Realtalk 5

35 0 0
                                    

May bestfriend ako sa internet tapos EXO-L/Ariantor din siya kaya nagkakasundo kami. Tapos edi ba,may EXO'luxion dito sa PH. Kaya chinat ko siya. Kakalabas lang kanina nung ticket prices kaya kanina ko lang siya chinat. Tinatanong ko kung pwede ba siya sa con ng exo. Tapos sabi niya hindi daw,hindi daw siya pinayagan ng eomma niya. So dahil magbestfriend kami, magkapareho kaming hindi pinayagan. Tapos habang magkachat kami, nagdadrama kami. Noong una, joke joke lang naman kasi expected na naming hindi kami makakapunta pero siyempre, umasa pa rin kami diba. Tapos yon, umabot sa realtalk na yung mga sinasabi namin sa isa't-isa. Ito pa nga yung isang message niya sa akin:

'Bakit ganon? Bakit hindi tayo sinusuportahan ng mga magulang natin sa mga bagay na makapagpapasaya sa atin?'

Napaisip ako doon. Kasi syempre narealize ko rin yon.

Yung tipong lagi mong sinusunod yung gusto nila. Yung tipong gagawin mo lahat makakuha lang ng matataas na grades tapos,oo magiging proud sila pero sobrang sandali lang. Tapos maya-maya, sisigawan ka na dahil sa maliliit na bagay. Nag-aaral ako sa isang science high school kaya ramdam ko yung hirap na kailangang pumasa. Yung kailangan imaintain yung grade para umaboy ka hanggang grade 10 sa school niyo. Nakakaiyak lang isipin (umiiyak na si author ngayon) na kahit anong hirap na gawin mo, kahit na gaano pang tiyaga mo sa buhay mo, hindi mo makakamtan yung kaligayahan na inaasam mo kasi may hadlang. Hindi ko sinasabing hadlang yung magulang pero sana naman naaappreciate nila yung naitutulong ng idol mo sayo. Ako, oo ako, akong author nito, aamin ko sa inyo na kung wala si Kyungsoo, wala na ako dito tbh. Hindi sa wattpad. Kundi sa totoong buhay. Naaalala ko,tuwing nawawalan na talaga ako ng pag-asa, yung tipong mapapaiyak ka na lang sa galit at lungkot, titingnan ko yung phone ko. Bubuksan ko tapos dederetso ako sa YouTube/Twitter. Why? Kasi yung idol ko na lang pinanghahawakan ko eh. Sila yung kaligayahan, kalungkutan, inspirasyon, everything ko. Hindi ko talaga alam kung makakasurvive pa ako dito kung wala yung mga idol ko eh. Kung hindi pa ako nagpalit ng fandom, wala na ako dito. Kasi sobra na kasi talaga yung hirap na nararamdaman ko. Yung sobrang nageeffort ka talaga sa pag-aaral mo dahil gusto mong makamtan yung gusto mo at yun ay yung makita si bias tapos pagdating mo sa bahay niyo, sasabihan ka na ng 'walang kwenta' dahil sa maliit na dahilan. Bata pa lang ako,7yrs old ata yon,nararamdaman ko na 'to. Yung urge na mawala na sa mundo. Dati akala ko dahil lang yon sa bata pa ako at hindi ko pa alam yung totoong mundo. Kaso hindi eh. Hindi ko alam na umabot pa yon hanggang ngayon. (Sorry malayo na sa topic)

Pino-point out ko lang dito na bakit kung makapagsalita sila parang walang nagagawa yung idol mo sayo. Oo maaaring hindi lahat ng fans kayang mamatay dahil idol nila,kayang mabuhay khit wala idol nila. Kaya okay lang sa kanila na masabihan nang ganon. Pero ako,iba kasi. Yung mga idol ko bumubuo sa buhay ko kaya huwag na huwag mong sabihing walang magagawa ang idol ko sa grades ko o sa kahit saan pa man sa akin. Dahil kung wala sila,wala akong grade,wala kang masasabihan niyan,wala ako,wala na sana akong buhay ngayon.

Sila na lang nagiinspire sa akin. Sila na lang humihila sa akin pataas ng kamatayan kahit na hindi nila ako kilala.

Gusto ko silang makita kaso bawal dahil walang apekto yon sa kung anong makakapagpasaya sa inyo,hindi ba? Paano naman sa akin? :) Paano naman sa buhay ko?

Bakit ba hindi niyo magawang suportahan yung kung anong makakapagpasaya sa akin? Pero kapag nakakapagpasaya sa inyo yung isang bagay nang dahil sa akin,okay lang sa inyo na magdusa ako para lang makamit yang gusto niyo. Tapos sandaling magdidiwang kayo at magiging proud sa akin pero maya-maya, sasabihan niyo na ako nang walang kwenta. Wow, thank you grabe.

Hindi ko naman sinasabing lahat (ng magulang),pero yung karamihan...

Bakit ba napaka-unfair ng life?

I just want to see the silver ocean, them performing live, them singing and dancing, them laughing and talking with each other, them giving happiness to other people.

Is that too much to ask for?

Fandom RealtalksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon