Chapter 2: Familiar

110 4 2
                                    

Angela

"No way!" Sigaw ko. Kanina pa kami nagtatalo ni Asela sa susuotin ko and she's persuading me to wear a very showy kind of dress. I want to wear more comfortable today! What she wants me to do is wear that! Jusko, maliban pa roon ay masyadong maikli for my preference! Feeling ko nakakabastos!

Kapag kasi isusuot mo siya, hapit na hapit sa katawan mo tapos kitang kita din ang hubog ng mountains mo. Kaya di ko type. Conservative kasi. Conservative!

"You know, bagay sayo. Just put the blazer if you want, then tamang tama na yung heels mo. Perfect!" Sambit ng aking pinakamamahal na kaibigan.

Take note with the sarcasm.

"Eh, kung sa kanya na lang to isinuot? Di sana walang away." I murmured, eh kasi nga ayaw ko nito mabosohan pa ako diba? Andami na kayang manyak ngayon. And its very... Ugh! Nevermind! Feeling ko tuloy mukhang may masamang mangyayari mamaya!

"Ano yung sabi mo?" Paasik niyang sambit. Bigla naman akong bumalik sa katinuan dahil sa tanong niya kaya nanahimik ako.

Narinig ako eh. Patay tayo diyan.

"Hehehe. Wala. Anong oras na ba?" Tanong ko para makalimutan niya ang narinig ng mga tenga niya.

"Hmm. Ten minutes bago mag-meeting. Though, I already have prepared everything kaya wala nang problema." Sambit niya while looking in her watch.

"Teka, Bea... Do you think we can do this?" Mahina kong saad dahilan kung bakit natahimik siya.

Sa ugali kasi niyang mainipin maya-maya or next week mawawalan na rin siya ng excitement sa ginagawa niyang manga while ako paunting-unti nang tapos. As of illustrators or should I say artist like her, mas mahirap ang ginagawa niya. Every single detail should be used. Kelangan polished na polished ang pagkagawa ng isang illustration especially kung magiging manga siya. Wala naman kaming problema sa pag-eedit dahil may inaasahang artist si Bea roon, ako naman ay may inaasahang proofreader and critics. We plan to be with them on the next days for an update.

I really don't know if we can make it. I'm excited, yes but there's a part of me na natatakot ma-fail ang work. Well, it's all the time.

"I know what you're thinking, but gusto ko mismo gawin ang matagal na nating gusto noon pang highschool tayo. I know this is a big deal to you, alam mo rin na pangarap ko 'to noon pa." She said happily.

"I know Bey, ngayon maabot na natin yung gusto nating gawin noon pa. We can do it. Wag kang tamad ah!" Masiglang sambit ko sa kanya.

Napatingin kami nung pumasok na ang secretary ko, well this office is mine. May kanya din si Bea.

"Miss Angela, Miss Asela naghihintay na po ang distributors." Sabi ni Monica, my secretary.

"Okay. Susunod kami." Sagot ko tapos umalis na siya.

"Okay, Bey. Ito na." Sabi ko sa kanya.

Pero bago kami lumabas sa office may kailangan kaming gawin para medyo mawala ang tense na nararamdaman namin.

Sabay kaming sumigaw tapos nagsisitalunan na para bang mga baliw. Huminga kami ng malalim tapos lumabas na ng office patungo sa meeting room. Buti na lang ay parang wala lang sa mga nagwowork sa amin ang ginawa naming dalawa. Sanay na yata sa araw-araw na naggings ni Bea at sa araw-araw naming pagtatalo sa mga walang kwentang bagay.

Lumabas na kami syempre at nagpunta na sa patungong meeting room.

Nang malapit na kami sa meeting room. Huminga ako ng malalim, oo kahit ilang beses na akong nagpublish ng libro na ginawa ko mismo at ganun din si Bea ay iba pa rin ang nagagawa nitong collaboration naming dalawa. It's not easy. Napahinto kami sa tapat ng pinto ngayon, nasa tabi ko siya. Tumingin ako sa kanya nagtatanong ang mga mata ko kung handa na ba siya. Tumango siya bilang sagot. Kahit kasi may ari na kami ng isang publishing house, nahihiya pa rin kami at natatakot sa maaring mangyari sa isang project na ginagawa namin. This project will be risky and baka iba ang isipin ng mga writers namin dito. Pwedeng mawala ang kompanya at mawala ang pinakaiingatan naming publishing house na sana ay hindi mangyari.

To some, ito ay isang kalokohan but to us because we're praying na sana pumatok dahil kung saka-sakali ay unang makagawa ng manga na ginawa talaga ng Pinoy kasi mostly sa kanila ay japanese ang gumawa. We plotted everything and we researched with the casts— their characteristics and like, symbols and kung anu-ano pang kelangan para mapaganda ang manga that I guess, will be my first time cos I'm not as imaginative as Beatrice. Hindi ko forte ang fantasy, jusko. Nang umpisahan nga naming dalawa to dati halos hindi pa nagsi-sink in sa akin lahat nang nireresearch namin pero si Bea parang natural lang. Well, what do I expect from an otaku?

Nakalimutan lang namin gawin noon kasi nga busy kami and running for honor pa kaming dalawa kaya napabayaan namin ang gusto naming gawin, for me—to write and her—to draw. Hanggang sa... Yeah... Nagkahiwalay kaming dalawa nung maging college and sobrang layo ang mga kinuha naming kurso but of course, friendship as it is, doesn't count on how long you stay together everytime but on how you try to sustain the friendship even though ang layo niyo sa isa't isa.

Thinking about the project, 50:50 ang magiging result sa gagawin namin, it maybe become a successful project o baka masira ang publishing house dahil sa investments na mawawala. That's how risky it is.

Pipihitin ko na sana ang doorknob nang may naramdaman kong may kamay na humawak na rin sa kamay ko. Napatingin ako sa may-ari ng kamay na yun. Agad na kumunot ang kilay ko dahil na rin sa pagkataka at syempre sa gulat. Why would a stranger hold your hand? And parang pamilyar pa siya. Nakita ko rin na natawa saglit si Beatrice. Mabilis na kumunot ang noo ko dahil sa naisip.

This guy is really familiar!

"Hey Gela, magtitigan na lang ba kayo? We're late! Hello?!" Bea snapped out of me.

I blushed, bwesit kasi tong isang to. Kinuha ko agad ang kamay ko, ganun din yung mokong. I saw him smiled pero wala lang ako. Why would I do that to a stranger? Tss. My smile is precious! I tried to hide the embarrassment in my face, late na kami and hindi iyon magandang impression sa investors!

"Bey, let's go. We're in a hurry." Sabi ko na lang. Shet, kahiya yung pagbablush ko.

"Hey, you're blushing. Hahahah!" Tukso sakin ni Bea pagpihit ko ng doorknob, syempre she just whispered. Hahambalusin ko siya nang kung anong mahawakan ko kung lalakasan niya boses niya.

"Walangya ka talagang babae ka. Marinig tayo." I whispered back then opened the door. Nakita ko ring pumasok yung familiar guy.

"Oy, Kirby kilala ka na pala nina Miss Angela at Miss Asela? Sabay pa kayo!" Sabi nung isa sa mga kasamahan niya yata.

Ohhhh... Kirby, parang familiar nga. Hmm. Anyway, back to business!

"Good Morning ladies and gents. Asela and I are sorry for being late—" hindi pa ako tapos sa sinasabi ko. Tsk.

"Hindi kayo magkasama, Ma'am?" Isa sa mga production staff sabay turo kay Kir—ermmm... What's his name again?

"Nope. Nagkabangga lang kami sa....ano... sa hallway." Sabi naman ng katabi ko saka tumingin nang makahulugan sa akin. Inirapan ko naman siya dahil sa simpleng panunukso niya.

Then we settled to start the meeting.

My Destiny (on hold★)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon