Maynila ...
.
.ang maynila ay isa sa pinaka busy at mataong lugar sa bansang pilipinas, ang lugar na ito ay matatawag na over-populated dahil karamihan sa taga probinsya ay lumuluwas rito para makahanap ng hanap buhay( dahil akala nila ay mas madaling kumita ng pera dito, ngunit nagkakanali sila.) O di kaya naman ay mag-aral. Hindi ko alam kung bakit dito nila gusto samantalang mas payapa ang buhay sa probinsya, tahimik at may sariwang hangin
.
.Karaniwan na sa lugar na ito ang magulo, maingay, marumi sa paligid dahil narin sa dami ng tao. Nariyan ang mga nag-iinuman, nag kakantahan, nag tatawanan, at mga tunog ng sasakyan at busina nito. Kung taga rito ka ay tiyak na sanay kana sa trapik dahil sa dami ng sasakyan na bumabyahe sa EDSA.
.
.Pagsapit ng gabi, marami ang kawatan na naglipana sa kalsada-- holdapper, mag nanakaw, snatcher, mga pulis na nangongotong at kung minsan pa ay may hostage taking, kaya ang mga taoy todo ingat, kabi kabilang aksidente ang nangyayari nariyan ang may nagbanggaan, nahulog sa tulay, na hit and run, at kahit pa gabi na ay matao at marami paring sasakyan. maraming nanlilimos at nagtatakbuhang mga bata sa lansangan at maramming mga babaeng nagkalat upang mag bigay ng aliw kapalit ang kaunting salapi.
.
.Araw araw lahat ng yan ay nasasaksikan ko. Ewan ko ba, sanay nako sa mga yan, dito kasi ako lumaki, pero kahit naman anong reklamo ko ay wala namang magagawa, hidi naman nito mababaliktad lahat.
.
.Ako nga pala si Rommel, magaaral sa FEU, at kumukuha ng kursong electrical engineer. Pangalawang taon ko palang sa kolehiyo. Hilig kong manood at magbasa ng horror movies at mga zombie movies. Normal naman ang lahat hanggang isang araw .....
...
...
...
...
...
...
...
nangyari na ...