Chapter 6

5 0 0
                                    

Okay papasok nako ng school ngayon. Buti nga at hindi ko na naabutan yung snoopy na yun eh. Tss! At like hello? Nag cut ako ng class kahapon! Oh god! Mahirap maghabol ng lessons. Pero sana maka kopya ako mamaya. Hehe

Okay alam niyo naman siguro na sikat at gwapo si karl. At dagdagan mo pa yung si ulupong na snoopy na gwapo din 'daw' kaya ayan. Kung maka tingin na naman sakin mga babae dito parang nang gigilit ng leeg.

"Bitch talaga"

"Sinabi mo pa"

"Bago palang dito pero naglalandi na agad. Tsk"

"Slutt!"

Nagulat nalang ako ng biglang may umakbay sakin.

"Don't mind them" hindi nako nag aksayang tignan pa siya. Hinatid niya ako hanggang sa room ko. Hayy. Dati naalala ko nung bata ako. Naiinggit ako sa mga classmates ko kasi hinahatid sila ng mga tatay nila. Eh ako? Wala...

"Thankyou kuya sa paghatid" ngumiti ako sa kanya

Ginulo naman niya yung buhok ko "Basta tatandaan mo pam, hindi sa lahat ng oras ay nandito ako sa tabi mo. Kaya't kung maaari ay nasa tabi ka lagi ni tristan" sabay turo niya sa likod ko.

Pagka lingon ko. Ngumisi na naman siyang parang aso. The fuck?

Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko at napalitan ito ng pagka inis. Sarap tirisin talaga nito. Humarap naman ulit ako kay kuya "Kuyaaa! Ayaw ko ngang makita yang snoopy na yan tapos gusto mo pang dumikit ako sa kanya lagi?! Are you freaking serious?!" Halos pasigaw na yung pagsabi ko kay kuya. Eh kasi naman :<

Ngumiti naman si kuya ulit "Don't freak out princess. Pag ayan sinaktan ka, sabihin mo lang sakin. Ako mismo uupak diyan" sabay tingin niya kay tristan

Ngumiti naman si snoopy. At isa lang ang alam ko. Seryoso nga si kuya at--

'I.M. D.E.A.D'

Nagsimula ng lumakad si kuya paalis. At ako hindi ko na hinintay si snoopy at agad akong pumasok sa loob ng room. Naiinis ako!

Pagpasok ko. 'All eyes on me'

Nagpose nalang ako ng wacky at ngumiti. Hehe, minsan lang nila kaya ako mapansin

Yung iba nag tawanan at yung iba naman umirap nalang. Hehe tinawanan nila ako! YEEEEES!!! Sabi ko na nga ba eh. Team positive!

Nagulat ako ng biglang pinuntahan ako ng isa namin classmate. Si Dominic naka ngiti--

NAKA NGITI?!

"HAHAHAHA nakaka tawa ka kanina pam pam! HAHAHAHAHA" tawa siya ng tawa. Akala niya siguro hindi ko alam deepest secret niya. Hahahahha! Ikaw naman ang tatawanan ko dominic.

"Ah ganon? Gusto mo ba ipagkalat ko yung sikreto mo?" Nginisian ko siya. Haha! Matakot kana doms!

"Sige nga sabihin mo?"

"Basta pag sinabi ko, magkaibigan na tayo ah?"

"Oo ba" Ngumiti ako ng malapad. Yiieeeee! May kaibigan narin ako!

Lumapit ako sa kanya at bumulong "Alam kong si Dominic Mendoza ay isang beki, bakla o bading" natawa naman ako ng biglang napahinto siya. Malamang dahil yun sa mga sinabi ko. Haha!

Bumulong din siya sakin "Jusko teh! Hindi kaya ng aking powers pag nalaman nilang beki akez. Baka majombag ang beauty ko. Basta pag may ibang tao, kunwari lalake ako ah"

Ngumiti siya at sinuklian ko din siya ng matamis na ngiti

"Oo naman. Ikaw pa" yumakap ulit siya sakin at niyakap ko din siya. I can't believe that I have a friend like a gay.

Bigla ko nalang naalala na nasa room nga pala kami. Kaya't na tulak ko si domskie palayo sakin, at dahan dahan tumingin sa paligid namin...

"Uh-oh..."

Nagtagpo ang mga mata namin ni tristan. Jusmiyo kung makatitig naman 'to.

"What. Is. The. Meaning. Of. This?" Cold na tanong ni tristan. Okay anong meron?

Tinuro ko sarili ko "Ako ba tinatanong mo?"

"Malamang! Sayo ako nakatingin. Stupid ." Sabay irap sakin. ABA--

"Wow ah! Nagtatanong lang naman eh! Sungit nito!"

--

Maya maya ay dumating na ang professor namin. At syet lang dahil may pa-surpresang quiz pa si Sir!

'3 minutes later...'

Waaaaaaah!! Tatlong minuto nako naka titig dito sa papel kong puro blank space! Shoot! Patay tayo.

"Okay 5 more minutes and pass all your papers!" Nakaka pressure naman lalo si sir. Hayy! Dapat kasi talaga nag rereview nako. As in 'araw-araw'

Napaubob nalang ako ng mukha sa aking desk. Tutal bokya na naman na aabutin ko.

Nagulat nalang ako ng biglang may bumatok sakin. Napa bangon ako bigla

"Oras pa ng klase natutulog kana? Magaling na estudyante ka dre" sabay pitik niya sa noo ko. Aray!

Bigla nalang niya kinuha yung kamay ko at may inilagay siyang papel.

"Huh? Ano naman to?" Pag tingin ko ulit sa kanya. Seryoso na siyang nag sasagot sa papel niya. Tss hindi parin pala siya tapos. Haha! Pareho pa kaming bokya.

Binalik ko nalang ang tingin ko sa papel na binigay ni snoopy. Ano kaya 'to? Bukod sa pagiging papel niya. Kayo ah. Pilosopo na naman :<

Nanlaki mata ko--

Agad akong lumingon sa kanya at sinabunutan. Napa aray naman siya, pero sakto lang para kami lang ang maka rinig.

"Omyghad snoopy. You saved me! Oh thank you!" Bigla naman niya akong pinisil sa pisngi habang pinipingot ko naman ang tenga niya.

"Aray!! May bayad yan oy!"

"Shige libre kita mamaya. Hoy trishtan! Ngayon lang ah!"

Naramdaman naman nilang ang tahimik ng paligid nila at sabay silang lumingon sa harap habang hindi parin tinatanggal yung mga kamay nila sa mukha.

"Get the hell out of my room. Both of you. NOW!"

--

"Oy snoopy-- este tristan. Thankyou kanina ah! Hayaan mo lilibre kita." With matching taas dalawang kilay pa. Haha! Minsan lang kaya ako manlibre.

"Tss! Fine"

"Okay" ngumiti ulit ako. Haha ang cute ko talaga. Djk hehe

My fiance is a COC addictTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon