LB 6: Still the Same
Jamilla's POV
"Masyado pang maaga. Do you wanna go somewhere?"
Tanong ni Kent habang nakatuon ang pansin sa daan at tila isang baliw na payaso dahil hindi man lang mawala ang ngiti sa kanyang labi. What's happening? Oh come on, Jamilla! Naka-score lang naman siya sa'yo kahapon. Geez!
"I want to eat. Hindi parin kasi ako nagbe-breakfast"
Nakita ko sa aking peripheral vision na umangat ang isa niyang kilay at napatingin sa'kin. Anong problema ng taong 'to.
"Lagi mo ba 'yang ginagawa?" agad akong napatingin sa kanya dahil nalilito ako sa tanong niyang out-of-the-blue.
"Ha? Ang alin?"
"Ang hindi kumain ng breakfast" Napanganga ako sa sinabi niya. 'yong totoo? Dinagig mo pa ang Mommy ko Kent Raphael.
"Hindi naman. Ngayon lang" Napabuntong hininga lang siya atsaka tumingin-tingin sa paligid.
"Saan mo gustong kumain?" Sasabihin ko sana na sa pinaka-malapit nalang na fast food chain pero naalala kong wala akong aviators o kahit cap na pang-disguise man lang.
"Ah. Pwede ba na sa isang restaurant nalang na wala masyadong tao? Kasi... Alam mo na..."
Napangiti siya atsaka iniliko ang sasakyan papunta sa isang mall kung saan may bukas nang fine dining restaurant kahit maaga pa.
Pumasok kami sa isang Japanese Restaurant na may pangalang "Mioto Dining" Mioto? Parang pamilyar. Naabutan namin ang dalawang staff pa lamang sa loob at isang securiy guard sa pinto na napatitig sa'kin.
"Ma'am, Sir, here's the menu" pagkatapos na ibigay sa'min ng isang baklang waiter ang menu ay tila napako ang paa nito sa tabi ko at tinitigan nalang ang mukha ko. Shit! Kilala niya ako for sure. 'wag naman sang maibalita agad ito.
"Chella, what is yours?"
Sinabi ko nalang sa waiter ang order ko, ganoon din si Kent pero sadyang hindi parin siya umaalis sa tabi ko.
"Ms. Jamilla Joon, hindi po ba?" Mariin nalamang akong napapikit at napatingin kay Kent na tila humihiling ng tulong.
"Excuse me, Who's Jamilla? She's my girlfriend and she's not Jamilla" napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Kent. Agad namang napa-kunot ang noo ng baklang waiter.
"O-ok po. Sorry Ma'am, Sir" Umalis siya na halata namang may bahid na pagdududa sa mga sinabi ni Kent. Napa-buntong hininga nalang ako at pumikit ng mariin. Alam ko kasing kakalat agad na ang Hottest teen model ay nakitang may kasamang lalaki sa isang Japanese Restaurant. Ayoko ng gulo ng media sa mga plano ko.
"Is it really hard to be a famous celebrity?" Napatingin ako sa mukha niyng ngayon ay seryoso na. "Do you love what you are doing?" Napa-kunot ang noo ko sa tanong niya.
"Yeah it's hard. Pero tulad ng isang komplikadong relasyon, Mahal ko 'to dahil napaka-importante nito sa buhay ko at kahit mahirapan ako ng sobra, kailanaman, hindi ko ito bibitawan" Napalunok siya sa sagot ko. Bakit? Nag-double meaning ba? Pero hindi talaga iyon ang gusto kong sabihin. Gusto kong isampal sa pagmumukha niya na kung hindi dahil sa pagmo-modeling na ito ay hindi makakabangon at hindi magiging makapang-yarihang muli ang pamilya ko.
Maya-maya lang din ay dumating na ang mga order namin at tahimik kaming kumain ni Kent.
"By the way, pamilya ni Kim ang owner ng restaurant na 'to." Ohh. Kaya pala Pamilyar ang pangalan ng Restaurant na 'to. 'Mioto Dining' Mioto ang apelyido ni Kim.
BINABASA MO ANG
Lifeless Battle [CHSL Book2]
RomancePaano nga ba mahihilom ang sugat ng nakaraan kung ang sakit ay lagi nalamang inaalala at binabalikan? Watch out for the story of Jamilla and Kent which started from a simple "CRAZY HIGH SCHOOL LIFE" and turned out to be a lifeless one. "LIFELESS BAT...