Naaalala ko pa nung ako'y musmos
Ang laging dasal ng aking Ina , ako'y makatapos
Kaya ang aking makakaya sa pag-aaral ko binubuhos
Upang ang aking Ina ay Matuwa Pag ako'y Nakatapos
Ngunit isang bagay ang nangyari sa aming buhay
Bigla nalang nagbago ang pag-uugali ni Itay
Basta basta siya nagagalit nang wala kaming Malay
Ang lagi niyang sinisisi sa lahat ay tanging si Inay
Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari
Basta't alam ko lang may problema kaming malaki
Marami akong naiisip na Hindi ko Mawari
ang Tanong sa sarili , bakit samin pa ito nangyari
O , Diyos ko ako'y tulungan nyo
Hindi ko po alam kung saan ako hihingi ng payo
ang aking mga hiling sana po dinggin nyo
ang aking mga dasal sana po pakinggan nyo
--
A/N :
Wala lang po na tripan ko lang gumawa ng tula :))
--TwntysxFrvr