Chapter 1
“JA.” Tawag sa kanya ni Elmo. Naroon siya ngayon sa condo nito at nakaupo sa couch. Saturday ngayon at wala siyang gaanong trabaho kaya nagpasya siyang dalawin ito.
Paglingon niya ay labi nito ang sumalubong sa labi niya. “Sweet.” Nakangiting sabi nito.
Napangiti na lang din siya. “Marasigan, dumada-moves ka na ang gaga-aga pa.”
Natawa lang ito. Nag-inat ito at humiga sa kandungan niya. “Na-miss kita, Angeles.” Sambit nito. Ang mga apelyido nila ang kanilang term of endearment.
“Na-miss din kita,Marasigan.” Naging abala kasi sila sa kani-kanilang commitments sa trabaho kaya naging bihira na ang pagkikita nila ng mga nakaraang araw. “Pupunta ka ba sa rehearsal mamaya?” tanong nito.
Actually, pareho silang nasa showbiz. Kilala bilang love team. First ever musical tandem. Tatlong taon na rin silang magka-tandem at isang taon bilang magkasintahan kaya apat na taon na silang mag-kasama.
Patok sa masa ang tambalan nila at talaga nga namang tinangkilik ng husto ng mga tao. At masasabi nilang iyon din ang naging simula ng success ng career nilang dalawa bilang indibidwal.
Kaso may problema, hindi pa rin nila inaamin sa mga fans nila ang totoong estado ng kanilang relasyon. Hindi rin sila nag-sasalita sa press kung ano ang totoo. Tahimik lang sila. Nagtatago? Partly, yes. Gusto rin kasi nilang gawing pribado ang relasyon nila at the same time utos na rin ng management.
Nasa peek sila ng kasikatan nila ngayon. Recently lang ay nilabas na ang second album niya. Si Elmo naman ay inaasikaso na nito ang pagre-release ng first album nito. Kaka-launch lang din ng first movie nilang dalawa. Masaya sila sa kung ano man ang nagaganap na tagumpay sa buhay ng isa’t isa.
“Tinatamad ako,e.”
Kinurot niya ng marahan ang ilong nito. “Kailan ka ba sinipag?” birong tanong niya. Kinuha nito ang kamay niya at hinalikan ito.
Ang sweet ng lalaking ito. Wala na siyang hahanapin pa. Kaya siguro nahulog din ang loob niya rito. Gentleman na, magaling kumanta at higit sa lahat, gwapo!
Rap ang pinaka-genre nito pero kumakanta rin ito ng ibang genre katulad niya.
“Pumunta ka na. Sabay na tayo.”
“Hmmm. Sige na nga. Sabi mo e.” sambit nito.
“Pagluluto mo ba ko ngayon?” tanong niya. Paborito kasi niya ang mga luto nito. Graduate ito sa kursong related sa pagluluto at business. Mahilig kasi talaga itong magluto.
“Sure. Ano bang gusto mo?”
“Iyong masarap.”
Bumangon ito at humarap sa kanya. “Ako masarap.” Sabi nito sabay ngiti ng nakakaloko.
Isa pa sa mga assets nito ay ang mapupulang labi nito na talaga nga namang nakaka-akit.
“Tse!” inirapan niya ito. “Gusto ko iyong edible kaya sige na, ipagluto mo na ko. Gutom na ko.” reklamo niya.
“Kiss mo muna ko.” request nito at inilapit ang mukha nito sa kanya. At ang puso niya dumagundong ng bongga!
Sa isang taon na magka-sintahan sila, sa tuwing inilalapit nito ang mukha nito sa kanya at matamang nakatingin ang mga mata nito sa mga mata niya ay hindi pa rin maiwasang kumabog ang dibdib niya. Iyon ang epekto ng isang Elmo Marasigan sa kanya. At alam niyang totoo ang nararamdaman nilang pagmamahal sa isa’t isa.