MAINE POV
Siguro isa narin sa pinaka magandang nangyari sa akin eh yung finally nagka ayos na kami kahit pano ni RJ. Yeah you heard me right. Yun na ang tawag ko sakanya simula nung huli naming paguusap. Nagkaroon lang siguro kami ng misunderstanding.
Masaya ko na kahit pano natutunan ko na magtiwala sa mga taong nakapaligid sakin. Siguro masyado ko lang inilayo ang sarili ko sa lahat. Well as what my bestfriend cindy told me before na hindi ko dapat baguhin kung ano at sino ko sa paningin ng ibang tao.
Tanggapin man nila ako o hindi walang magbabago. At alam ko naman sa sarili ko na maraming nagmamahal sakin. Nandiyan ang pamilya ko, mga kaibigan ko kaya wala na kong mahihiling pa.
Meng tuloy tayo mamaya ah sabi ni RJ sakin. Tama kayo ng rinig meng ang tawag niya sakin simula ng pumayag ako na maging kaibigan niya. Although minsan di maiiwasan na mainis parin ako sakanya paminsan minsan. Masyado na nga siyang nagiging feeling close sakin.
Saan ba kasi tayo pupunta ha?tanong ko sakanya.
Secret yun siyempre ah. After class diretso alis tayo. Gusto ko lang talaga bumawi sa lahat ng pagkakamaling nagawa ko before kaya wag na madaming tanong.
Oo na po.tawagan ko muna si dad at kuya para makapag paalam ako sakanila. Pero kasama ba natin sila best ha Jr?
Hindi Meng. Si kenneth na muna bahala sa bestfriend mo. At may sarili silang lakad.
Di ba may girlfriend na yung bestfriend mo di ba? Bakit sakanya pa sasama si best. Baka naman mapano yun ah.
Oo may girlfriend na nga siya pero naipagpa alam naman na namin kay alliyah na samahan muna ni kenneth bestfriend mo para di naman siya maging loner.
Ang sama mo naman kay best. Sige ka sasabihin ko sakanya yan mga sinasabi. Saka baka naman nakakalimutan mo na siya ang tumulong sayo para magplano ng mga pakulo mo last time. Medyo nainis pa nga ko kay best na tinulungan ka pala niya sabi ko sakanya habang napapangiti ako sa ekspresyon niya.
Hindi naman uyy. Masaya lang ako na kahit pano napapatawa na kita. Di tulad ng dati. Salamat talaga dahil pinayagan mo ko na maging kaibigan mo sabi niya sakin.
Tara na nga at baka mahuli pa tayo sa klase. Tumayo na kami at sabay naglakad sa hallway papunta sa klase namin.
ALDEN POV
Masaya ko na nakikita si Maine na nakakangiti na ngayon. Di tulad ng dati na everytime na makikita niya ko wala na siyang ibang ginawa kundi sungitan at irapan ako.
Unti unti nang nagbabago ang pakikitungo niya sakin. Unti unti ko narin siyang nakikilala. Masaya ako na nakakasama ko na siya at nakakausap pa.
Salamat talaga Maine sabi ko. Lumingon naman siya at ngumiti. Para san naman?tanong niya.
Sa lahat lahat sagot ko. Ikaw talaga ok na yun kalimutan nalang natin. Bilisan mo na maglakad at mahuhuli na tayo sa klase sige ka baka mapagalitan pa tayo ni prof.
Nagsimula ang klase at nasabi ng professor namin na magkakaron ng singing contest this final semester. At kailangan daw ng dalawang representative sa bawat room. Tinatanong ni Sir kung sino daw ang magiging representative namin sa classroom namin. Siyempre yung mga classmates namin ay nagkanya kanyang tago at yuko sa mga inuupuan nila.
Hanggang sa nagsalita si kenneth na bestfriend ko. Sir bakit di nalang po si Richard at Maine ang maging representative ng room namin. Tutal marunong naman po si Chard na kumanta at narinig na po ng lahat yan. Saka maganda po boses ni Maine sabi niya.
Payag ba kayo sa suggestion ni Kenneth class tanong ng prof namin.
Opo sir sila nalang po representative ng class natin. Sabi ng mga classmates namin na walang magawa.
BINABASA MO ANG
Chef Boy next door meets Miss Sungit
Storie d'amorethis story is inspired by aldub phenomenal