Chapter 15

10.4K 349 53
                                    


AN.. Konti na lang.. Makakatapos na tayo! :) :)

Chapter 15

Kat

Para akong tanga na nakangisi habang tinititigan si Juaquin habang pinagmamasdan nya ang napakalaking obra ni Juan Luna, ang spolarium. Kanina pa sya titig na titig sa napakalaking painting at sari-saring emosyon ang dumadaan sa mukha nya.

Nakaupo ako sa isa sa mga benches sa gilid ng painting at hinahayaan ko lang si Juaquin sa pag-e-emote nya. Ako din naman nag-e-emote sa pagtitig sa napakagwapo nyang mukha. Kahit siguro kailan hindi ako magsasawang titigan sya.

It was almost a month since the day Rafael saw Juaquin. Sobrang paranoid ako noon una. Nag-iintay ako na bigla na lang susulpot si Rafael sa bahay o kaya sa condo. Pero himalang hindi sya nagpakita. Hindi nga din nagpaparamdam. Nagkumpisal na nga rin sa akin si Mina na nasabi nyang lahat kay Rafael ang tungkol sa pagkatao ni Juaquin. Ang sarap sanang batukan pero naintindihan ko naman kung bakit nya nagawa akong ilaglag, kahit na kabilin-bilinan ko . Nakasalalay ang trabaho nya, and she can't afford to lose it. Sobrang nagtataka nga ako, kung totoo yung sabi ni Mina na halos magwala sa opisina si Rafael para lang mapiga ang nalalaman ni Mina tungkol kay Juaquin, e bakit kahit tawag, wala man lang akong natanggap? Hindi kaya natanggap na nya ang sitwasyon? Tanggap na kaya nya na si Juaquin ang mahal ko at hindi ko kayang tanggapin ang pagmamahal nya? Maybe I've sent wrong signals sa kanya, dahil minsan ay nakita ko si Juaquin sa kanya. Pero ilang bese lang naman yon. Once or twice lang, after that, balik na nga ako sa pagiging hostile sa kanya. Was that enough to assume na pagtingin ako sa kanya? Well, kung iyon ang batayan nya kaya sya nagtapat sa akin ng ganon, baka nga mas mabuti na ngang alam na nya ang existence ni Juaquin para maclarify ko ang misunderstanding na ito. Pero, hindi sya nagpaparamdam. Ayoko naman na ako pa ang maunang kumaisap sa kanya!

After two weeks na hindi na talaga nagparamdam si Rafael. Nakahinga na ako ng maluwag. Sinimulan ko ng ipasyal si Juaquin. Halos isang linggo na kaming naglilibot ni Juaquin. How I love to show him around, pero napansin ko na mas naaapreciate nya ang mga museums, kaya, iniisa isa namin ngayon ang mga museum dito sa Maynila. Madali din syang naka-adopt sa kasalukuyang kultura. May mga na-adopt na nga din syang mga english words and jargons, na kung kausapin sya ng ibang tao ay hindi na mahahalata na nagmula sya sa baol.

Nakakatuwa din kasi sya, kasi nag-e-extra effort talaga sya para ma-in sa kultura namin. Sobra naman akong na-guilty, dahil noong ako ang napadpad sa panahon nya, hindi man lang ako nageffort na mag-ala makata sa pagsasalita. Hindi lang sa way of living nila ako hindi masyadong maka-adopt, ultimong paldang suot ko ay halos punitin ko dahil hindi ako sanay magsuot ng hanggang sakong.

I looked at him dreamily, at napangiti ako ng bonggang bongga. I'm such a lucky girl! Supper gwapo na sya, napakatalino pa, mabait, gentleman (sobrang bihira ka ng makakita ng ganong lalake ngayon. Endangered species na nga e), at higit sa lahat.. MAHAL NA MAHAL AKO! Ano pa ba ang mahahanap ko?! Grabe! Feeling ko milya-milya ang haba ng hair ko, daig ko pa si Rapunzel!

Napasulyap sya sa akin at automatic na napangiti sya, at bumalik ulit ang tingin nya sa painting. My gulay! I really can't get over that smile! Mabuti na lang at nakaupo ako, kundi baka hinimatay ako sa sobrang kakiligan.

Hinayaan ko muna sya sa pagmumuni-muni nya. Alam kong mabigat para sa kanya ang mga nangyari during the Spanish era dahil kabilang sya sa rebolusyon. Marami syang mga kaibigan na nagbuwis ng buhay para lang mapalaya ang bansa sa kamay ng mga espanyol. We've tried to locate some of the families of his comrades, at gayon na lang din ang ikinatuwa nya na may mangilan-ngilan kaming nakita. Siguro one of these days ay makikipag-appoint kami sa kanila. Pero, as of now... sosolohin ko muna sya.

Pero kapag pala sa ganitong mga public places, marami akong nagiging kaagaw kay Juaquin. Katulad ngayon at tumataas na naman ang kilay ko sa mga nagdatingang kolehiyala at parang gustong lapain si Juaquin kung makatitig ang mga ito! Aba at hindi pa nakuntento sa pagtingin, nilapitan pa at pinalibutan!

Full MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon