[FRANCHESCA's POV.]
Pag gising ko sa umaga wala na sa tabi ko si Drake at di ko alam kung nasaan sya.
"Parang nangyari na to dati" bulong ko sa sarili ko.
Agad akong tumayo sa higaan at nagtungo sa cr para maghilamos.
Napatingin ako sa salamin at nginitian ang sarili ko.
Tiningnan ko pa ang mga ngipin ko at pinalaki ang mata ko.
Ampogi ko talaga..
Mas pogi pa yata ako kay drake kung naginng totoong lalaki talaga ako.
"Goodvibes! " kumbinsi ko sa sarili ko habang nagpupunas ng basa sa mukha.
Agad naman akong lumabas sa cr at niLocked ito.
Takot kasi ako na malaman ni Daddy ang secret library ko.
Agad naman akong bumaba sa dining room para kumain.
Pagbaba ko sa hagdan kita kong nandun si Daddy nakaupo habang nagbabasa sa tapat ng pagkain.
"Good Morning Dad" bati ko
Pero biglang nabitawan ni Daddy ang librong Heaven dahil sa biglaang pagdating ko
"Ginulat mo naman ako.. " mahinahong sambit ni Daddy sabay dampot sa libro na nahulog sa sahig.
Pero ako naman ang nagulat nang sa pag angat nya ng libro sa sahig ay may biglang tatlong ibon na Yellow, Blue at Red ang nasa sahig sa lugar kung saan bumagsak ang libro. Mistulang mga ibon na lumabas mula sa libro.
Tumingin ako kay Daddy na nagtataka sa nakita ko
Madalas ko rin kasing makita ang mga ibon na yun at di ko alam kung bakit o pano
"Daddy nakita mo yun? " tanong ko sabay turo sa mga ibon nagliparan
"Yung ano? " tanong nya na nagtataka .
Siguro hindi nakita ni Daddy..
"Wala " tugon ko at umupo na sa silya at handang kumain.
Susubo na sana ako nang biglang mag salita si Daddy
"Kailan pa? " seryosong tanong nya.
Nung hindi ko sya maunawaan pero naliwanagan din ako sa ibigsabihin ni Daddy nang mapatingin ako sa Hotdog na nasa mesa
"Nung iwan ako ni mommy" mahina at nakayukong sagot ko.
"Kahit ano ka pa... Ikaw parin ang nag iisang prinsesa ko.. " nakangiting sagot ni Daddy.
Parang tumalon naman ang kaluluwa ko sa saya nang marinig ko yun kay Daddy.
Salamat mommy At sandali akong pumikit
"Bilisan mo.. May pasok kapa" nakangiting sambit ni Daddy.
Napangiti na rin ako at pinagpatuloy ang naudlot kong pagkain
.
Matapos akong kumain, agad na rin
Akong umakyat sa kwarto ko at agad na naligo , nagbihis at agad na umalis sa bahay para pumasok.
Pinatakbo ko ng mabilis ang kotse para di ako malate sa first subject .
Habang nagmamaneho na Papasipol ako sa sobrang saya dahil OK na ang lahat
Tanggap ako ni Daddy at Mahal ako ni Kira
.
Nang makarating ako sa school agad kong pinarada ang kotse at bumaba ako ng nakangiti sa sasakyan
Naglakad ako papasok ng school habang sumisipol
"Ansiga talaga mag lakad" boses na
Narinig ko sa likod, dahilan para mapatingin ako
"Drake! " banggit ko sa pangalan nya
"Buti naman at pumasok kana" sagot nya at sinabayan ako sa ppaglalakad.
"Lagi ka nalang nawawala ah.. " mahinang sambit ko at tuloy parin sa paglakad.
"Namiss mo lang ako e " pangaasar nya
"Asa tol" sagot ko at inunahan syang maglakad
Assuming talaga yung abnormal na yun
Pagdating sa harap ng gate ang main entrance papasok sa loob ay maraming estudyante ang nakaharang nagtaka naman ako kaya't napatigil sa paglakad at tinanong ang estudyanteng nasa harap ko.
*Kalabit*
"Pre, anong meron? " nagtatakang tanong ko sa babae
Nang humarap sya imbis na sagutin nya ang tanong ko ay agad nya kong sinampal dahilan para mapahawak ako sa pisngi ko
"Ay! Sorry.. Akala ko kung sino..." paghingi nya ng tawad sakin
"Ah.. Aray-yos lang " sagot ko at agad na lumayo sa kanya
Pagtalikod ko nakita kong tumatawa si drake habang nakatingin sakin.
Aba tinatawanan pa talaga ako nito.
Marahan akong lumapit sa kanya at binigyan sya ng malakas na sampal
Pero imbis na magalit sya ay natawa sya
"Hahaha uy... Papakasalan nya na ko... Babae na sya " pangaasar nya.
Bwisit talaga to. Daapat pala sapak ang ginawa ko at hindi sampal
"Pakyu" inis na sambit ko.
"Labyu" nakangisi nya namang sagot.
Bwisit talaga.
Aalis na sana ako sa harap nya pero bigla nya nalang akong hinawakan sa buhok.
"Bakit ba!? Inggit ka nanaman sa buhok ko!? " inis na sagot ko.
Pano ba naman pwede nya naman ako hawakan sa braso kung pipigilan nya ko.. Bakit sa buhok pa!
"Oo.. Sa haba kasi ng buhok mo pati puso ko napapakapit sayo" nakangisi nyang sagot
At bigla nya nalang akong binuhat na parang prinsesa.
"Ibaba mo ko!!" sigaw ko ng may pagpupumiglas pero di nya parin ako binitawan.
Nang dahil saa pag sigaw ko nagtinginan sakin ang mga estudyanteng nasa tapat ng gate. Bwisit talaga
Agad nya kong isinakay sa sasakyan nya. Pumasok rin sya sa loob at isinara ang pinto.
"Ano nanaman ba!? " naiiritang tanong ko.
Lagi nya nalang kasi akokinakaladkad sa kung saan at wala akong magawa para pigilan sya sa mga balak nya.
"Mag mo-Mall tayo" sagot nya at inistart ang sasakyan
"MMall!? May pasok! Absent na nga ko kahapon tapos gusto mo absent ulit ako! "pagrereklamo ko habang sinasabunutan sya .
"Aray naman" pagrereklamo nya sa ginagawa kong pananabunot sa kanya at agad nya kong hinalikan dahilan para mapatikom ang bibig ko
"Good..." nakangising sambit nya at pinaandar ang sasakyan
Habang papaalis ang sasakyan tumingin ako sa labas at nakitang nakatayo si kira habang tinitingnan palayo ang sinasakyan ko.
Baka nakita ni kira ang paghalik sakin ni drake.. Baka magalit sya sakin.. Baka magselos sya..
Takot akong mawala sya sakin..
Takot ako.
"DDRAKE!!!! " sigaw ko sa loob ng sasakyan.
Inasahan kong ititigil nya ang sasakyan pero mas lalo nya pang binilisan ang pagpapatakbo.
At wala na akong nagawa.
BINABASA MO ANG
Sex Reader
FantasiRATED 18 (Para sa hustong edad, 18 pataas) Isang Lesbian na nakukulong sa isang silid-aklatan tuwing sasapit ang 6:9 sa orasan na mayroong mga librong may tema ng kalaswaan at misteryo. Isang lesbian na patay na patay sa isang babae.