Chapter 12

7.4K 75 0
                                    

Chapter 12

Respect

Tumayo si Jason nang agad niya akong nakita. Umambang bebeso pero nilagpasan ko siya at naupo sa kaharap na upuan niya.

"I told you that we will see each other on Friday! Sabado pa lang ngayon! Wala ba kayong kalendaryo?" Naiirita kong sabi. At ang demonyo ay ngumisi lang. Putek.

"I missed you. Masama ba iyon?" He said seductively.

Utang na loob, Aliyah. 'Wag kang bibigay sa kumag na iyan.

"Oo masama! At bakit ka pumunta dito? Buti na lang umalis sila mommy at daddy kung hindi, baka sabay tayong pinalayas dito." Inirapan ko siya.

After ng break-up namin ni Max, hindi na ako makausap ng matino nila daddy. He aslso hired a clown, which is ang tanging nagpapasaya sakin noon, to make me smile again. Pero hindi gumana.

Pinakilala rin niya ako sa mga anak na lalaki ng business partners niya para daw i-date ko.

Na-divert lang ang atensiyon ko ng makilala ko sila Eleanor at Desiree. I owed them a lot. Para ko na rin silang tunay na kapatid.

"That's why I'm here 'cause I know that your parents are not around." Umayos siya ng upo. Nangalumbaba siya. "Palayasin? My place is big. Pwede kang tumira doon anytime." He grinned.

"You don't know what my father can do. Not even a bit." I said. Sumandal lang siya sa couch at ini-stretch niya ang kanan niyang kamay sa sandalan habang nakadekwatro.

My father is a business man. Tuso at walang puso ang daddy 'pag dating sa business. Wala siyang sinasanto. Kahit mga partners niya ay hindi niya kinikilala bilang threat.

"Really?" He said na parang hindi siya natatakot. "Interesting" he added.

Medyo nagulat ako sa kaniya. Parang hindi siya takot kay daddy. 'Yong mga lalaking nanligaw sakin noon ay tiklop kay daddy. Even Max.

Maski sa school ay walang nambabastos sakin. Siguro dahil kay dad. He even hired Krystal. Sa itsura ni Krystal ay hindi mo aakalaing kaya niyang mambali ng buto dahil maganda siya. She even know how to use different guns. Gross.

Naudlot ang pag-uusap namin ng biglang dumating si manang Judy na may dalang tray ng pagkain. Dalawang juice at doughnuts. Nilapag niya ito at agad kong kinuha ang juice dahil uhaw na uhaw na ako dulot ng pagjo-jogging .

"Princess, pinapasok ko po siya kasi sabi niya ay boyfriend niyo raw po siya"

"What!!???"

Sa sobrang gulat ko ay naibuga ko ang juice kay Jason. "Gosh, I'm sorry. Manag kumuha ka ng tissue" agad din namang pumunta ng kusina si manang para kumuha ng tissue.

Tumayo si Jason para magtanggal ng damit. Uminit ang pisngi ko at agad na sinubo ang doughnut sabay iwas ng tingin.

"Can I take a shower in your room, Aliyah? It's so sticky." Aniya at biglang lumapit sa akin.

Bigla akong kinabahan dahil papalapit siya sa'kin considering na topless siya. Teka, bakit nga ba ako kinakabahan?

Okay Aliyah, calm yourself. Wala siyang gagawin sa'yo. Hindi ka gagahasain niyan.

"No. Umuwi ka na. Doon ka na lang sa into mag-shower" sabay tayo at puntang kitchen para sundan si manang.

Pagkarating ko ng kitchen ay siyang salubong ko kay manang.

"Princess, pasensya ka na't natagalan. Inayos ko pa kasi iyong basurahan. Napuno na kaya pinalabas ko na kay Julio" paliwanag ni manag.

"Okay lang po manang. Ako na mag-aabot" sabi ko sabay abot ni manang ng tissue. Lumabas na ako at naabutan kong wala si Jason. Asan na 'yun?

My Bedroom Buddy (R18) #Wattys2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon