THIS IS IT, I LOVE NEL.

24 0 0
                                    

Nakauwi na kami ng bahay ni Gary. Kahit magkatabi lang ang tirahan namin , hindi niya ako iniwan hangga't hindi ako nakapasok ng loob ng bahay.
Papasok na sana ako ng mapalingon ako sa tumawag kay Gary.
Si Glenda, parang nilamukos na papel na naman ang mukha. Kitang kita kong hinalikan siya ni Gary sa pisngi at tila nag -aaway ang dalawa.
Hay naku Yel , pumasok ka na at hindi mo na problema yang mga yan.

" O kumusta ang lakad ninyo ni Gary ?" Si mommy.
Humalik ako kay mommy bago sumagot.
" Ok naman po mom, masaya at take note di ako pinagsungitan ni Gary at binilhan pa ako ng t-shirt then kumain kami , lahat gastos niya, ay ! Mom si dad nasaan po ?"
" Umalis na at may tinatapos siyang trabaho para sa deadline nila. Mabuti naman pala kung ganun , akala ko nag bungayan na naman kayo. Sige na magpalit ka na ng damit mo." Utos ni mommy.

Bago ako pumasok ng kwarto ko nagpunta muna ako sa bathroom.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at kinausap ito.
Yel hugasan mo na ang mga labi mo, dahil nadampian na yan ng labi ni Gary. Pero sayang naman , kung huhugasan ko mawawala na yung bakas ng halik niya .
Basta I need to wash it, at dampi lang naman yun...

Kinabukasan , parang kulang ang araw ko, walang Nel na sumundo sa akin sa bahay.
Pumasok akong mag - isa sa school. Nagbabakasali na aabutan na si Nel duon o kaya naman malelate.
Maghapon ni anino ni Nel hindi ko nakita.
Kaya feeling alone talaga ako.

Pagdating sa bahay tinanong ko si mommy kung hindi ba nagawi si Nel sa amin ang sagot Negative.

The next day , naghintay ako sa labasan ng bahay baka darating si Nel.
" Yel , bakit nandiyan ka pa, malelate ka na , halika isabay na kita ." Si Gary.
Subalit bago ako nakasagot , dumating si Glenda at sadyang ipinakita sa akin. Na hinalikan niya si Gary sa lips ( Kung alam lang niya na hinalikan ako ng boyfriend niya sa lips at siya ang humalik hindi ako , sorry ka Glenda wa effect sa akin yan ) at niyaya ng umalis. Nag hi lang siya sa akin at hinila na niya si Gary. Kumaway na lang si Gary at kinindatan ako.

Oo nga malelate na ako bakit wala pa din si Nel. Ni hindi nagpasabi. Galit ba siya sa akin ? Pero hindi siya pumapasok.

Kaya heto ako nagiisa na naman. Di ako makafocus sa klase ko , bakit ganito? Buong maghapon si Nel ang laman ng utak ko.

Kaya ng matapos ang klase ko ng 3 pm , nagdecide akong puntahan si Nel sa bahay nila.
Umuwi muna ako para magpaalam kay mommy. Pinayagan naman niya ako at nagbiro pa ,
" Ang anak ko , may namimiss na ! Ingat ka at uwi agad ."
Ngumiti lang ako at humalik sa kanya then umalis na ako.

Sa bahay nila Nel ,
" Halika tuloy ka Yel, maupo ka, may trangkaso si Nel . Sandali lang ha at titingnan ko para sabihing nandito ka." Mommy ni Nel.

" Pwede kang pumasok sa kwarto niya, di pa makatayo dahil nanghihina." Matapos tingnan si Ne at hinatid pa ako sa kwarto.
" Salamat po tita." Maiksi kong tugon.
Iniwan na niya kami .
" Ooopss...diyan ka lang ." At isinenyas pa ang kamay to stop at wag akong lumapit (na parang traffic enforcer ).
Nakasando lang ito at shorts. Nakaupo at Nakasandal siya sa headboard ng kama niya.

" Nel naman. Ang layo kaya nitong upuan , ano magsisigawan tayo habang nag -uusap ?" Reklamo ko.
At dahil sadyang makulit ako walang nagawa si Nel ng umupo ako sa gilid ng kama niya.
Lumayo ito ng konti sa akin.
" Uy grabe ka ah ! Nandidiri ka ba sa akin ? Makausog ka sa kama mo, baka mahulog ka pa sa kaiiwas mo ." Pagbibiro ko.
" Hindi naman sa ganun, ayoko kasing mahawa ka sa akin, may trangkaso ako. At sorry ha di na ako nakapag pasabi kasi walang mautusan." Paliwanag nito.

" Oo nga , nag worry ako kasi 2 days , ay ! Hindi pala 2 days , 1 1/2 lang hehehe, di ka pumapasok. Kaya naisipan kong dalawin ka." Sagot ko.
" So , namiss mo ako ? " at pilyong nakangiti ito.
" Namiss ? Hhmmm...ewan ko." Nakangiti ko ding tugon.

Pahiram ng Bestfriend ko !Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon