chapter 9

496 4 0
                                    

"Why aren't you answering the phone?" sabi ni Ejay.

"I just did," sagot ko. Pagka-rinig ko pa lang ng boses n'ya nawala na kaagad yung galit ko. Pagkarinig ko pa lang ng boses n'ya, nalulusaw na kaagad ako. Ganun ba talaga kapag mahal mo? Kahit na pinagmumukha ka nang tanga, kahit na binabalewala ka, mahal mo pa din? Hindi mo ka pa din magigising sa ka-martir-an mo? Ganun nga yata talaga.

"I can't sleep. Iniisip kita," sabi n'ya. How sweet. Iniisip n'ya ako? Kung iniisip n'ya ako eh di sana maaga pa lang sinabi na n'yang hindi kami tuloy para hindi ako nagpakabasa sa ulan at hindi ako sana nandito ngayon sa bahay ni Sir.

"But you have to sleep now. You're tired. You need rest. You need that." Nakikita ko sa reflection ng salamin sa bintana na nakatitig sa'kin si Alfred. Hindi ko mabasa yung expression ng mukha n'ya.

"Yeah, I just want to hear your voice. Tumawag kasi ako sa bahay n'yo sabi ng katulong wala ka daw. Tumawag din ako kay Jen pero sabi n'ya hindi daw kayo sabay umalis ng school," sabi n'ya. May hint ng pag-aalala sa boses n'ya pero alam kong nung narinig n'ya yung boses ko, nabawasan kahit papano yung pag-aalala n'ya sa'kin.

"I was stranded," sabi ko para makonsensya naman s'ya kahit papano.

"What? Where are you now?" tanong n'ya. Nag-aalala ulit. Na-imagine ko pang bigla s'yang napabangon sa kinahihigaan n'ya. Pero syempre imagination ko lang yon.

"I'm in a friend's house, don't worry." God, sana hindi n'ya itanong kung saang bahay ako matutulog.

"Now, that's better. I'll drop by at your friend's house tomorrow to pick you up." sabi n'ya. Oh my, ito na nga bang sinasabi ko. Bakit kung kelan ayaw kong sunduin n'ya ako, tsaka naman n'ya ako susunduin. How ironic.

"Naah, wag na. I don't wanna bother you. I can go home all by myself."

"You sure?" he asked.

"Yeah," sabi ko. Nakatayo pa din si Alfred sa likod ko. Umikot ako paharap sa kanya. Nagtitigan kaming dalawa.

"Okay. Matulog ka na din, ha? I love you," sabi n'ya. Tsk. Akala ko hindi ko na ulit maririnig yun sa kanya. Parang medyo matagal-tagal na din nung huli kong narinig yon sa kanya.

"I love you, too." Nakatitig sa mga mata ko si Alfred. Nakatingin din ako sa kanya. Pero hindi s'ya yung sinasabihan ko ng 'I love you'. Pero bakit parang hindi naman masyadong big deal sa'kin kung magpapalitan man kami ni Sir ng  mga sweet nothings. Or whatever.

Pagbaba ko ng cellphone tsaka lang tumalikod si Alfred pabalik sa sofa. Umupo ako sa tabi n'ya pero may distance pa din kami. Ba't ganun? Para namang nako-konsensya ko sa itsura nito ni Alfred. Pero teka, bakit nga ba ko mako-konsensya? Ano ko ba s'ya? Ano n'ya ba ko? Napipikit na ko.

"Are you sleepy?" tanong n'ya. Napansin n'ya yung pagpikit-pikit ko tapos paglingon n'ya pa sa'kin, nakita n'ya akong humihikab. Inaantok na ko.

"Yup."

Hinawakan n'ya yung kamay ko tapos inalalayan ako papunta sa kwarto. Kelangan may pag-alalay? Pilay ako? Pilay? As expected, mukhang manlyng-manly yung itchura ng kwarto n'ya. Very organized, which is, very rare sa mga lalaki.

"Feel at home," he said. Hindi na s'ya pumasok, hanggang pintuan na lang s'ya. Dapat lang, kasi isang hakbang na lang n'ya, baka, you know...

Tumango ako and asked, "Saan ka matutulog?"

"Saan mo ba gusto? Sa tabi mo?" Bumabalik na naman ang pagka-naughty nito. Don't start, man. Don't start.

"Wala akong sinabi. Nagtatanong lang." Nagtatanong ako ng maayos kaya sumagot ka ng maayos. Ano? Lokohan na ba kami?

"Kapag ba sinabi kong gusto kong mahiga sa tabi mo, papayag ka?" tanong n'ya. Ano ka? Sinuswerte? Not so fast, man.

Hmm, gusto mo ng mga ganyang punch line ah. "Kapag ba pumayag ako, makakasigurado ba kong matutulog ka lang talaga sa tabi ko?"

"Bakit hindi natin subukan? Nang malaman mo." May nabubuong nakakalokong ngiti sa mukha n'ya. Mukhang nagugustuhan n'ya yung mga ganitong eksena.

Nooo! Syempre joke ko lang yun. Mukhang mapapasubo yata ako ah. Pano ko ba babawiin yung sinabi ko? Kasi naman eh, nakipagbanatan pa ko ng punch line. Grrrr.

Ngumisi s'ya nung hindi ako nagsalita, "Don't worry, hindi ako papayag na matulog lang sa tabi mo. Ayokong torture-in ang sarili ko. Now, close this door bago pa magbago ang isip ko

dahil pinapangako ko sayo na kapag lumagpas ako dito, baka hindi ko na mapigil ang sarili ko and I'll tell you, hindi lang pagtulog sa tabi mo ang gagawin ko. At kapag dumating yung panahon na yun, sinasabi ko sayo, baka ikaw pa ang hindi makatulog."

Pagkatapos na pagkatapos lumabas ng mga huling salita sa bibig n'ya, sinarado ko na yung pinto. Takot ko lang. Pano nga kung totohanin ng mokong na yun yung mga pinagsasabi n'ya?

Tsk. Si Alfred kung makapagsalita aakalain mong hindi professor eh.

Hello??? Sir??? Naririnig mo bang sarili mo? Parang tange lang eh.

"Good night!" He said behind the door.

And I jumped into bed. Hindi ko na maalala kung na-lock ko yung pinto. Inaantok na ko kaya tuloy tulog na ko. Masyadong madaming nangyari ngayong araw na toh. Gusto ko munang makalimot, to drift away from reality... Kahit ilang oras lang.

Class Starts When the Game Is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon