Noong iniibig pa niya ako
para akong kandilang
bagong sindi
Akala ko
wala nang katapusan
ang apoy
Ngunit
ako'y nagkamali
Hindi ko naisip
na ang apoy
ay maaaring mamatay
Sa pamamagitan
ng pag-ihip ng hangin
Sa pamamagitan
ng patak ng ulan
Subalit
wala sa mga iyon
ang dahilan
kung bakit namatay
ang apoy
Kundi
sa pamamagitan
ng sariling mga luha
na pumatak
at bumuhos
tulad ng ulan
Lumangoy
ang apoy
sa sariling mga luha
Humingi ng saklolo
Nanaghoy
Ngunit
walang sumagip
Nalunod
nang bumaha
Unti-unting nawala
Kapag pala tuloy-tuloy
ang apoy
maaaring mawalan ito
ng lakas
Marahil sa tindi ng init
hindi nito makaya
ang sakit
Kaya nanghina
Naupos
Hanggang sa
tuluyang matunaw
Naubos
At hindi na matanaw
BINABASA MO ANG
Paikot-ikot, Patingin-tingin [isang Tulaserye]
PoesíaIsang Tulaserye, serye ng tulang pasalaysay [narrative poetry].