Napabuntong hininga ako at tinitigan si Odessa na ngayon ay nakikipagkwentuhan sa mga pinsan niya. Mula sa kinaroroonan ko ay rinig ko ang tawa niya. Hindi ko maiwasang paulit ulit na mamangha sa magiging asawa ko. Dumako ang tingin ko sa tiyan niya. Kahit mahigit isang buwan na siyang nagdadalang tao ay hindi parin ako makapaniwalang mag kakaanak na kami. I'm going to be a father after nine months and I'm so fucking excited.
Lumipat naman ang tingin ko kila Joaquin na ngayon ay nakikipaglandian sa mga pinsan ni Odessa. Katatapos lang ng graduation niya at may konting salo-salo akong pinahanda para sa kanya. I'm so proud of her. Bukod sa madami na ang nag offer sa kanya ng trabaho ay grumaduate pa siyang Cum Laude sa batch nila. She really want to accept Thunderbird's offer, pero ako na mismo ang nag reject ng offer nilang mag trabaho siya doon. For goodness' sake, dala dala na niya ang magiging anak namin at hindi ako papayag na mag trabaho siya. She will stay in our house, will take care of herself and to our baby. Iyon ang gusto kong gawin niya sa ngayon.
Inikutan ko ng mata si David ng tumingin siya sa gawi ko at muling binaling ang tingin sa kay Odessa. Muli ako napabuntong hininga. Hanggang anong oras ba ang mga tao ito at hindi pa sila uuwi? Kung maari sana ay ayokong napapagod si Odessa, nadala na ako sa nakalipas na linggo. Ayoko ng kahit anong bagay na nakakasama sa mag-ina ko. I want them safe every time. Kung pwede nga lang akong mag leave ng isang taon sa trabaho ay gagawin ko maalagaan lamang sila ng mabuti.
"Kanina ka pa titig na titig kay Odessa. Kailan ang kasal?" bumaling ang tingin ko kay George na may hawak na dalawang beer. Nang umupo siya sa tabi ko ay binigay niya saakin ang isa na mabilis ko namang kinuha. Tinikman ko iyon bago muling pinanood si Odessa. She's so beautiful. So fucking beautiful. Kung magiging babae ang anak namin ay gusto ko magkamukha sila. Para dalawa na ang Odessa sa buhay ko. I'll name her Arch Angel.
"What's up?" pang iiba ko ng usapan. Sumasakit parin ang ulo ko sa kanya. She's so playful and naughty. Sabi naman ng doktor ay ganoon daw talaga kapag buntis. Ilang beses ko na siyang tinanong kung kailan niya ako pakakasalan pero puro kalokohan lang ang sinasagot niya.
"I'm fucking good, Carlos. What's up?" binalik niya saakin ang tanong. Kinunutan ko siya ng noo. Dapat pala ay hindi ko na isinama ang tatlong 'to. Kung sana nandito si Phoenix at Felix pati narin si Sid ay hindi ako guguluhin ng tatlong gagong 'to.
"Tangina mo, lumayas ka sa harapan ko." tinawanan niya ako at bahagyang sinuntok ang braso ko. Alam naman nilang pinapahirapan ako ni Odessa na kumbinsihin siyang pakasalan ako at ginagatungan pa nila siya.
"Gago. Ikaw na nga itong dinadalaw namin. Kailan ka babalik sa trabaho?" nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Muli kong pinanood si Odessa. Kung lalaki naman ang magiging anak namin ay papangalanan kong Manuel Leviticus. Fuck! Mukha na akong desperado. Mas excited pa ako kaysa kay Odessa.
"Hindi ko alam. Kailangan kong alagaan ng mabuti si Odessa, pare alam mo namang buntis siya. Paano kung manganak siya ng wala sa oras habang nasa trabaho ako? Tangina mo, George. Ikaw ang sisisihin ko kapag nagkataon."
"E, gago ka pala eh! Sinong niloko mo! Wala pang limang buwan ang magiging inaanak ko. Bobo mo, pare. Mag leave ka kapag kabuwanan na niya." sinulyapan ko siya at inikutan ng mata.
"Ayoko. Ikaw muna ang bahala doon."
"Alam mo, Carlos, iyan ang mahirap sa'yo, eh. Nagpopokus ka sa iisang bagay. Nakay Odessa lang ang atensyon mo. Kaya siguro ayaw ka pa niyang pakasalan dahil sigurado siyang ilalaan mo sa kanya lahat ng oras mo. Gusto mo bang maulit ulit ang nangyari sa kompanya mo? Pare, maiintindihan ka naman ni Odessa. Mas matino pa nga siyang kausap kaysa sa'yo."
Napahinto ako at napatitig sa nakatagilid niyang mukha. Nagngingitngit parin ako sa galit sa tuwing maaalala ko ang bagay na 'yon. Kung paano pinagsamantalahan ng mga gagong 'yon ang kakayahan ko sa mundo ng business. Kung alam ko lang na ganoon ang intensyon nila ay sana hindi na ako nakipag negotiate sa kanila. Hindi sana ako nag kaproblema sa kompanya at kay Stacey. I swear to God. Kung wala siya ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung maiibalik pa saakin lahat ng transactions at systems ng kompanya.
BINABASA MO ANG
Everlasting
General FictionHanggang saan hahantong ang salitang everlasting kay Carlos at Odessa?