Mina's POV
Pagpasok ko ng palasyo,nabighani ako sa sobrang laki nito at sobrang gara ng mga kagamitan.
Unang beses ko itong mapasok kaya nilibot ko muna ito,ganito talaga ako eh,MAUSISA!
Habang ako'y naglalakad,nagulat nalang ako nang biglang may nagsalita - "sino ka?"
napalingon ako sa nagsalita at nagulat nang makitang ang mahal na reyna pala ang nagsalita..
"m-mahal na reyna?...uh..eh..ng-ngayon po kasi ako m-magsisimulang magtrabaho dito s-sa palasyo,at sinabihan po ako ng mahal na p-prinsesa na hanapin ko d-daw po si Amelia"
nanginginig kong sagot sa reyna,sobrang kinakabahan ako na naging dahilan ng ka-utalan ko sa pananalita,baka kasi parusahan ako ng mahal na reyna.
"ah ganon ba?wala dito si amelia sa palasyo,inutusan ko sya sa labas...habang naghihintay ka,kumain muna tayo"
ang mahal na reyna ba talaga to?bakit ganito sya saakin?..nakakapagtaka..
"po?..sigurado po kayo?"
paniniguro ko..
"oo naman..halika na,sumunod ka na saakin" sagot ng reyna saakin
"uuuuuhhh...sige po,salamat po" ito nalang ang naisagot ko,nakakahiyang tanggihan ang alok ng mahal na reyna..
****
pagdating namin sa hapag kainan...lalo nanaman akong kinabahan at nagulat nang maabutan namin doon si ginoong charles at ang----ang mahal na hari?!!! 0___0 halos mahimatay ako ng maabutan namin sila..
"maupo ka na"
alok saakin ng reyna
"sino sya?"
kinilabutan ako sa tanong na ito ng mahal na hari
"siya po si Mina,mahal na hari" at imbes na ang mahal na reyna...si ginoong charles pa ang sumagot sa mahal na hari..
"kilala mo sya Charles?"
tanong sakanya ng hari..
"opo mahal na hari,nakilala ko po sya kanina" sagot nya
"siya ang bagong tutulong sa mga gawain dito sa palasyo"
dagdag pa ng reyna
"ganon ba?..sige maupo ka na at kumain na tayo"
aya saakin ng hari..nagtaka nalang din ako ngunit umupo nalang gaya ng kanyang utos at nagsimula na kaming kumain...

YOU ARE READING
The Lost Princess [On Going]
Fantasíaang fairylandia ang kaharian ng mga diwata, mapatubig pa man, lupa, tubig o hangin pa yan.. Pinamumunuan ito ni haring Liseyo at Reyna Jessa..Si Satana ang naninira ng katahimikan ng fairylandia, isa syang rebeldeng diwata na nakipagkasundo sa kadil...