Chapter 1

1.5K 37 3
                                    

Jade's POV

Umuulan na naman ng malakas? Kahapon ganto rin, dapat sinususpinde na ang mga klase e. Sa sobrang lakas pa naman ng hangin at sa lalaki ng patak ng mga ulan.

Kapag ako talaga nagkaroon ng sarili kong school, kahit ambon lang wala ng pasok. Sinasabi ko sainyo!

Paano ba naman kasi itong principal namin 'di marunong─

"May bababa ba dito sa Heinz University?" tanong nu'ng manong.

"Saglit lang po manong!" sigaw ko du'n sa driver at saka na ko bumaba ng jeep.

Sa sobrang pagmamadali ko 'di ko na nabuksan 'yung lecheng payong ko. Hassle naman talaga kapag wala kang sariling sasakyan lalo na kapag gantong umuulan. Lintek!

Pagkapasok ko sa gate ng university ay sinarado ko na 'yung payong ko saka na ko naglakad sa hallway.

Pakanta kanta pa ko habang mahinang lumulukso dito at nalingon sa aking sapatos na nadumihan ng konting putik.

"Jusme!" gulat na sigaw ko dahil may nakabunggo ako.

Bakit may mga nagkukumpulan dito sa gitna ng hallway? Hindi ba nila alam na may mga estudyanteng nadaan dito? Kagaya ko!

"Shocks!" sigaw ko dahil sa sobrang dami ng tao ay napagtutulak na ko sa gitna ng mga nagsusuntukan?

Hala?! May nagsusuntukan nga! Napapikit na lang ako sa kadahilanang may kamaong tatama sa mukha ko.

Bakit wala akong naramdaman na sakit? 'Di kaya namanhid na ko sa sobrang lakas nu'ng suntok?

Minulat ko ang aking mga mata at dahan dahan akong kumurap. May anghel? Ang gwapo nu'ng anghel, kaso lang may sugat siya sa gilid ng labi.

"Anghel."

"Excuse me?" nagtatakang tanong nito sa akin.

Isang malakas na pito ang nagpabalik sa aking diwa.

"Mr. Dela Cortez! Mr. Shinichi! In my office now!" sigaw ni Mr. Somber "At kayo! Bumalik na kayo sa classroom niyo." sabi nitong panot este Mr. Somber habang nakapamewang.

Lumakad na ko papuntang classroom dahil 12 minutes na lang ay malapit na akong malate.


"Ok class. Let me know kung nahihirapan kayo sa le─"

Nabaling ang atensiyon ng klase dahil sa mahinang katok na nagmula sa labas ng kwarto ng silid namin.

"Excuse me class." sabi ni Miss Hannah at saka nya na binuksan yung pinto. Si Panot lang pa─este Mr. Somber lang pala!

Nagchikahan muna sina Mr. Somber at Miss Hannah sa labas ng room.

Habang busy pa silang nag-uusap ay nagtake note na muna ako ng mga important details para hindi ako mahihirapan pagdating ng quizzes at exams.

"Ms. Madrid, Mr. Somber wants to talk to you in his office. You may now go." sabi ni Miss Hannah kaya agad akong napatayo at lumabas ng classroom.

Ano kaya 'yun? Hala! Di kaya narinig ni Mr. Somber na tinawag ko siyang panot? Pero wala naman akong maalalang tinawag ko siyang ganun. Ano kayang dahilan?

"Follow me Ms. Madrid." sabi ni Mr. Somber at saka na siya naunang maglakad at sumunod naman ako.

Pagkabukas niya ng office niya ay bumungad sakin 'yung dalawang lalaking nagsuntukan kanina.

"Take your seat." sabi ni Mr. Somber kaya umupo naman ako du'n sa gitna ng dalawang lalaki. "Okay then, Mr. Dela Cortez and Mr. Shinichi this is Ms. Madrid, she will be your student buddy for this year."

