Chapter 14-- Absent
Pagkauwi sa bahay, umakyat na agad ako sa kwarto ko para magbihis. Dali-dali ako naglinis ng sarili at humiga sa kama. Baka kasi mamaya maabutan pa ko ni kuya. Nako. Bakit ba kasi sa kanya pa ko nag-open? Hmp. Hayaan na nga. Nangyari na eh. Tsk.
*tok tok tok*
“Kamille, Kamille?” sabi ni kuya sa labas ng pinto habang kumakatok. Ano ba yan! Nakaka-kaba naman oh.
Tumalon naman ako papunta sa kama at mabilis na pumikit. Magtutulug-tulugan na lang ako! Baka sakaling bukas, limot na ni kuya mga sinabi ko. Haha.
“Kamille.” Sabi ni kuya habang dahan dahan na binubuksan yung pinto. Pikit ka lang Kamille.
….
“Wag ka na maghilik-hilikan dyan. Di bagay sa’yo. Para kang baboy.” Sabi ni kuya habang naka-pikit ako. Naramdaman ko naman na umupo siya sa kama ko
“Kuya naman eh!!” Ayan, nawala ako sa pag-arte at binuksan ko na yung mga mata ko. Buking na ko. Haha. Damang-dama ko pa naman yung pag-hilik.
Umupo naman na ko sa kama ko at hinintay ang mga itatanong sa’kin ni kuya.
“Ano na? Ikwento mo na lahat.” Sabi ni kuya.
“Naman eh. Wala yun. Kuya naman eh.”
“Magkkwento ka o sasabihin ko kay daddy yung mga nadinig ko kanina?”
“Sabi ko nga magtanong ka na kasi. Hindi ko alam kung saan magsisimula eh.”
Saka nga nagtanong ng nagtanong si kuya. Syempre ang hirap magsinungaling kasi on the spot eh. Haay. Nasabi ko na sa kanya lahat. Kung ano ba trato sa’kin ng mga kaklase ko noon at ngayon. Kung sino sila Shiela. Kung paano ko nakilala si Errol at pati na din ang tungkol sa sakit ni Dylan at pag-amin ni Christine sa’kin.. Nung una medyo nagalit siya kasi hinayaan ko daw yung ibang tao na pagkaisahan ako. Pero, kalaunan naawa naman siya sa’kin..
“Hm. Baby. May gusto ka ba dun sa nagkaka-crush sa’yo? Sino nga yun? Dylan di ba?” tanong sakin ni kuya.
“Kuya wala nga. Kaibigan ko lang talaga yun.”
“Eh si Errol ba talagang kaibigan mo lang?” at lumungkot naman yung mukha ko. Mukha naman naintindihan ng kapatid ko ang ibig ko sabihin.
“Baby sinasaktan mo lang ang sarili mo. Ayokong nahihirapan ka.” Saka ako niyakap ni kuya. Maluha-luha naman ako. Hindi ko alam kung bakit. Madami kasing dahilan. Bigla kasi bumalik sa alaala ko lahat. Kung paano ko nakilala si Errol, kung gaano kami kasaya, at ang katotohanan na malapit na maging sila ni Shiela.
“Sige na Kamille, matulog ka na. Thank you for being honest with me. Good night baby.” At saka umalis si kuya sa kwarto ko.
Humiga naman ako saka nagisip isip. Sinasaktan ko na ba sarili ko? Siguro dapat umiwas muna ako kay Errol. Nahihirapan na din ako eh. Baka kasi kapag nakita ko yun, isako ko pauwi dito sa’min. HAHA joke lang syempre. Hindi ako dapat nakakaramdam sa kanya ng kahit na anong espesyal kasi sa huli, ako lang din ang kawawa. Tsaka madami pa ko dapat isipin kaysa yun.
Isa na sa mga iniisip ko si Dylan. Gusto ko na ipagtapat sa kanya na hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Pero hindi ko pwede gawin yun ngayon dahil ikakalungkot niya yun. At baka mas lalo pa siya hindi pumayag magpa-opera. Isa pa, si Christine. :( Gusto ko siya pasiyahin pero hindi ko alam kung paano. Nalulungkot din ako para kay Christine eh. Haaaay life! Ano ba naman to. Makatulog na nga lang. Baka bukas mawala problema ko.
BINABASA MO ANG
My Love Messenger (ONGOING)
Teen FictionAng so-called "Nerd" ay binigyan ng mission: ang maging Love Messenger. Pakibasa na lang yung Prologue. :)