Ang Munting Regalo sa Araw ng Pasko

72 0 0
                                    


Madaling araw sa hospital ipinanganak si Liza Franzia Torres. Isang malusog na sanggol ang isinilang sa araw ng pasko. Masaya ang pamilyang Torres dahil sa bagong miyembro ng kanilang pamilya. Lumaki si Liza ng mabuting bata. Isang maganda, madasalin, mabuting asal na batang babae. Ang buhay niya ay simple tulad ng iba. Nagkaroon ng mga kaibigan na maasahan, pinapahalagahaan siya ng kanyang mga magulang, mayroong din siyang iniibig na minamahal niya ng lubos. Dumating na ang kanyang Debut, eighteenyears old na siya. Isang ganap na dalaga. Sabik na sabik na si Liza para sa kanyang kaarawan. Hindi lang ang kanyang kaarawan ang ipagdidiriwang kundi ang pasko din. Itong araw na ito ay inaasahan nila na maganda ang mangyayari kung saan marami silang magagandang alalang mabubuo. 


   "Anak, napakaganda mo. Natutuwa akong lumaki ka ng may mabuting puso" sabi ng kanyang Ina na si Anna Torres. Halos mangiyak ngiyak na siya dahil lumalaki ang anak nya na hindi masama.

"Ma! Wag ka na maiyak diyan. Salamat din inay dahil minamahal niyo ako ng lubos. Merry Christmas ma" Niyakap ng mahigpit ni Liza ang kanyang nanay na may ngiti sakanilang mukha.

"Happy Birthday at Merry Christmas din anak." Sagot ng kanyang nanay.

Humiwalay sila ng yakap ng narinig nila ang text mula sa cellphone.

"Nandun na ang tatay mo. Tayo nalang ang hinihintay doon sa party mo." Wika ng kanyang ina. "Manong! Paki bilisan po ng kaunti. Late na po kasi." Sabi ni Anna sa driver.

Nasa loob sila ng kotse papunta sa kanyang Debut. Umuulan ng malakas at madilim na ang lugar pabilis ng pabilis na ang takbo ng kotse. Nang bigla nalang may nangyari ng di inaasahan.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHH!" Sigaw ng mag-ina.


Disyembre 25. Naaksidente ang mag-ina na papunta sa party. Dinala sila sa hospital na malapit. Sumugod din ang mga kaibigan, mga relatibo, at iba pang kakilala nila. Lahat ay malungkot at natataranta. Duguan ang nangyari sakanila. Lalo na kay Liza.


"Nako po! Ano ang nangyari? Bakit ganito?" Maiiyak iyak na sabi ni Paul, ang tatay ni Liza.

Sinugod sa ER ang mag-ina. Nakalipas ang ilang oras, sinabi na ng doktor ang kalagayan nila. Ang kanyang ina ay nagkaroon ng maraming sugat sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Samantalang si Liza ay nagkaroon ng komplikasyon sa kanyang mata. Nabulag siya!

"Ano po?! Nabulag ang aking anak?!" Gulat na gulat na wika ni Paul sa doktor.

"Opo, nang dahil sa natusok na matulis na bagay sa kanyang mata ay nagkasugat ang kanyang mata at nagkaroon ng komplikasyon." Malungkot na pahayag ng doktor

Hindi makapaniwala ang lahat sa narinig nila. Tinatanong nila kung bakit sakanila nangyari ang ganitong aksidente. Isang napakamabuting bata si Liza ngunit pinaparusahan sya sa mundo. Nakalipas ang ilang taon, nagbago si Liza. Hindi na siya ang mabait na bata nakilala nila. Nanibago ang lahat sa unti unti nitong pagbabago. 


  "Nakakainis! Napakawala kong silbi! Wala akong kwenta! Ano ba ang ginawa kong masama at nangyari ito sa akin?" Inis na sabi niya at nagdadabog pa ito.

"Anak, tama na 'yan. Di totoo 'yang sinasabi mo. Magpasalamat ka sa Diyos at nabuhay ka pa mula sa trahedyang ito. Kahit ako, nagpapasalamat sa kanya at binigyan pa tayo ng pangalawang pagkakataon." Sabi ng kanyang ina.

"Liza, nandito naman kami para sa'yo. Hindi ka namin iiwan kahit anong mangyari." Sabi ni Maedior, ang kanyang kasintahan. Halos apat na taon na silang nagsasama at matibay ang kanilang pagmamahalan. Mahal na mahal ni Maedior si Liza at inaalagaan niya ito ng mabuti kahit na minsan matigas ang ulo ni Liza.

"AYOKO NA MABUHAY! Walang silbi ang buhay ko kung wala naman ako nakikita! Gusto ko makakita muli!" Humahulgol ng iyak si Liza. Sa sobrang lungkot at depresyon niya ay hindi na ito kumakain ng mabuti. Hindi na sya ngumingiti-ngiti tulad ng dati. Naging pasaway na siya sa kanyang magulang.

 Naawa ang kanyang kasintahan sa nangyayari sa buhay nya. Siya ang saksi sa pagbabago ng kanyang kasintahan. Simula highschool at ngayon. Malaki ang pagbabago nito. Ayaw na ni Liza sa pasko. Naalala niya lang ang masamang trahedya na nangyari noon. Ayaw niya na ipagdiriwang ang kanyang kaarawan pati na rin ang pasko. Hindi masisisi ng magulang niya ang nangyayari kay Liza dahil mukhang malaki ang epekto ng pagkabulag nya sa nangyari sakanya.

"Gagawa tayo ng paraan! Makakakita ka ulit. Pangako." Sabi ni Maedior, at hinawakan ang kanyang kamay.

Dumating na ang kanyang operasyon. Disyembre 25. Naghihintay sila ng resulta ng operasyon ni Liza. Lumipas ang ilang oras at nalaman na nila ang resulta. Natuwa sila dahil makakakita na muli si Liza.

Tinanggal na ng doktor ang balot sa mukha ni Liza. Unti-unti namang minulat ni Liza ang kanyang mga mata, pagkamulat ng kanyang mata nakita niya ang puting kisame. Nakahiga siya sa isang malambot na kama. Bumangon siya ng dahan-dahan at tumingin-tingin sa paligid. 


"Anak wag ka muna masyadong gumalaw." wika ng kanyang nanay.

Ngunit 'di ito nagpatigil at tumingin-tingin parin sa kanyang paligid. May hinahanap siya. Hinahanap niya ang kanyang nobyo.

Asan kaya siya?

Ang paulit-ulit na iniisip ni Liza.

Hinanap niya ang kanyang kasintahan sa kanyang magulang. Ngunit malungkot ang mga ekspresyon ng mga ito at dahan dahan na umiling.

Sa isang iglap nalungkot si Liza at naisip niya ang hindi niya inaaasahang nangyari.

"Hindi kaya..." tahimik niyang binulong sa kanyang sarili at nagsimula na itong umiyak.



MORAL LESSONS:

-Matutong pahalagahan kung ano ang mayroon ka.

-Matuto ring pahalagahan ang mga taong nandiyan lagi at handang magsakripisyo para saiyo.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Munting Regalo sa Araw ng PaskoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon