Dahil sa trip ko (NACARRIED-AWAY TULOY)

32 4 1
                                    

the happenings..

hi, hello, hola, bonjour, ni hao, and annyeonghaseyo sa lahat!!..yan lang yung alam kong lagguages so far

the happenings..nasali na po dito yung introduction, rising action, climax, falling action, and .... hmmm anu pa ba?? meron pa?? di ko alam eh..kakaboring kasi yung teacher namin magturo.. makakonek lang ng isang salita---A SINGLE WORD, then lifestory nya na yung topic..-_- sarap ihambalos sa pader eh.. kakainis yung ganitong teacher nuh.. i mean is.. di naman masamang magshare sa class about sa buhay mo KASO wag mo namang ubusin yung time!! LESSONS.. yung lessons ang pinunta namin sa school.. di yung lifestory mong mahangin ma'am!!

oh back to the topic tayo (nacarried-away na naman -_- ) .. ang ''the happenings'' ay ang mga pangyayari.. jowk yun.. ha-ha-ha.. so this story is true po.. di po ito bastang ka-ek-ekan or what.. kasi ganito yun

one afternoon..isang hapon..awasan na namin sa school..then meron kaming assignment..

as usual kasabay ko na naman si geek (HOY, GRACE POOH!!) ..magkalapit lang kasi yung mga bahay namin (close nga sila eh) so lagi kaming nagsasabay pag awasan.. minsan sumasakay kami, minsan naman naglalakad..and that depends sa mukha ng driver.. hahaha.. kasi minsan mukhang adik yung mga driver kaya natatakot  rin kaming sumakay nuh..

but this afternoon, di ako sumabay kay geek.. mag-iinternet kasi ako ..and that is pupunta ako ng cafe.. lam nyo namang di ako rich.. cute lang (IKONEK NYO!!)

so ayun..that afternoon nag-open ako ng account ko.. OF COURSE.. ''on line sya!!'' syempre di ko sinigaw yun nuh.. haler..magmumukha akong cute..hihihi

''ako: hi''  message ko sa kanya .. nag-isip naman ako ng topic para pag-usapan namin kaso wala akong maisip kaya.. in-open ko na lang yung about dun sa gusto kong ipagawa '' pwdeng pahingi ng favor??'' send ulit.. after ilang hours.. NO RESPONSE.. so binawi ko nalang saying ''nvm (nevermind)" then nag-off na ako

kinabukasan nag-ol ulit ako and nakita kong may message kaya in-open ko

''sya: anu yun??'' tanong nya..about sa favor ata

''ako: wala" tinype ko

''sya: tungkol sa socila empire ba yan??'' tanong nya ulit

''ako: ang adik mo dun'' natatawang type ko '' di no'' dagdag ko pa

''sya: ahh..tungkol san??'' sya ulit

''ako: may ipapagawa lang kasi akong letter sana" sagot ko naman

"sya: letter??..para kanino??'' tanong nya

"ako: yup..para sana sa isang part ng story na sinusulat ko..gagawin mo??'' paninigurado ko

''sya: nagsusulat ka pala?? .. tungkol saan ba yung letter??'' tanong nya 

"ako: haha..kinakaya pa namang magpaka-writer.." sabi ko "well sulat yun ng isang guy 4 a girl na iniwan nya few years ago.. bale nag sorry nagpasalamt at nag remenisce sya ng kung anung kaeek ekan dun..basta ganun dapat yung theme..bahala ka na kung anung isusulat mo basta ganun dapat yung thought .. so kaya mu??" tanong ko ulit

hinitay kong magraect sya.. and sumagot naman after ilang minutes

"sya: parang atin lang nuh??" pagbasa ko

napa-isip naman ako.. oo nga nuh.. sya siguro.. yung amin siguro yung basis nung story

"ako: haha..siguro'' sabi ko nalang.." kjng gagawin mo..isend mo nalang saken" sabi ko nalang then nag-off na.. time na kasi plus gabi na kaya umuwi na ako

kinabukasan.. as usual klase.. boring.. upo sa seats.. tayo pag may tanong at kailangan.. then sabay sigaw ng ''TALO ANG SPURS KO'' yup.. spurs ang gusto kong manalo.. but sad to say.. di sila sinwerte.. haha buti nalang di ako nang-pusta ..haha

pag-uwi ko ulit derecho ng cafe.. actually nawala sa isip ko yug pinagagawa ko sakanya kaya pag-basa ko ng message nya

"sya:Hello, galit ka pa ba sakin?? sorry talaga kung iniwan kita, alam mo naman diba na hindi kita iniwan dahil ginusto ko, pumunta kami ng pamilya ko sa ibang bansa para manirahan dun at para mag-aral kaming magkakapatid para sa future namin, diko naman talaga ginusto na iwanan ka ehh sa totoo nga nung nandun ako at na iisip kuna malayo ka sa akin hindi ako nakakapag concentrate sa pag aaral ko at sa gabi hindi ako makatulog kasi nga namimis na talaga kita. At dahil mis na mis na talaga kita nagisip at naghanap ako ng paraan para makaipon ng pera para maka uwi na ako jan at mayakap kita ng mahigpit. Ilang araw ako nag isip ng paraan at ng malaman ko na pwede na pala ako magtrabaho dito kahit 14 palang ako nag apply ka agad ako ng trabaho. At sawakas tinanggap ako ng isa sa mga companyang inaplayan ko at nag simula na akong magtrabaho at nag ipon para maka uwi na ako jan,pero nung nalaman ko na kaylanggan ko palang maging 18 para makabili ng ticket pa uwi jan napa iyak talaga ako ng malaman ko yun. Na kaylanggan ko pa maghintay ng 4 years para makabili ng ticket, makauwi jan, makita ka, at muli kang makasama. 2 years din ang lumipas at may balak na ang magulang ko na umuwi jan para mag bakasyon, ang saya ko talaga nun nung nalaman ko yon. At lumipas rin ang mga araw naka uwi na kami at salamat sa diyos na naka uwi na kami dito ng ligtas. Sorry talaga ha na hindi man lang kita na kuntak or na message na uuwi kami kasi gusto kung gawin tung surprise, kaya sinulat ko tung napakahabang message para sayo.. Maraming maraming salamat talaga na nag hintay ka at hindi mo ako pinag palit sa ibang lalaki jan nung wala ako. Thank you pala sa pag pagbabasa nitong napakahabang message na isinulat ko galing sa puso at isip ko na nagmamahal sayo Mahal na Mahal Kita!!!!!

after kong mabasa yung message na yun.. muntik na talaga akongmapatalon sa tuwa at nag-post pa ako sa fb.. kaso nang mai-post na yung status ko saka naman nag-pop-out yung message nya saying

"sya: ayos ba pagka-construct ko?? pwede na ba akong maging writer??'' sabi nya 

KAKABWISET!!

AKO NA

AKO NA TALAGA

at ang pinaka-epic!! NAG-COMMENT SYA!!

Dahil sa trip ko (NACARRIED-AWAY TULOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon