SANA

2 0 0
                                    

Sana pag dating ng araw makalimutan ko ang mga alaalang masasakit na dulot mo.

Sana hindi nalang ikaw ang minahal ko ng ganito ng sa ganon ay hindi ako nasaktan ng sobra sobra.

Sana hindi mo nalang binigay ang unan na yun na nag silbing sandalan ko ng mga panahon wala ka sa tabi ko,  Ang unan na sumalo lahat ng galit, sakit at luhang tumulo sa bawat araw na ikaw lamang ang nasa puso't isipan ko.

Sana hindi nalang ikaw ang lalaking una kong iniyakan ng ganito, iniyakan ng ilang baldeng luha na kahit kelan hindi mo pinunasan para saakin.

Sana hindi mo nalang pinaramdam saakin na hindi na ako nag iisa sa panahong yun ng sa ganun eh hindi gaano kahirap ang kalimutan ka  at ng mga ala alang nabaliwala nalamang.

Sana kahit papaano naramdaman mo ang pag mamahal ko sayo at hindi ang presensya ko bilang kaibigan mo.

Sana ako nalang ang una mong minahal at hindi ang kaibigan ko.

Sana hindi nalang ako ang best friend material na sinasabi mo, dahil para kang karayom na paulit ulit na sinasaksak ang puso ko.

Sana hindi ka nalang nangako ng salitang "tayo lang habang buhay" kung alam mo din naman sa sarili mong sisirain mo ang pangakong yun.

Masakit, sobrang sakit ng mga salitang pinanghawakan ko mula sayo, umasa ako umasa na baka sakaling tayo parin hanggang ngayon.

Ang hirap tanggapin sa sarili na ako ang taong anjan sa tabi mo pero iba parin ang napansin mo, na ako kahit ikaw ang nasa isip ko siya parin ang iniisip mo.

Ang sakit isipin na ikaw ang dahilan ng pag ngiti at pag iyak ko pero iba parin ang dahilan ng mga ngiti mo.

Ang hirap panindigan ang salitang best friend sa tabi mo lalo na at nasasaktan ako sa tuwing malungkot ka dahil sa kanya at ako ang sandalan mo.

Masakit pero kelangan kong tanggapin na hindi  ako ang taong mag papasaya sayo na gaya ng pag papasaya niya sayo.

Hindi ako mag papaka martyr para sabihin na masaya na ako na masaya ka dahil ang totoo eh habang masaya ka eh umiiyak ako dahil hindi ako kailanman magiging laman ng puso mo.

Pero hayaan mo balang araw ngingiti na din ako hindi dahil sayo kundi dahil sa isang taong kaya akong pangitiin, na iiyak ako dahil sa tuwa at hindi dahil sa lungkot...

Sana, Sana ma realize mo na ako na best friend mo na minahal ka ng higit pa sa inaakala ng iba.

Sana (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon