Sugar Coated Tear Volume One
Original story and written by herson
Copy Protected
Copyright 2015 ®Sa lahat ng matalino ako ang pinaka tanga! Sana matalino na lang ako para hindi ako tanga!
Ako si Allysa tulad ninyo maraming akong bagay na dapat ginawa at hindi dapat ginawa kung pwede lang sanang balikan ang mga sandaling yun.
Kung bibigyan lang ako ni God ng kahit one minute, hindi! Kahit thirty seconds na lang para makabalik, iba sana ang gagawin ko, iba sana ang naging last year ng highschool life ko, sana hindi nawala ang taong mahal ko na nagmamahal sa akin, sana kasama ko pa rin ang best friend ko na nagmamahal sa tao mahal ko.
Kaso super genius ako! Kaya yun nawala sila pareho.Pero hindi na pwedeng baguhin ang nakaraan, Hindi maaaring mag undo at redo, this time gagawin ko ang lahat para hindi maging super tanga, mejo lang.
Hindi ako naiiba sa inyo pero hindi rin kapareho, araw-araw katulad ng ibang teenager kailangan kong kumain sa dinning table kasama ang aking pamilya, dalawang beses sa isang araw kapag may pasok sa school, tatlong beses tuwing sabado at linggo, kapareho lang ng ibang normal na pamilya.
Ang problema hindi kami normal na pamilya, dahil ang kasama ko araw-araw sa ginawa ni Lord ay ang mahal kong Mom na 'hindi totoo sa sarili' at ang Daddy ko na 'hindi ko naman totoong daddy'.
Hindi ito madali para sa akin mahirap mabuhay kung sa bahay palang nagkukunwari na kayo isang normal at masayang pamilya na may mga ngiti sa labi, pero hindi.
Madalas kung minsan kailangan kong, ngumiti kahit pilit, tumawa kahit malungkot at ang pinaka masakit sa lahat ay manood ng teleserye sa gabi kahit hindi ko feel ang palabas, Oo life sucks.
May pagkakataon pero hindi madalas naitatanong ko, sa sarili bakit kailangan kong sapitin ang lahat ng ito, bakit ako pa sa dami ng earthlings sa earth, bakit ako!?
Isa sa mga naisip kong dahilan baka noong past life ko isa ako sa mga anak na babae ng kawal na pumako kay Papa Jesus sa krus o isang sa mga anak ng mga Pilipinong bumaril kay Jose Rizal sa Bagumbayan. Kaya ang kapalaran ko sa earth ngayon ay maghirap, magdusa at hindi maging masaya habang buhay. Bow.
Lunes, 5:30 na ng umaga, masarap pa rin ang higa ko sa kama dahil last month na ng ber-months mas malamig tuwing umaga kisa sa gabi. Isang worthy reason upang balutin ko ng kumot ang sarili, takpan ang tenga dahil sa ingay ng estupido kong alarm clock na ako mismo ang nagpangalan na 'Stupid clock ' at kalampag ng pintuan, dahil kay Mom na may limang minuto na atang na nasa labas ng kuwarto ko, haist papasok nanaman, ang tagal naman ng holiday.
Subalit bilang senior student ng Infinity University, high school department Which is Time is Gold, Better now Than later and Money Matters.
Kailangan kong bumangon bago ang 5:30 ng umaga, magtoothbrush, maligo at isout ng ayus ang white school uniform with red necktie and dark scarlet shirts, dahil sa I.U late and improper uniform is consider Absent.
Kung titingnan ko naman ang bright side meron naman. May parte na bright sa buhay ko kahit kunti, ito ay may Mom at Daddy ako. Ang Sabi nga ng character sa comics na nabasa ko, 'Happy family sa english, sa tagalog kunwari.'
Mahirap sa akin ang magkunwari araw-araw nakakasakit ng brain neurons, wala naman akong ibang mapagpipilian dahil ang ito lang ang only way para mapasaya ko si Mom. Kung masaya si Mom pipilitin kong maging masaya. Test of courage ba!!
Dumagdag pa ang buhay ko bilang teenager hindi mawala sa iisip ko na anak talaga ako ng Mom ko, kasi nangako pa naman ako sa labas ng bahay magiging totoo ako sa nararamdaman ko at hindi itatago ang totoong sarili sa ibang tao upang matanggap ako, kung ito ay hindi kinakailangan pero kung kinakailangan bakit hindi.
BINABASA MO ANG
Sugar Coated Tear
RomanceSi Allysa ay si Allysa, lumaki siyang walang ama at dumanas ng mga bagay na hindi dapat danasin ng isang batang babae kaya ang kanyang tingin sa buhay ay hindi kapareho ng tingin ng ibang normal na batang babae, para sa kanya ang pagheadlock sa bul...