"Wait! Ano?! Student buddy?" malakas na tanong ko 

"No way! Wala na bang mas sesexy at gaganda d'yan?" mabilis na singhal ng anghel na 'to. Ang sama ng ugali! Chossy pa siya, siya na nga babantayan dito e.

Wala namang imik ang isa ko pang katabi, mukhang wala siyang pakialam sa nangyayari.

"You don't like Ms. Madrid to be your student buddy for this year?" tanong ni Mr. Somber du'n sa chossy.

"A big yes!" mabilis ulit na sagot nito

"Ok then, I'll call Mr. De─"

"Yeah! Yeah! Whatever! No choice."

"Good Shawn," nakangiting sabi ni Mr. Somber. "So Ms. Madrid magsisimula ka na tomorrow, sa ngayon pakibantayan muna silang dalawa dito sa office baka kung ano na namang gawin ng dalawang 'yan. I have to go dahil pinapatawag na ko ng dean. I'll be back, and the two of you, don't cause any trouble." mahabang bilin ni Sir at umalis na.

Tumayo naman 'yung Shawn at lumakad papalapit sa pinto at pilit na binubuksan at sinisipa habang nagmumura.

"Name?" nagulat ako ng biglang magsalita 'yung katabi ko.

"Huh?" tanong ko kahit narinig ko naman.

"Your name?" ulit niya

"Jade Madrid" sabi ko

"Hiro Shinichi." sabi niya at saka ngumiti. "Ouch!" mahinang daing nito, siguro nu'ng ngumiti siya nabanat 'yung sugat niya sa may gilid ng labi kaya kumirot.

Kinuha ko agad 'yung panyo ko sa bulsa ko at marahang pinunasan 'yung konting dugo.

"PDA" mahinag sabi nito at umupo sa swivel chair ni Mr. Somber at nagpaikot-ikot doon.

"Isip-bata." mahinang sabi ko sa kaniya

"Ano?" tanong nito saka tumayo sa kinauupuan at lumapit sa akin.

"Ang sabi ko ang pa-pangit mo!" sigaw ko sa mismong mukha niya. Ooopss. Uh-oh! Mukhang wrong move Jade.

Ngumiti siya at inilapit pa ang mukha niya sa mukha ko. Halos magdikit na ang dulo ng mga ilong namin.

"Itong mukhang 'to pangit pa para sayo?" nakangising tanong nito.

"O- Oo!" nauutal na sagot ko. Nakakailang na sobrang lapit ng mukha nya.

"Okay." tumatawang sabi nito. "Wala ka palang umbok sa dibdib mo 'no? Ang liit naman! Ano ngang tawag du'n sa kinagat ng lamok tapos nangati kaya umubok nang napakaliit?" tanong nito sa sarili

"Ah, pantal! Tama, pantal nga!" tuwang tuwang pang-aasar nito.

"Manyak!" sigaw ko at binato siya ng throw pillow pero nasalo niya ito at niyakap saka umupo sa swivel chair ni Mr. Somber.

"Pero okay lang 'yan kahit maliit. Pagtiya-tiyagaan ko na lang. Mas maliit mas challenging. 'Wag kang mag-alala Jade, papalakihin natin 'yan." nakapikit na pang-aasar nito habang may mga ngiti sa labi.

"Bwisit ka! Manyak!" sigaw ko habang nagpapapadyak sa isang tabi.

"Don't mind him." walang kaemo-emosyong sabi naman ni Hiro.

Sana nga ganoon na lang kadaling hindi siya pansinin at pakinggan kanina. Grabe! To the nnth level ang panglalait niya. Pwede niya namang sabihin sakin na pangit ako o kaya pandak ako! Pero 'yung lait-laitin 'yung dibdib ko?

Napatingin naman ako sa dibdib ko. Ang liit nga! Nakakapang init ng dugo!

-

A/N: Student buddy, as in companion.

My Accidentally BuddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon