CHAPTER 1

10 0 0
                                    

Ang kwento ko ay naganap tatlong taon na ang nakakalipas.

3 years ago...

Unang araw ng pasukan at unang araw ko din ngayon sa bago kong high school. At nagmamadali ako dahil malalate na ako para sa flag ceremony. At kapag nalaman ni ate na late ako sa first day of school siguradong yari ako. At pagsinabing 'yari' hindi lang 'to simpleng sermon o pagalit, siguradong tatalupan ako nun ng buhay, pwera biro.

Well, iniisip nyo siguro na sobrang sama ng ugali ko para maparusahan ng ganun. Pero sa totoo lang ay mabait talaga ako medyo may pagkapasaway lang pero mabait pa rin naman kahit papaano. Matindi lang talaga magalit si ate, nakakatakot.

Mabuti na lang at nakarating ako sa school bago simulang kantahin ang Lupang Hinirang. Ewan ko kung anong grade level ang pinilahan ko pero sa laki at dami ng mag-aaral sa St. Micheal's Academy wala naman sigurong makakapansin.

Exercise and pinaka ayaw kong parte ng flag ceremony. Wala naman kasing totoong nag-eehersisyo, nagpapanggaplang ang lahat para di mapagalitan ng mga teachers. Pero ang naka pukaw ng pasin ko ay yung babaeng naka tayo sa ilalim ng puno. Mukhang hindi naman sya istudyante kasi di sya naka uniporme. Mahaba at straight ang kanyang itim na buhok, maputi ang kanyang balat at nakasuot sya puting bistida, yung parang sinusuot ng mga batang magkukumunyon, na hanggang tuhod. Hindi ko masyadong maaninag kung ano ang itsura nya dahil medyo malayo sya sa akin. Matagal tagal din siguro akong naka titig dun sa babae kasi di ko namalayang tapos na ang flag ceremony at naglalakad na sila papunta sa kanikanilang mga classroom. Nabalik lang ako sa ulirat ng may umapak sa sapatos ko.

"Sorry pare, di ko sinasadya" sabi nung lalaking naka apak sakin.

"Di, okay lang" sabi ko habang pinapagpagan ang aking sapatos.

"Bago ka lang 'no, ngayon lang kasi kita nakita. Ako nga pala si Cris" sabay abot nya sakin ng kanyang kamay. Doon ko pa lamang sya tinitigan. Matangkad, malaki pa sya sakin ng ilang sentimetro, at may suot syang makapal na salamin. Unat na unat din ang uniporme nya, tipikal na itsura ng isang grade conscious student. At ayoko sa mga ganung tao dahil para sakin ay mahirap silang pakisamahan, pero kailangan ko ang tulong nya pansamantala para malaman ko ang pasikot sikot dito sa bago kong paaralan.

"Maki" matipid kong sagot sabay kamay sa kanya.

"Anong grade level mo at section?" tanong nya. Kaya kinuha ko ang registration form ko at binasa sa kanya.

"9- Mabini" sabi ko at bigla namang napangiti si Cris.

"Nice! Classmates tayo. Tara, dito classroom natin" sabay hila sa braso ko. Malakas ang batang 'to kaya sumunod na lang ako sa kanya.

Maya maya pa ay nakarating din kami sa classroom namin, room 303. Malawak ang classroom para sa 30 students. Agad agad kong pinili ang upuan sa pinaka dulo ng classroom sa tabi ng bintana. Tanaw mula rito ang oval field ng school. Napansin kong tanaw din mula sa pwesto ko ang puno kung saan ko nakita yung babae kanina pero wala na sya dun, baka umalis na. Pinagmasdan ko ang buong paaralan bago ko binaling ang pansin ko sa loob ng classroom. Grabe, parang nasa set ng isang anime series, astig ang paligid.

Di ko napansin na tumabi si Cris sa akin, pero ayos lang kasi di naman sya nakakatamad kausap at medyo nakakatawa sya kasama. Pinaliwanag nya sakin yung mga basic school rules na kailangan kong tandaan. Pati na rin ang mga pasikot sikot at kalakaran dito sa school. Lahat ng kailangan kong malaman ay ipinaliwanag nya sa akin, para siyang walking guide book kung paano makakasurvive sa lugar na 'to. Mukhang nagkamali ako ng paghusga sa kanya, malalaman natin yun pagnagsimula na ang klase.

Masayang nagkukwento si Cris tungkol sa mga activities ng paaralan nang bigla na lang syang bumulong "putek!". Napansin kong bahagya syang nakasulyap sa pinto kaya naman tinignan ko kung ano ang maroon.

Lips of an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon