Napabalik ang utak ko doon sa araw na sinabi ni Jam :
"Alam mo yung feeling pare.. yung at last for once in my life naranasan kong masunod ang gusto ko." nakita ko ang saya sa mga mata ng kaibigan ko na medyo matagal ko ring hindi nasilayan.
"Pero pare, makakasakit ka lang.. " gusto kong ipaliwanang sa kanya kung gaano ako nasasaktan sa mga nangyayari. Gusto kong sabihin sa kanya na maghanap nalang siya ng iba. Kung pwede lang diretsahan kong sasabihing "wag yan pare mahal ko yan".. pero hindi ko magawa kasi naawa ako kay Jam. Alam ko naman kasing hindi rin niya ginusto ang lahat.
"Ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat pre pag handa na ako.. sa ngayon gusto ko munang iparamdan sa sarili ko kung gaano kaganda sa pakiramdam yung ikaw yung maging dahilan ng kakaibang saya ng taong mahal mo.. gusto ko munang maramdaman yung totoong flow ng love pare bago ko pilitin ang sarili kong turuan 'tong puso ko."
I know that he meant what he said.. kasi kahit kita ko ang saya niya, dama ko pa rin ang lungkot niya dahil alam namin pareho na panandalian lang ang lahat.
"Pero pare hindi pa rin magandang idea eh.. Bakit siya? ". Sa dinami-dami naman kasi ng babae dito sa campus, bakit siya pa.
Nakakatawa na nakakairita. Paano ko ba nagawang itanong sa kanya yun, gayong alam ko naman sa sarili ko kung bakit si Aster. Ngayon , I am left with no choice but to listen to the words of someone important to me as to why he holds on to the love which I am supposed to be holding. At ang sakit isipin na gustuhin ko mang wag nalang intindihin ang dahilan niya, alam ko pa rin kung bakit niya ginagawa ito.
"I will break it gently pare.. " those words were hanged when his phone rang. Tumawag na naman ang Mama niya.
Break it gently ? Paano yun ? How would someone break a heart gently ? Nakakatanga. Parang nagtatanong ako sa sarili ko kung paano hihiwain ang sariwang isda ng hindi dumudugo.
<><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>
And now, here I am in front of the girl whom Jam and I delivered to the pit of heartache. Nakakakonsensya pero nakakawala rin ng pagka-bother yung thought na ako rin ang sasalo sa kanya when she starts to fall.
Four months passed at nasanay na siya sa presensya ko. At nasasanay na rin ako sa atensyon niya. Everytime na wala si Jam siya na ang kusang lumalapit sa akin kapag nakikita niya ako. Naging friends ko na rin ang friends niya. Paminsan sumasama ako kapag nagba-bonding silang magbabarkada. Kapag nandyan naman si Jam sa tabi niya, nadudurog ako pero pilit kong hinaharap. Pinipilit kong itago ang sakit. Nagpapakatanga ako sa idea na kapag bumagsak na siya, ako ang sasalo sa kanya, ni hindi ko man lang naisip kung ako ang tatawagin niya. Pero chini-cheer ko ang sarili ko na wag mag-alala. May pupuntahan din itong struggle ko. In Gods perfect time.
Hanggang sa dumating ang panahon na unti-unti naming naramdaman ang paghakbang ni Jam palayo. And God did not fail me. Ako ang unang nilapitan ni Aster para kapitan niya.
"James, may napapansin ka ba kay Jam ?" tanong niya isang araw habang kumakain kami.
Kakatapos lang ng liga sa barangay namin that time. In-invite ko siyang manood at hindi naman siya tumanggi. Ang sarap ng feeling ko habang naglalaro. Lalo na kapag napapalingon ako sa kanya at nakikita ko na nag-chi-cheer siya talaga. Lumalakas ang loob ko. Di naman ako MVP pero na-enjoy ko yung laro na may presensya niya. And because she's already here, I might as well invite her to come over our house para mag-merienda. And of course I didn't take no for an answer to make this day worth it.
Bahagya akong napa-isip sa tanong niya.. pero hindi na rin ako nagpahalata.. I answered, forcing myself not to look at her eyes.
"Hm ? Wala naman.. bakit ? Meron bang naiba ?"
"Kasi.. hindi na siya nakakapag-aral ng maayos.. lagi nalang siyang umaalis." bothered na sagot niya.
"Ahh yun.. eh kasi napapag-utusan siya ng Mama niya." Yun at yun din ang isasagot ko sa kahit anong tanong niya kasi yun lang din ang magandang isagot para wag na akong mapalayo pa sa katotohanan.
"Wala ba siyang kuya o ate.. na pwedeng sumalo sa utos na yun ? Ang weird kong girlfriend noh.. wala man lang akong alam sa pamilya ng boyfriend ko." sabi niya.
I can see her effort to smile when she said the last line. But I definitely felt her embarrassment. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin sa kanya na wag siyang mag-alala, matatapos din ito. Pero syempre hindi ko ginawa. Gusto kong si Jam na mismo ang magpaliwanag sa kanya ng lahat.
BINABASA MO ANG
Struck Me Down
عشوائيFeeling pain is a necessity of life. Kung hindi ka raw masasaktan, hindi ka rin matututo. Hanggang kailan ba dapat masaktan para may matutunan ? Hindi rin masamang harapin ang consequence ng buhay, kasi nga raw epekto rin yan ng bawat desisyon na gi...