Chapter 23

82K 836 44
                                    

Kath's POV

Mag isa lang akong umuwi ngayon. Nagpumilit pa nga si Kats na ihatid ako pero tumanggi nalang ako.


Napatingala ako sa langit at kitang kita ko ang bilog ng buwan.


Pinagpatuloy ko ang paglalakad at tinignan ang relo ko, seven na pala.


Napatingin ako sa isang gilid at nakita na may kumaluskos doon. Kumunot ang noo ko at babalewalain ko nalang sana pero nakita ko ang isang bag na sobrang pamilyar saakin.


May katabi itong siang pulang bag. Wait.... is that MIchelle's bag? Sinong kasama niya? Hindi naman kay Dan yong bag.


Lumapit ako at sumilip sakanila. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko at biglang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Walang hiya!


Napasugo ako bigla, "Walang hiya ka!" Agad kong hinila ang buhok niya para mahiwalay kay Dominique.


With my own eyes! Kitang kita ko ang paghahalikan nila! Sa mismong araw pa na pinakasalan sia ni Dan! Shit!


"Sobrang kati mo po! Walang hiya ka! Ang landi landi mo!" Patuloy ko pa rin siyang sinasabunutan at hinila hila pa ako ni Dominique.


"Malala ka nang higad ka! ANG LANDI MO!" Sinampal sampal ko siya at sinasabunutan.


"Kath tama na!" Hinila ko Dom ang baywang ko pero umilag ako at patuloy pa rin siyang sinasabunutan.


"Ano nanaman to Michelle!? ANO NANAMAN BA TO!? Hinding hindi ka ba talaga titigil!?" Hindi ko napigilan ang pag suntok ng tiyan niya dahil sa galit ko.


"Kath... tama na please..." Nagmamakaawang sabi ni Michelle. Napailing ako at sinamapl ulit siya.


"Kath tama na!" Tinulak ko si Mich at napaupo sa sa damuhan.


Shit! Sa mismong subdivision pa namin! Napaka kapal talaga ng babaeng to!


"Last chance! Bibigyan kita ng last chance! Kasi, putang ina po, mahal na mahal ka ng best friend ko! Pero kapag hindi mo sasabihin kay Dan ang mga pinag gagawa mo, kapag hindi mo pa rin siya hinihiwalayan ewan ko nalang kung ano ang magagawa ko sayo!" Sigaw ko sakanya sabay pulot ng bag ko na nahulog.


Inayos ko ang damit ko na nagusot at binilisan ang lakad ko papuntang bahay. 


Medyo natagalan pa yon kasi tulala ako at hindi ko na alam ang gagawin ko. Nong lumiko na ako para sa kanto namin ay nakita ko si Dan doon na galit na galit na at kakababa lang ng phone niya.


Tiningan niya ako at kitang kita ko ang galit niya kaya napaatras ako. Anong problem niya?


"Anon ba ang problema mo? Ha!?" Napaatras ako dahil sa gulat.


"H...ha?" Nanginginig ang labi ko sa takot.

Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon