The way I care for you

55 16 5
                                    

"I'm home," bungad ni Aliz pagkauwi kinagabihan.

Nanlaki ang mga mata niya pagkakita sa 'kin sa bahay nila. "N-nandito ka pala!" wari'y mabilis niyang tinago sa likod ang mga hawak ng paper bag.

"Tamang-tama nagdala ng pagkain si Ace, iyon nga't hinahain na ng Kuya mo. Sabay na kayo kumain," saad ni ate Elsa mula sa lababo habang naghuhugas ng mga pinggan.

"I l-lost my appettite. Aakyat na 'ko sa taas," nananamlay naman niyang dahilan. "Ace, excuse me," pagkasabi'y nagsimula na siyang humakbang papunta sa hagdanan.

"Aliz, gusto mo ng gamot pampagana kumain?" pahabol kong tanong.

"Pain reliever, instead."

"Saan banda ba masakit?"

"Dito," turo niya sa dibdib.

"Sige, ibibili kita."

"Bibili ka?" baling niya sa 'kin.

"Oo, ayaw mo ba?"

"Bahala ka," napaismid na lamang siya saka tinuloy ang pag-akyat.

Nagpaalam naman ako para bumili.

Nakabalik ako makalipas ang kalahating minuto dala ang mga binili. Tinawag ko siya mula sa huling baitang ng hagdan ngunit walang nagsalita kaya tumuloy na lamang ako sa pag-akyat. Pagkarating sa taas ay wala ako ibang nakita sa sinabi nilang silid maliban sa branded paper bags.

Tumingin ako sa paligid. Gawa sa kahoy ang dingding kung saan manipis na kurtina lamang ang nagsisilbing harang sa magkatapat na double deck at wala rin kahit anong dekorasyon sa paligid.

Naglakad-lakad ako hanggang sa isang nakakalat na laruang maraming patusok-tusok ang natapakan ko sa sahig. Pinulot ko iyon para sana ilapag sa tabi ng mga paper bag kaso bigla itong umilaw.

Doon ko lang napansin ang LED indicator at ang maliit na screen sa harap nito. Mayroon din itong USB slot sa pagitan ng limang patusok-tusok na gilid. Pipindutin ko na sana ang mukhang power button pero biglang dumating si Aliz.

"Sana naghintay ka na lang sa ibaba," giit niya habang pasimpleng kinukuha ang laruan sa kamay ko.

"Ah, eh sorry. Iaabot ko lang naman 'tong gamot at lugaw para makakain ka kahit paano... S-sige, ilalapag ko na lang dito, disposable naman 'yong lagayan. Saka binilhan na rin kita ng buko juice. Favorite mo 'yon, 'di ba? Wala nga lang siomai. O-oh siya, lalabas na 'ko. Eat well, Aliz," mautal-utal kong paliwanag na halos hindi makatingin nang diretso sa kaniya. "Kainin mo na lang at inumin 'to. M-may pasok pa kasi ako sa trabaho. Hindi na kita masasamahan."

MY NIGHTMARE TO REMEMBER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon