Kabanata Dalawampu't Siyam

1.2K 39 0
                                    

Kabanata Dalawampu't Siyam

Alas dos ng madaling araw nagising ako para mag-CR. Pagbalik ko sa kama, napatingin ako sa phone ko na katabi ko. Biglang akong napaisip kung... nakauwi na kaya si Thadeus? How's he doing?

I bit my lowerlip. Bakit ba palagi nalang siyang nasa isip ko ha?

Binuksan ko ang phone ko at nalamang may unread message ako mula kay Thadeus. Seryoso hindi ko inasahan na matapos ko siyang itext na parang pinagtatabuyan na ay itetext niya pa rin ako. Knowing him na mataas ang pride, naisip ko na hindi na niya ako itetext unless ako ang mauuna

Message from Thadeus: Nasa labas ako ng bahay niyo. Pardon me but I wanna see you tonight so bad. Gusto kitang makausap. Kung ano man ang problema gusto kong maayos. Di ako mapakali na ganyan ka sa'kin. I'm waiting.

Seryoso, nawala ang antok ko sa text ni Thadeus. 11:30pm ko natanggap ang message na iyon eh anong oras na ngayon.

Dumako ang tingin ko sa bintana. At walang anu-ano'y nagpunta ako roon. Pagsilip ko sa labas, nakita ko agad ang kotse niya. Hindi ko siya makita, pero napansin kong nakabukas ang pinto sa backseat.

Umiling iling ako. Baliw talaga ang lalaking 'yan. Tss.

Nagsuot ako ng blazer bago lumabas. Nakalimutan ko pa ngang magpalit ng sapin sa paa, naka-bedroom slippers pa rin ako.

"Thadeus," tawag ko sa kanya.

Para siyang lasing kung makaupo sa backseat. No. Lasing pala talaga siya.

"Hmm," he moaned.

"Thadeus, bakit hindi ka dumiretso ng uwi sa inyo?" Niyugyog ko siya. Effective naman dahil dumilat ang mga mata niya.

"HyoRin..." Umayos siya ng upo tapos kinusot ang mga mata niya. Umusod siya at tinapik ang espasyo sa tabi niya. "Upo ka."

"Bakit nga hindi ka dumiretso ng uwi sa inyo? Ano nalang kung may mangyaring hindi maganda sa'yo?"

"Salamat sa concern." Ngumiti siya.

Napatitig ako sa mapupungay niyang mga mata na bumagay sa magulo niyang buhok. Darn. Why so attractive, huh?

"Tara dito." Hinila niya ako papasok ng kotse. Hindi naman malakas. Katamtaman lang. Sa katunayan kaya kong pumalag. Ang kaso, nagpatangay ako. At ayun ang nakakainis.

Fudge, HyoRin!

"Bakit ganun?" tanong niya. His voice was husky making him more attractive.

Bahagya akong tumingala sa kanya. Our eyes met. Shoot! Tinakasan na naman ako ng katinuan ko.

"Kahit na magkasama na tayo buong araw, the seconds we parted, namimiss na agad kita."

Dug dug. Dug dug.

Habang tulala ako sa gwapo niyang mukha, naramdaman kong gumalaw na parang ahas ang mga braso niya sa bewang ko. He was hugging me now with his one arm.

"Can I?" he asked for my permission.

Nagtatanong pa siya eh nakayakap na nga siya sa'kin!

Hindi ako sumagot. Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Pakiramdam ko ako ang lasing dito dahil para akong nahihilo sa mga titig niya.

"Silence means yes," sabi niya. "Thank you." At niyakap na niya ako ng buo.

Hindi mahigpit at hindi rin maluwag ang pagkakayakap niya. Katamtaman lang. And I liked the feeling of it. Mas gusto ko pa siyang kayakap kaysa sa malalambot kong unan. Sobrang komportable sa pakiramdam.

Lalo akong humilig sa kanya at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya. Pinagalitan agad ako ng aking isip. Hindi ko dapat ginagawa ang bagay na ito. Hindi dapat kami magkayakap ngayon. Ang dapat, tinulak ko siya palayo nung kanina palang na naramdaman kong yayakapin na niya ako. Hindi dapat kami magkadikit ngayon. Hindi maaari ang nangyayari ngayon! Eto na naman ako. Nagpapauto sa lalaking ito.

I closed my eyes firmly then bit my lowerlip. Nagtatalo ang utak at puso ko. Alam ko, mas tama ang sinasabi ng utak ko. Kapag siya ang pinagana ko, maiiwasan kong masaktan. Pero wala eh. Magkarugtong ang feelings at ang puso ko. I chose to take the risk, never minding what it would came up. Basta masaya ako ngayon. Masaya ako dahil kayakap ako ng taong mahal ko. Kahit na alam kong pinaglalaruan niya ako, hindi ko magawang lumayo sa kanya. Galit ako sa kanya, hindi ba? So bakit ako nakikipagyakapan sa kanya?

This is shiz. Mahal ko na talaga siya!

"If only we could be this close every seconds."

Napatingin akong muli kay Thadeus nang magsalita siya.

Nakangiti siya. Iyong simpleng ngiti ngunit nakakapagpawala sa akin sa ulirat.

Kumurap siya. Pagkatapos hinalikan ako sa noo. "I love you."

Naramdaman kong nagkaroon ng awang sa labi ko. Lalayo sana ako sakanya kaso pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa mga kamay ko.

Tinitigan ko ang mga mata niya. Naghahanap ako ng kasinungalingan dito. Subalit wala akong makita kundi kaseryosohan. Jeez, he's so good on it. Ang galing niyang umarte as if seryoso talaga siya.

"I love you so much, HyoRin." Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Pinagmasdan niya iyon ng ilang segundo. Nang ibalik niya ang tingin sa mga mata ko, ngumiti siya. "Sa tamang panahon," sabi niya. Sigurado akong ang tinutukoy niya ay kiss.

May kung ano akong naramdaman. The ticklish feeling... kilig. Kasi naman sa sinabi niya nakaramdam ako ng respeto mula sa kanya. Nakaka-overwhelm.

I shook my head. Wag ka ngang ma-turn on, HyoRin! He. Is. Just. Playing. Around. Naglalaro lang siya! Nothing serious!

"Again, I love you!"

Tumaas ang sulok ng labi ko. Magaling kang magpaikot, pero mahina ka pa rin. Tingnan mo, kailangan mo pang malasing para lang makakuha ng lakas na sabihin ang kasinungaling iyan.

//pu��mx�e


Don't Mess With The JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon