Prologue

45 8 1
                                    


"Dali na! Kailangan na nating umuwi!" Sigaw ko. Binilisan niya naman ang kanyang paglalakad at humabol sa akin.

"Sorry na. Ang dami kong nainom eh." Sabi niya at napa-kamot sa ulo.

"Ayan. Inom pa kasi ng inom! Alam nang may pasok tayo bukas eh!" Sabi ko habang inalalayan ko siya.

"Don't fret. Nasa bar tayo! We need to enjoy the opportunity. Minsan lang tayo makapasok sa bar--"

"Sshh.Narinig mo ba yun?" 

"Huwag ka namang manakot. Lasing na nga yung tao eh!"

"May narinig talaga ako eh!" Natahimik kaming dalawa ng may narinig kaming kaluskos.

"Hala! Ano yun?!" Narinig kong sigaw niya. Hindi ko siya pinansin, lumapit ako sa pinaggalingan ng kaluskos.

"Hoy! Baka kung sinong adik yung nandiyan! Tumakbo na tayo!" Patuloy pa din ako sa pag-lapit sa pinagmumulan ng tunog. Pero bago pa man ako makalapit sa lugar na 'yon, naka-rinig ako ng sigaw kaya agad akong lumingon. Nakita ko na lang na nakahandusay ang kaibigan ko sa sahig habang may nakatayong babae na puro dugo ang paligid ng bibig sa tabi niya.

Hindi ko alam kung bakit ngunit kinakabahan ako sa kanyang presensiya, pilit kong nilakasan ang aking loob.  "S-sino ka? A-anong ginawa mo sa kaniya?!"

Lumuluha siyang tumingin sa akin, "W-wala akong ginawa." Sabi niya bago sinapo ang kanyang ulo. "W-wala akong ginawa sa kanya." para siyang baliw na nagsisigaw.

"Anong nangyayare sa'yo?" Tanong ko pero bigla na lang siyang natumba. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-tipa ng numero upang tumawag ng mga pulis.

"Hello? Meron po ditong babae! Bigla na lang siyang sumulpot at-" Natigil ako ng lingunin ko siya ngunit wala na siya.

"Hello, Sir?" dahan-dahan kong binaba ang cellphone ko. P-paanong nawala na lamang siya ng ganun kabilis?

Lumingon ako sa paligid upang hanapin siya. Natigilan ako nang marinig kong muli ang boses niya sa kung saan.

"Ang gusto ko lang naman ay mapawi ang aking gutom." rinig kong sabi niya ngunit hindi ko siya makita. Patuloy ako sa paglingon sa paligid upang mahanap siya.Bumibilis na ang tibok ng puso ko sa kaba at takot. 

"A-asan ka?!" 

Ayokong mamatay ng maaga. Yan ang nasa isip ko habang tumatakbo. Wala akong marinig na yapak pero damang dama ko ang presensiya niya sa aking likod. Binilisan ko pa ang aking pagtakbo.

"Pinilit ko namang hindi uminom ng dugo ng tao pero hindi ko talaga kayang pigilan eh." 

Gusto ko siyang lingunin ngunit alam kong kapag yun ay aking ginawa,magiging katapusan na rin ng buhay ko. Binilisan ko pa ang pagtakbo ko, nagkanda-dapa dapa na ako sa pagtakbo. Kailangan kong makalayo sa kanya. Hindi ko alam pero gusto kong makalayo sa kanya. I have this feeling that if I don't run, I will surely die.

Habang tumatakbo ay saglit akong lumingon sa likod. Papalapit na siya ng papalapit sa akin.Ang bilis niyang tumakbo...o maglakad...o--bigla na lamang akong nadapa at napahiga. Naglalakad na siya palapit sa akin at ako naman ay halos gumapang paatras.

"L-lumayo ka sa akin." Sabi ko sa kanya ngunit nagpatuloy lang siya sa paglalakad palapit sa akin.

"H-hindi ko naman yun sinasadya." Huminto siya sa harap ko at bigla na lang umiyak.

"Hindi ko naman ginustong uminom ng dugo ng tao." Sabi niya at umiyak ulit.Sa sobrang kakaiyak ay napaupo siya sa lupa. Saglit ko siyang tiningnan. Muli akong kinabahan nang bigla siyang tumigil sa kakaiyak.Naka-tingin na lang siya ng diretso sa akin. Diretso sa aking mata. Para bang nababasa niya ang lahat ng nasa-isip ko.

P-pula...

Pula na ang kulay ng mata niya. Napatayo ako upang tumakbong muli ngunit hindi ko maigalaw ang aking paa. Unti-unti siyang lumapit sa akin. Pilitin ko mang tumakbo ay hindi ko magawa. Parang may pwersang humihila sakin pabalik.

"Pero sobrang uhaw na talaga ako...." Unti-unti siyang lumapit at ang huli ko na lang na naalala ay ang pag-tubo ng kaniyang pangil at ang sakit na dulot ng pag-kagat niya sa aking leeg.

* * *

SeleniumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon