11

66 5 0
                                    

"Shalika!!!" Sigaw ko with all the force. Para marinig ako ng babaeng sawi.

Tama kayo ng dinig. Or tama kayo ng basa. Sawi siya.

Niloko ng hinayupak niyang boyfriend.

Umiiyak nanaman siya kaya ko tinatawag. Psh. Sabi ko sa inyo mabait ako eh!

Ayaw niyo pang maniwala kutusan ko kayo e.

"Huhuhu Jade T.T" Tumakbo siya papalapit sa akin. At yinakap.

Hinayaan ko lang siya. Mga 10 minutes din siyang nag drama. pagkatapos non feeling ko tama na ang nailuha niya para sa lalaking yon.

"Hoy itigil mo na yan. Kanina pa ako basa ng luha mo. Baka may nasama pang sipon kadiri!"

"Eto naman you're so mean! Broken hearted na nga ako e."

"Sinong tanga?" Mataray kong tanong sa kanya.

"Oo na ako na!"

"Talaga alangan naman ako? E hampasin kaya kita. "

"Huhuhuhu" Iyak nanaman leshe!

"Iiyak iyak ka ngayon. Sabi ko naman sayo diba? Itigil mo na yan he's not worth your tears. Ang kapal ng mukha ng lalaking yon na magloko! Ibato ko kaya siya sa bunganga ng mt. pinatubo?!"

"Hahaha sige game ako gurl. Makaganti man lang"

"Gusto mong gumanti? Sure?"

"Oo naman." Saka siya nagpunas ng luha niya sa mata.

"Ipalapa mo sa anaconda" Sabi ko sabay layas dun.

Nako no kahit gusto ko siyang tulungan hindi ako pwede ngayon.

Eh may problema pa nga ako kay Ace e!

"JADE! " Lumingon naman ako.

Papalapit ang gwapong bestfriend ko sa akin.

"Oh?"

"Hello din! Muah" Kiniss niya ako sa cheeks.

"Labas tayo sa sabado?"

"Hindi pwede." May date kami ni Ace. -_-

"Bakit naman?" Lungkot lungkutan pa siya psh.

"May date ako."

"May biktima ka nanaman? "

"Oo naman. Kaya ikaw magpa gwapo ka ha? Kasi kakailanganin nanaman kita."

"Di na kailangan no. Gwapo na talaga ako"

"Eh basta. Kamukha mo kasi yun e" Ngulat naman siya sa sinabi ko pero tumawa din.

May nakakatawa?

"Tawa ka pa. Ipapasok ko tong kamao ko sa bunganga mo e"

"Haha kasi naman Jade naghahanap ka pa ng iba e ako lang naman pala ang type mo" Tawang tawa siya diyan ha?

"Gusto mo bang itulak kita sa bangin ha?!"

"Sige ba basta saluhin mo ako haha"

-.-

"Hehe halika na nga" Saka niya ako inakbayan at naglakad na kami papuntang resto. Lunch kasi namin ngayon.

"Hoy King ambantot mo" Saka ko siya tinulak.

"Asa! Oh yan amuyin mo" Saka pinaamoy sakin yung kilikili niya. Abat!

"Peste ka! Ambaho!" Tinutulak ko pa din siya pero mas hinihigpitan lang niya yung yakap sakin.

Oo ang ganda ng posisyon namin shet -.- Nakayakap habang naglalakad psh.

"Iiiihhh kasi naman King e!"

When the PlayGirl PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon