18. Sick

29 4 0
                                    

Tiffany's POV


"Mga anak.. Dati pa nalulugi ang kompanya natin. Akala 'ko, maisasalba 'ko pa kaya umutang ako pero walang nangyari. Marami na rin tayong utang kaya ibinenta 'ko na 'tong bahay at iba pa nating ari-arian. May isang linggo pa tayo para manatili dito." naluluhang sabi ni Mama. Kahit ako ay gusto na ring umiyak kaso pinipigilan 'ko lang. 'Di dapat ako umiyak. Kailangan magpakatatag ako.


Lumapit kami ni Steph sakanya saka siya niyakap ng mahigpit.

"Sorry mga anak.. Kasalanan 'ko 'to" umiiyak siya habang sinasabi yan.


Nakita naming lumapit saamin si Stacey at nakiyakap na rin saamin. Alam na siguro niya kung ano ang nangyari.


Kaya pala wala na yung mga katulong namin at di kami sinundo kanina ng driver namin..

"Di na rin ba kami makakapag-aral sa LDA?" tanong ni Steph, oo nga pala. Ngayong 'di na kami mayaman, 'di na kami pwedeng mag-aral sa school kung saan kami nag-aaral ngayon na pagmamay-ari nila Drian.


"Baka ilipat 'ko kayo sa isang public school. Di na kasi natin afford na mag-aral kayo sa school na yun. Masyadong mahal. Para sa mayaman lang ang school na yun at 'di na tayo mayaman ngayon"


Nagkatinginan kaming tatlo ni Steph at Stacey dahil dun sa sinabi ni mama. Ayaw naming lumipat sa isang public school pero naiintindihan namin si mama at wala naman kaming magagawa.


Nakakahiya rin  kasi ililipat kami sa isang public school. Ano anong chismis nanaman ang kakalat tungkol saamin lalo na kay Steph kasi sikat siya. Ang dami rin naming maiiwan sa school na yun..


"Pero susubukan 'kong gumawa ng paraan para makapag-aral parin kayo sa LDA" napatingin kaming tatlo kay mama dahil sa sinabi niya. Napansin niya ata ang katahimikan namin at alam niyang ayaw naming lumipat. Sinubukang ngumiti ni mama pero bakas sa mukha niya na nalulungkot siya ng sobra at gusto niya ng umiyak. Ganun din naman ang nararamdaman namin pero ayaw naming ipakita yun kay mama.


"Sige na. Matulog na kayo, may pasok pa kayo bukas" sabi ni mama


Umakyat na kami sa mga kwarto namin. Pagpasok 'ko sa kwarto 'ko ay agad akong humiga sa kama 'ko. Ngayon 'ko lang naramdaman lahat ng pagod 'ko sa araw na 'to.


Kahit pa na sinabi ni mama na gagawa siya ng paraan para makapag-aral parin kami sa LDU eh halata namang 'di na yun mangyayari. Kung matalino sana ako ay pwede sana akong mag-apply ng scholarship kaso 'di naman ako matalino.


Wala ng ibang paraan. Lilipat na talaga kami sa isang public school at lilipat kami sa maliit na bahay.


Iniisip 'ko palang na 'di 'ko na makakasama ang mga kaibigan 'ko ay naiiyak ako pero kailangan 'ko 'tong pigilan. Kailangang maging malakas ako.


Ipipikit 'ko na sana ang mata 'ko nang bigla 'kong naalala ang magaling naming ama. Tutulungan niya kaya kami? Pft. Wala nga pala yung pake saamin. Napalitan tuloy ng galit ang lungkot 'ko. Wala man lang siya paki-alam saamin. Walang kwentang ama.

Stop Acting Like You CareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon