapapagod din s'ya ng kakapa-cute sa'kin. Hindi naman kami napapansin ni Jen kasi tuloy s'ya sa pagchi-cheer kay Ejay na parang s'ya yung girlfriend. Samantalang kanina kung makapagsalita toh kay Ejay. Hay naku. Nagsalita ulit si Sir.
"You know what? I never got nervous in my whole life, but it keeps on changing every time I see you," sabi pa ulit n'ya.
Lumingon ako sa paligid ko. Ako ba talagang kinakausap neto? Tinignan ko din kung may nakakarinig sa'min o may nakakapansin sa malagkit na tingin ni Sir Alfred sa'kin. Wala naman.
"I find it creepy, Sir," lakas-loob na sabi ko. Nakatingin ako sa kanya tapos kunyari shina-shrug ko pa yung balikat ko habang nagsasalita. I made a face.
Tumawa lang s'ya. Infairness ang cute n'yang tumawa. I love the sound of it.
"Yes, it's creepy. It's creepy that you're talking to your admirer when your lover is right there, sweating." Tinuro n'ya si Ejay tapos napapailing-iling pa s'ya.
Napatingin ako kay Ejay. He's looking at my direction with a question mark on his face. Matatapos na yung fourth quarter at mukhang mananalo naman sila.
Nagsalita ulit si Sir, which I realized, he loves doing lately.
"I guess he's wondering what we're talking about," sabi n'ya with a grin.
"I guess so."
"I'm going now." Kumindat naman s'ya sa'kin. Nagba-bye din s'ya kay Jen.
"Unfair," sabi ni Jen sa'kin. Nakasimangot s'ya.
"Bakit?"
"Kumindat s'ya sayo tapos sa'kin hindi?"
"Ano ka ba? Ang ingay-ingay mo! Mamaya may makarinig sayo dyan!" sabi ko. "Wag ka na nga lang magulo dyan. Manuod na lang tayo."
"Kay, fine." sagot n'ya tapos binalik na n'ya yung tingin n'ya sa laro. Pinanood ko naman si Sir hanggang sa makalabas s'ya ng gym. Kelangan may paghahatid ng tingin lang?
Natapos yung practice game at nanalo naman sila Ejay. Proud girlfriend ako syempre. Ang saya-saya ko para sa kanya. Lumapit s'ya sa'kin.
"Hi!" sabi n'ya habang papalapit sa kinauupuan namin ni Jen. "I didn't know you're watching until I heard Jen cheering me."
"Kakadating lang namin nun," sagot ko naman. I wanna jump on his arms, wrap him with a hug and give him a winning kiss kaso pinigil ko yung sarili ko. PDA yon. PDA.
"I see. Will you wait for me? I'll send you home since ang tagal-tagal na nating hindi nakakapag-bonding," sabi n'ya habang nagpupunas ng pawis.
Tumango ako. Syempre papayag ako. Ang tagal-tagal na naming hindi nakakapagsama. Mag-iinarte pa ba ako ngayon? S'ya na yung nag-aya. Oo na lang ako. Umalis na s'ya pabalik sa quarters nila. Kinikilig naman ako.
"So? Mauuna na ba ko?" tanong ni Jen.
"Oo, una ka na. Salamat sa pagsamang manuod, girl. Mwaa."
Pagkaalis ni Jen dumating na si Ejay. Naglakad kami papuntang parking lot. Take note, holding hands pa kami. Pasakay na kami ng kotse ni Ejay ng may tumawag sa kanya.
Si Sir Alfred. Ano bang trip nitong professor na toh? Bigla-bigla na lang sumusulpot kung kelan n'ya gusto? Pero bakit ngayon pa n'ya naisipang sumulpot?
Napaatras ako nung makita ko yung smirk sa mga labi n'ya. Nagtago ako sa likod ni Ejay at pinabayaan ko na lang na silang dalawa yung mag-usap.
BINABASA MO ANG
Class Starts When the Game Is Over
Não FicçãoIt's a story about a student who seeks comfort in the arms of her Professor to fulfill the duty of her basketball player boyfriend. But what will happen if the boyfriend comes back and the professor keeps on pursuing her heart? Will she choose the o...