Manika

991 12 15
  • Dedicated kay Twinkle Twinks
                                    

Sa gitnang bahagi ng Kalye Pelaez,isang berdeng bahay ang matatagpuan.Bagaman ilang dekada na rin itong natatayo,hindi naman ito napapabayaan,at regular pa ring ipinaaayos at pinapipipinturahan.Dahilan ang mga orihinal na may-ari ay sa Amerika na naninirahan,sari-saring kwento ng kababalaghan at katatakutan ang sa kanila'y maririnig---mga kaluluwang tulung-tulong na nagbabangon sa tulog; kaluluwang nagbabantay sa sanggol; mga tumogtug sa lumang piano; humihila ng silya at lamesa; at iba pa.Subalit isa sa mga mkatawag pansin sa mga kababalaghan,sa lahat ng lumang gamit na naroon, ay ang antigong manika na 'di umano'y sumasanib...

Tag-init,taong 2012, gabi noon at walang kuryente.Sa pagiging bukas ng mga noo'y nakatira sa bahay, maraming kabataan ang nagkakatipun-tipon, nagkwekwentuhan at nagkatuwaan.Samantala, hindi naiwasang pag-usapan ang mga kwentong katatatakutan gayong makailang bahay lamang ay may patay na nakaburol...

Isa sa mga nasa bahay noon ay si Joshua .Kilala si Joshua sa barangay bilang isa sa mga astigin at tigasin.Bahagi ng katuwaan,kinuha ni Joshua ang isang manikangmaraming taon nang hindi nagagalaw.Hindi lalayo sa tatlong talampakan ang taas ng manika,na ayon sa mga makakita'y tila may sarili ng buhay.Sa ibang persekpektibo,masasabing ang manikang iyon ,kasama ang iba pang manika sa bahay,ang silang matatagal nang naninirahan sa bahay.. 

Ginalaw at pinanakot pa ni Joshua ang manika sa mga kasamahan.Sa di sinasadyang pangyayari,naputol ang kamay ng manika.Mabilis naman ang mga sumunod na pangyayari.Biglang-bigla,hindi na maigalaw ni Joshua ang kanyang boung katawan.Pilit man siyang kumilos o magsalita,wala siyang magawa.Nagtagaktakanang pawis ni Joshua.Nagulat na rin ang lahat sapagkat wala nang tigil ang pagpatak ng mga luha ni Joshua.Pilit na pinakakalma ng mga kasamahan ni Joshua.Nang maisip na may kinalaman ang nangyari sa manika sa sinapit ni Joshua,sinabi ng mga kasamang humingi ng tawad si Joshua.

Nang sa isip ay makahingi na ng tawad si Joshua,unti-unti na ring nawala ang kung anong pwersang bumalot sa kanya.Ayon kay Joshua,hindi niya rin maipaliwanag ang mga nangyari sa kanya.Sinabi nman ng albularyung agad na natawag,ang espiritu ng manika ang nagalit at pumasok sa katawan ni Joshua.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ManikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon