May mga bagay na hindi mo inaasahang mangyari sa buhay mo at nangyari sa akin ang isa sa mga hindi ko inaasahan nang linggong sumimba ako.
Wala akong makasamang sumimba noon dahil ang parents ko eh sumimba na ng maaga at ang bunso ko namang kapatid ay may pasok -- CWATS daw. hehe Kaya nung hapon na yun eh nagsimba akong mag-isa. Hindi pa man din ako sanay na lumakad mag-isa. Biruin mo 19 years old na ako pero kailangan lagi pa rin akong may kasama. ^_^
Marami ang taong nandoon nang dumating ako sa simbahan. At talaga namang mahaba ang misa ng araw na un. May iba na hindi na nakikinig habang ang iba naman ay sobrang attentive sa sinasabi ni father. Sabihin na lang nating kasama ako doon sa mga attentive. hehe
Pagkatapos ng misa sabi ni Father eh wag daw muna kaming umuwi dahil meron silang ipapakitang video.
Unang pinakita ang isang race track na meron mga mananakbong nakaposisyon na at handa nang tumakbo. Bang! at tumunog ang hudyat para tumakbo sila. Habang sobrang bilis ng mga kalahok sa pagtakbo may isa sa kanilang bigla na lamang huminto sa kalagitnaan ng paligsahan.
Kitang kita sa mukha ng lalaki ang sakit na nararamdaman nya. Naputol kasi ang hamstring nya -- isang muscle sa binti. Ngunit kahit sobrang sakit na ng binti ng lalaki ay pinilit nyang tumayo at ngsimulang magpa-ika-ika sa race track. Bakas na bakas sa mukha nya ang sakit sa bawat hakbang. Ngunit biglang may isang lalaki mula sa audience ang nagpumilit na pumunta sa race track.
Un ang ama ng lalaking kalahok. Pinilit ng ama nito na patigilin ang lalaki pero hindi ito pumayag. Gusto nyang tapusin ang race. Kaya inalalayan na lamang ng ama ang anak niya na matapos ang race. Nagstanding ovation ang mga audience nang makarating sa finish line ang lalaki.
At halos maiyak na din ako nung natapos ang video.
Pero ang tanong, ano ba ang moral lesson ng story na un?
Parang ganito lang yan eh, lahat tayo tumatakbo sa karera ng buhay. At minsan talagang madarapa ka, minsan nga lugmok na lugmok ka pa eh. Pero wag mong kalimutan na gaya ng tatay nung lalaking manlalaro meron din tayong Tatay na nasa langit na hindi kayang nakikita tayong nasasaktan.
Gagawin ng Diyos ang lahat para matulungan tayo wag lamang tayong mawawalan ng pag-asa. At kung itatanong mo kung bakit nya hinahayaang masaktan tayo eh hindi naman pala nya tayo kayang makita na nahihirapan?
Isa lang ang sagot dyan! Dahil alam ng Diyos na kaya mong malampasan un at gusto nyang maging matatag ka! Walang paghihirap na hindi nagpapatibay sa tao. Lahat ng pinagdaraanan nating pagsubok ay nakakapaglabas ng mga nakatagong lakas sa atin na hindi natin alam eh meron pala tayo.
BINABASA MO ANG
Karera
SpiritualParang ganito lang yan eh, lahat tayo tumatakbo sa karera ng buhay.