chapter 8

492 6 0
                                    

Hindi na n'ya tinuloy yung sinasabi n'ya nung lumingon ako. Subukan n'ya lang talaga. Umupo ako sa sofa pagkapasok sa loob. Hindi ako nagsasalita. Wala kaming dapat na pag-usapan.

"Sandali lang, ha? Kukunin ko lang yung mga gamit ko sa sasakyan. Wait her,." sabi n'ya.

Para naman akong isang masunuring tuta na tumango lang at sumunod sa mga sinabi n'ya. Dapat kong tandaan na nandito kami sa bahay n'ya, kaya dapat sundin ko yung mga pinagsasabi n'ya. Natatakot kasi ako na baka kapag hindi ako sumunod sa kanya, baka kung anung gawin n'ya sa'kin.

Pagbalik n'ya pinagtimpla n'ya ko ng gatas. Hmm. Dagdag pogi points! Tapos pumasok na s'ya sa kwarto n'ya para magpalit ng damit. Dun ko lang napansin na iisa lang pala ang kwarto ng pad n'ya. Sabagay, mag-isa lang naman s'yang nakatira dun eh. Paglabas n'ya naka-pants s'ya at at long-sleeves. Ehem, bagay ahh. Mukha nang gym instructor. Inabot n'ya sa'kin yung towel na dala n'ya.

"Take a shower. Baka magkasakit ka," sabi n'ya. Thoughtful naman.

Kinuha ko yung towel na inabot n'ya. May binigay din s'yang long-sleeves na mukhang malaki sa'kin. Pwedeng gawing bestida sa haba. Tinuro n'ya sa'kin yung CR. Pagpasok ko pinadlock ko. Mahirap na baka... alam mo na.

Iniisip ko talaga kung maliligo ba ako. Baka kasi mamaya, kapag wala na akong damit, bigla s'yang magpumilit na pumasok eh. Pinilig ko yung ulo ko para alisin yung mga kalokohang naglalaro sa isip ko. Nagsimula na akong maligo.

Pagkatapos kong maligo lumabas na ko. Suot ko yung long-sleeves na binigay n'ya sa'kin. Muntik nang umabot nang tuhod ko sa haba. Actually, muntik na nga kong kainin ng buhay ng long-sleeves na yun eh. Sakto lang naman sa'kin. Pantulog talaga ang dating. Paglabas ko, tinanong n'ya kung gusto kong kumain, sabi ko ayaw ko, wala akong gana.

"Are you sure? You might need some energy for tonight," sabi n'ya. Batukan ko kaya toh? Ang naughty, naughty mo!

Hindi na ko sumagot. Inismiran ko lang s'ya. May natitira pa naman akong energy at sa tingin ko sapat pa yon para sipain s'ya kung may balak s'yang lumapit sa'kin.

Kumain s'yang mag-isa sa kusina. Nakaupo lang ako sa sofa at nanonood ng TV nung bumalik s'ya. Tumabi s'ya sa'kin pero hindi naman kami magkadikit. May distance naman pero ramdam ko yung warmth n'ya.

"Are you alright now?" he asked.

"Yeah. Thanks by the way," sabi ko, tumingin ako sa kanya pero naka-focus s'ya sa pinanonood naming balita. May bagyo daw. Ayan tuloy, nagkatotoo tuloy na magkakabagyo. Kase naman lahat ng tao ang sinasabi may bagyo. Tss.

"You're welcome. I love to help damsels in distress," sabi n'ya. Nakafocus pa din s'ya sa panunuod ng TV. O siguro akala ko lang focus s'ya pero ang totoo, naglalaban na yung loob n'ya kung yayakapin n'ya ba ako o hindi.

Ngumiti lang ako. Pero nakatingin pa din ako sa kanya. Ang pogi pag naka-side view, well, kahit naman nakaharap eh. Pero pag naka-side view kitang-kita ko yung tangos ng ilong n'ya. Tapos bagay na bagay yung makakapal n'yang kilay sa expressive n'yang mata.

"Baka naman matunaw ako," biglang sabi n'ya. Aww, pahiya ako ah. Sabi na eh, aware talaga s'ya sa mga pinaggagagawa ko.

"Hindi kaya ako nakatingin sayo," sabi ko. Uyy, defensive.

"You know what? I wonder what you're wearing behind that long-sleeve," sabi n'ya. Namula ko. Naramdaman ko namula ko. Napahawak ako ng mahigpit sa unang yakap ko. Ito na nga bang sinasabi ko. Lord, parang awa N'yo na.

"Why, you're blushing." Napatingin s'ya sa mahigpit na pagkakahawak ko sa unan, "Don't worry, I don't take advantage of women who can't fight for themselves. Or those who can't fight back." Nakangisi na naman s'ya.

Hindi ako sumasagot. Isa na lang, Alfred, bi-bingo ka na sa'kin!

"Though, I don't deny the fact that I want to make love with you."

Sukat sa sinabi n'yang yun, binato ko s'ya ng unan. Nasalo naman kaagad n'ya.

"How dare you! How can you seat comfortably next to me saying in front of my face that you want to have sex with me?!" sabi ko. Hindi naman ako sumisigaw pero nanggagalaiti kong sabi.

Hindi ako galit. Wala nga akong makapang galit eh. Parang kinikilig pa nga ako. O natatawa lang siguro ako.

"Hey, hey, hey. Relax. I told you, we're going to get there. But not now. Not tonight," sabi n'ya. "Unless..." Ayan na naman yung unless n'ya.

Hinatak ko yung unan sa kanya. At nagfocus ako sa TV. Focus, focus.

"Do you want to sleep now?" he asked. May tone ng paglalambing sa boses n'ya.

"I'm not sleepy." sabi ko. Pero inaantok na talaga ko. Natatakot lang ako na sa kabila ng sinabi n'yang hindi s'ya gagawa ng kalokohan, baka gawin pa din n'ya. Lalaki s'ya eh, babae ako. You know.

"Okay. So can you help me check these papers? Quiz ng kabilang section."

"Professor ka, gawain mo yan," sabi ko. "Hindi ako sumama sayo dito para pag-chekin mo ng mga papel ng estudyante mo."

"Hmm. I got your point. Sige, bukas ko na lang che-chekan. I wanna savour this moment with you." Tinabi n'ya yung mga papel sa ilalim ng lamesa na nasa gitna ng sala.

Hindi ko s'ya pinansin. Nag-ring bigla yung cellphone ko. Nagkatinginan kaming dalawa.

Kinuha ko yung phone, it's Ejay. He' calling. Tumayo ako, lumapit ako sa bintana. Iniisip ko kung sasagutin ko ba o hindi. I chose the latter.

"Why didn't you answer his call?" tanong ni Alfred, I was startled. Nasa likod ko s'ya, pinihit n'ya ko paharap sa kanya. Napaka-tsismoso.

"And why do you care?" sabi ko, nauntog ako sa chest n'ya pagharap ko.

He cupped my chin. And our eyes met.

"I just do." sabi n'ya. He shrugged his shoulders.

Nakatingin pa din ako sa kanya. Teka, teka, teka. Parang papalapit na ng papalapit yung mukha n'ya sa'kin ah. Nararamdaman ko na nga yung hininga n'ya sa mukha ko eh. Iki-kiss n'ya ba ko?

Nang biglang mag-ring yung cellphone ko. Sa gulat ko, bigla ko s'yang tinalikudan at sinagot ko yung phone nang hindi man lang nag-iisip.

"Hello?" sabi ko.

"Babe," sabi nung nasa kabilang linya. Gosh, si Ejay.

Hindi ko alam kung papatayin ko ba yung phone or what. But hearing Ejay's voice after a long and tiring day is a relief. I sighed, I fought back the urge to cry. I just love this man. I know I do and I'm certain of that.

Class Starts When the Game Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon