Mina's POV
Sa wakas ,nakauwi narin ako.
Hindi ko akalaing tinanong ni ginoong Charles ang aking pangalan. Napakagwapo nya talaga, napakakisig ng katawan at napakabait pa. Dahil sakanya, biglang nawala ang sakit ng paa ko..
WAAAAAAAHH!!!!!! May paghanga na nga ata talaga ako sakanya *^______^*
"MINAAAAAA!!!!! "
"Ay kabayo!"
naku naman, kanina pa pala ako kinakausap ng matalik kong kaibigan na si Isaac at di ko namalayang nakatulala na pala ako at naglalaway pa.
"Ano ba naman yan Isaac!bakit ka ba nanggugulat?" sabi ko sakanya
"Kasi naman, kanina pa kita kinakausap, di mo man lang ako pinapansin, naglalaway ka pa, ano ba kasing iniisip mo?" tanong nya sakin.
"eh kasi... kanina... nagkabunggo kami ni ginoong Charles!!!!!!!!!!!! tapos,tinnong pa nya yung pangalan kooooo!! diba napakasaya nun? kinikilig tuloy ako " *^______^* kwento ko sakanya.
"masaya nga.... kaya lang----"
"kaya lang ano?" sabat ko agad sakanya.
"baka kasiii...... baka kasi pag mgkaibigan na kayo, makalimutan mo na ang pagkakaibigan natin" nakayukong sagot nya sakin.
"ssshhh... ano ka ba?! wag ka ngang ganyan, kahit anong mangyari, hinding hindi ko makakalimutan ang pagkakaibigan natin.. yan ang tandaan mo ha" pagpapaliwanag ko sakanya.
"Minaaaaaa!!!"
napalingon nalang ako sa tyahin kong nagpalabas na ng apoy sa kamay nya......nakakatakot talaga syang magalit :|
"P-po? b-bakit po?"
nanginginig kong tanong, baka kasi hagisan nanaman ako ng apoy nito, buti nalang, nakokontra ko lagi
"bakit andito ka pa?! hindi ba't katulong ka na ngayon sa palasyo?! ano ba naman yan, unang araw mo palang palpak na, sayang ang ibabayad sayo,pambibili ko pa ng mga damit ko yun!"
Naku naman Mina! Andame dameng makakalimutan,yun pa..
"uh... opo opo...papunta na po ako, aayusin ko nalang po ang mga damit ko"
Nagmamadali kong sagot, nakakahiya sa mahal na Hari't Reyna.....
Charles' POV
Andito na ako sa tapat ng palasyo.
Nagulat nalang ako ng biglang may sumigaw ng pangalan ko.....
"CHAAAAAARRLESSS!!!!!!!!"
si prinsesa Sabrina pala yun habang tumatakbo papalapit saakin
"oh, prinsesa Sabrina " sabi ko sakanya
"anong ginagawa mo dito? mabuti naman at naisipan mong magpunta dito " tanong nya sakin..... Di naman halatang sabik na sabik akong makita nitong kaibigan ko ha, kung makakapit sa braso ko, napakahigpit
"may itatanong lang ako sa mahal na Hari't Reyna " sagot ko sakanya...
"ah ganun ba?? uy! magkwento ka naman, kahit isang kwento lang" sabi nya saakin
"ahmmm... alam mo ba, may nakbunggo akong napakagandang babae kanina " kwento ko sakanya
"oh ngayon?! mahal mo na sya?! " masungit nyang paguusisa at bumitaw na sakin
"hindi ako sigurado sa nararamdaman ko pero---- "
"Punatahan mo na sila ina sa loob"
di na nya ako pinatapos at pinaalis na ako
"uh... o- oh sige "
pagpapaalam ko sakanya at pumasok na sa loob
YOU ARE READING
The Lost Princess [On Going]
Fantasyang fairylandia ang kaharian ng mga diwata, mapatubig pa man, lupa, tubig o hangin pa yan.. Pinamumunuan ito ni haring Liseyo at Reyna Jessa..Si Satana ang naninira ng katahimikan ng fairylandia, isa syang rebeldeng diwata na nakipagkasundo sa kadil...