For the first time in forever

61 15 8
                                    

Matapos ko mag-walk-out kinagabihan ay hindi na namin iyon napag-usapan pa. Basta nagpatuloy ang bawat araw na normal at para bang walang nangyari. But honestly, until now, nalalasahan ko pa rin ang halik ni Ace. He is a good kisser naman pala!

Indeed, siya na nga yata ang pinakamagandang regalo na natanggap ko ngayong Pasko. Actually, mas lalo kami naging sweet sa isa't isa. Iyon bang may mutual understanding thingy? Parang kami na, pero hindi pa kami. Ang gulo, 'di ba?

"May pag asa ba q sau? Na maging Boyfrend mu?" chat from Ace.

Bagaman madaling araw na ay gising na gising pa rin ang diwa ko habang ka-chat siya. Kung bakit ba naman kasi siya naging Call Center Agent?! Iyan tuloy kailangan ko mag-adjust sa schedule ng trabaho niya.

Sa kabilang banda, bigla ako nakaramdam ng takot. Paano kung malaman niya ang totoo kong pagkatao? Matatanggap kaya niya ang nakaraan ko? O baka naman kasabay nang pag-amin ko sa kaniya ang biglang pagbabago ng lahat sa 'min.

This isn't the old me. I used to be a strong woman who took all the risk for my own happiness. It doesn't matter kung sino ang maaagrabiyado. In fact, laruan lamang para sa 'kin ang mga lalake noon. Kung nakikita lang siguro ako ngayon ng dating ako, malamang nabatukan ko na ang sarili ko. Kaya naman, ano nga bang pakialam ko kung matatanggap ba niya ako o hindi?! Marami naman d'yang iba, 'di ba?

"Seryoso ka ba sa 'kin?" nai-reply ko na lamang out of nowhere.

"Ou," he sent back.

To test him, ako na ang nag-initiate nang ganito, "Sasabihin ko sa 'yo ang sagot sa Miyerkules personal. Afternoon nasa Loyola Memorial Park ako. Let's meet, then."

Mag-iisang taon ng patay ang Mommy ko at matagal ko na rin gustong dumalaw sa puntod nito kaso hindi ako makakuha nang tiyempo. Kaya naman gagamitin ko ang pagkakataong ito para maipakilala ang unang lalake na nagparanas sa 'kin nang tunay na kahulugan ng panliligaw.

Kung sana noon pa 'ko naging ganito kaseryoso sa buhay, hindi sana ako napuno nang panghihinayang. Masyado kasi ako naging mapusok noon. Aaminin kong hindi ito ang unang beses na nagmahal ako nang ganito. Kaya naman sa tagpong ito ay hindi ko na sasayangin ang pagkakataon. Hindi ko na hihintayin pang mawala muna si Ace bago ko ma-realize ang lahat.

This time, I will take all the risk— again.

MY NIGHTMARE TO REMEMBER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon