Nagtataka ako, dapat kasi gingising na ako ni Neri ngayon, Sabado at ala-dos na ng tanghali. Grabe, parang ang haba ng tulog ko =_______=
Katulad kahapon at kagabi, parang ayaw ako patulugin ng konsensya ko kay Dawn dahil nagmatigas ako.
Teka…
Ang shonga ko talaga, pwede namang wag ko na’tong isipin dahil mukha namang wala din siyang pake. Nakakapanlumo (_ _’ll)
Bumangon na ako sa higaan at naghilamos, nagtooth brush sa CR sabay baba na.
Pagkababa ko walang tao sa sala. WEIRD.
Sobrang WEIRD.
WEIRD ba?
Nako, gutom lang ‘to. Kaya pumunta na ako sa kusina.
“So, anong pangalan mo hijo?” boses ni Momsy.
Okay?
Naghahallucinate na ako? Nalipasan na ba talaga ako ng gutom?
Bakit nandito si Momsy, Popsy at Neri, at higit sa lahat,
bakit nandito si Dawn?
TAMA. Di ko sila papansinin, over-fatigue o overslept lang ‘to, dumiretso ako sa ref at kakain ng kung ano makita ko. Ilusyon ko lang sila.
Ilusyon ko lang sila.
“Oy, ate? Snob ang peg?”
Napahugot ako ng hininga. Kinakausap na ako ng kapatid ko sa ilusyon ko, kailangan ko na talagang kumain!
Hello, REF. “Neli, umupo ka nga dito, may bisita ka.” Owwwnooo, hinila ako ni Momsy.
Inhale. Exhale.
Totoo ‘to noh? Nasa harap ko talaga si Dawn na nakangiti sakin.
Hanggang dito na lang ba ang lovelayp ko? Aamin na ba siyang may relasyon kami at kabet ako?
Alexa, ipagdasal mo ako.
“Mabalik tayo, pangalan mo hijo?” si Popsy.
“Dawn Usares po.”
“You mean, Dawn? D-O-N, o D-A-W-N?” taas kilay na sabi ni Neri.
“DAWN.” Sabi ni Dawn ng nakangiti sakin.
Huminga ako ng malalim. Ano ba kasing ginagawa niya dito? =__= “Anong field mo?” tanong ni Momsy.
Tinignan ko si Dawn, kalmado lang siya, nauurat na ako -__-
“Pediatrics po. 4th year.”
Nagkatingin sila Neri, Popsy, at Momsy, pangtimang -.-
“Pedia? 5 years yun diba?” singit ni Neri kaso nagpatuloy na siya sa pagsasalita kaya di na nakasagot si Dawn. “Kung hindi ako nagkakamali, senior ka ni Ate, kasi third year si Ate, so, kung susumahin, parehas kayo ng year ng pag-graduate.” Depende na lang kung mag-aaral pa ulit si Dawn. Tsaka parang nasabi na 'to ni Zelo?
“Hindi ka nagkakamali,” nakangiting sabi ni Usares.
Come to think of it, nakasimpleng v-neck t-shirt lang siya na faded blue ang kulay. Lakas ng dating niya sa akin, ang look at that posture, so sexy, halata mo sa shirt niya na bato-bato yan sa lob,
Okay, may gana pa akong magpakagreen ah! -.-
Magsasalita pa sana ulit si Neri ng di na ako nakatiis. “Pwede ba? Dame niyong satsat eh, oy, Usares, bakit ka kasi nandito? Alam mo bang daig pa ng TV Host ang mga ito.” Turo sa nakakahiyang membro ng pamilya ko.
Mukhang nagpipigil ng tawa nung jowa ko >< “Ah,” may kinuha siyang brown envelope, kung saan niya nahugot yan, ay hindi ko alam =__= “Hinatid ko lang ‘tong Certificate ni Neli –wow, Neli ang tawag niya sakin ngayon ah- kasi last week scholar na siya.” Sabay lahad nung envelope.
Kinuha naman nila at sinimulang basahin, pagkatapos nilang basahin, nagsalita si Pops. “May relasyon ba kayo ng anak ko hijo?”
He chuckled. “Meron po.”
NGA-NGA :O
“MAY RELASYON KAYO NI ATE? I THOUGHT MAY GIRLFRIEND KA? ATE, SABI MO MAY GIRLFRIEND SIYA!” Naghysteria na si Neri. Namamana ba yan? =__=
“Teka,” yan lang nasabi ko.
Ngumiti si Usares, may gana pang ngumiti, kapal ng mukha. “May Girlfriend nga ako,” sabay tingin sakin. “Pero ang relasyon namin ni Neli ay magkaibigan. Relasyon ng magkaibigan.”
Relasyon
Ng
Magkaibigan?
Nakahinga ng mluwag sila Pops at nagpatuloy sa pagsalita si Dawn, sinabi niya yung about sa pagtutor ko sa kanya, wala akong maintindihan kasi, RELASYON NG MAGKAIBIGAN? The eff!!!
“Magsisimula po siya sa pagtutor sakin, pagnakabalik na yung Doctor ng school. Yun lang po, mauna na po ako.” Sabi niya at tumayo na siya.
Popsy sighed in relieved. “Bueno, salamat hijo.”
Sinamantala ko na ang sandali at tumayo na rin ako. “Ihahatid ko na siya sa sakayan.” At pasimple ko siyang hinila palabas ng bahay.
“Ano bang problema mo Usares? Bakit ka nagpunta dito?” naiinis kong sabi pero halos pabulong.
Nagtaas siya ng kilay. “Anong problema ko? Pinuntahan kita kasi hindi mo ako kinausap kahapon, tapatin mo nga ako, kayo na ba nung Zelo na yun? Namiss kita Paw, sobrang namiss kita.”
Susuntukin ko sana yung dibdib niya kaso nahawakan niya ako at niyakap. “Bat mo’ko susuntukin? Alam mo bang napuyat ako sa pag-iisip ng idadahilan ko makatung-tong lang ng bahay mo? Pero ayos lang, worth it naman eh.”
Utang na loob Dawn Usares! Kulit mo, pinapangiti mo ako >//<
“Nag-antay ka na lang sana ng Monday.”
Hinigpitan niya yakap sakin. “Damn you, miss na kita. Kahapon nung di mo ako kinausap, akala ko tapos na ang lahat sa atin, kung hindi ka pa nagsalita kanina, iisipin kong iniwan mo na talaga ako.” Huminga siya ng malalim. “Kailangan kita Paw, Ikaw ang kailangan ko ngayon sa buhay ko.”
Hindi ko alam kung matutuwa ako
O
Malulungkot.
Di ako tang@,
Para di malaman ang pagkakaiba ng
Mahal kita
sa
Kailangan kita.
--
Buti pinayagan ako ni Papa na magnet ng gabi XDD
Hi kay gia143infinite ~ ^^
Idededicate ko ba sa'yo to? :)))
comments guys, kung nadisappoint kayo o nasiyahan? XD
-knowme