Marvin P.O.V"PortMart tayo guys."-aya ko sa apat kong kaibigan at kagrupo narin.
PortMart ay isang Convinient Store na malapit sa amin.
"geh!!ikaw lang tinatamad ako"-si marco yun.
"sama ako!"-si Lid.
"ako rin!"-si Ness.
"ikaw Anton?"-tawag ko kay Anton na tahimik lang na nagsusulat.
umuo lang siya ng di parin nakatingin.
Report namin sa Lunes sa Subject na English 3 at about yun sa different Culture and Litetature ng America.at napagdesesyonan naming lima na ngayong sabado kami gagawa at pinayagan narin kami ng parents namin na dito na lang mag-overnight sa bahay ko.
"oh pano ikaw na lang dito mag-isa,may multo pa naman dito"-pananakot ko.
alam ko namang walang epekto yun pero nagbabasakali lang na tumalab.hehe
"okay!pero saglit lang tayo dun ha?"-sabi niya na lang.
Wala pang dalawang mimuto nasa labas na kami.Napatingin ako sa langit at nakita ko ang maraming bitwin.
"gabi na pala"-mahina kong sambit.
wow!di ko namalayan na gabi na.siguro dahil narin sa paggawa ng report namin English 3 kaya di na namin namalayan na gabi na pala at di ko rin nararamdaman ang reklamo ng tiyan ko.
speaking of gutom,lahat ng tiyan namin ay bigla na lang nag-ingay.nagtinginan kaming lahat bago tumawa.
"tara na nga!"-aya ni ness.
Malapit lang sa amin ang PortMart kaya madali kaming nakarating.
Lahat kami pumasok habang nag-uusap at nag-tatawanan sa mga kalukuhan namin noon.
ang saya talaga ng buhay.
~~~~~~
Napagkasunduuan naming dito na lang kumain tutal di pa naman ako naka-saing at naka-luto ng ulam.
Naghanap kami ng upuan at dun naghintay.
si Marco at Anton ang bumili ng makakain namin.syempre kkb kami.
Napatingin ako sa paligid.napakatahimik.
dahil narin siguro sa walang magawa kaya ang ginawa ko ay nagbilang ako kung ilan ang tao dito.
lima kaming magkakaibigan...
dalawang cashier...
isang lalaki sa iisang mesa na malapit sa amin...
isang guard na nasa labas ng glassdoor...
siyam pala kaming lahat.
"o eto na ang pinabili niyo.kumain na tayo para makauwi na..."-sabi ni Marco ng di nakatingin sa akin."...ano pala ang bibilhin mo dito?"-baling niya sa akin.
"icecream.haha"-yun nalang sinabi ko sabay tawa.
"yun lang naman pala.eh bakit kapa nagpasama sa amin?"-tanong niya ulit.
"sabihin mo takot lang yan mag-isa baka makakita ng multo.takot pa naman siya dun.haha"-kantyaw sa akin ni Lid.
"gago.."-balik ko kay Lid."...e syempre para dito narin maghapunan.di pa kasi nakapag-saing eh."-nakakamot sa ulo kong sabi.
"eh bakit di mo kami nilibre?"-tanong ni ness.
"kuripot kasi..."-si Lid yun.
Pigilan niyo ko baka mabigwasan ko ang pagmumukha nito.
