Alizanabelle's POV
Naupo ako sa ilalim ng double deck katabi ang mga paper bag saka binaling ang tingin sa dinalang supot ni Ace. Nakakatawa kasi Medicol ang brand name ng gamot na binili niya, eh, hindi naman literal na nabibili sa drugstore ang pain reliever na tinutukoy ko.
Hay! Kung meron lang sana no'n.
Hawak ko pa rin hanggang ngayon ang voice recorder na kamuntikan na niyang kalikutin. Dito naka-record ang lahat ng nasa isip ko. Privately confidential ito. Walang dapat makarinig. Kaya inilagay ko ito sa ilalim ng unan.
Until now, hindi pa rin nawawala sa isip ko ang tungkol sa sinabi ng mga kaibigan ko kanina. There's a part of my brain that says go for Jackson, pigilan ko ang pag-alis nito but my heart says no. Yes, I'm over him, but what is this feeling? Is it mean I'm not yet totally move on?
Hanggang sa nakatulugan ko na lamang ang pag-iisip. Nagising ako kinabukasan, tatlong text messages mula kay Ace ang na-receive ko.
First: Hai Aliz pagaLing ka aH ? NaSa work na q
Second: Malalaman mo lang na inLOVE kana, kapag KINAKABAHAN ka twing nakikita mo sya
Third: GoodNight Aliz^^
Napangiti ako sa magandang bungad na iyon sa umaga. Kahit wala pang almusal ay maaga naman na nabusog ang puso ko.
In this case, I realized the decision that I am going to choose and the person who I want to be with. I was about to reply nang magising si ate Elsa.
"Okey ka na?" tanong niya habang kinukusot ang mga mata.
"Yes! I'm okay," maiksi kong sagot, "Tara! Mag-breakfast na tayo para makapag-stroll sa buong baranggay!" ako na ang nagpresinta.
Ace and I are keep on chatting everyday and night. He's even asking kung kumain na ba 'ko o kung ano-anong pagkain ang mga kinakain ko. Nakakatuwa kasi palagi niyang pinaaalala na uminom ako ng gamot at huwag magpapalipas ng gutom.
He acts like a jealous boyfriend. He wants me to update him every time. He is so overprotective knowing that we're on a stage of getting to know each other pa lang naman. I never thought na magiging ganito ka-sweet ang bungad ng month of December. Akala ko kasi February na!
"Zanabelle, matulog ka na nga! Sino ba 'yang ka-chat mo? Madaling araw na, oh!" paninita ni ate Elsa nang maalimpungatan sa pagtulog.
"Sige Ate, maggu-good mor-night lang ako."
"Tulog na, maaga ka pa n'yang sasaktan bukas!"
Para akong baliw na nagtatago sa ilalim ng kumot kapag nakaka-chat and text si Ace tuwing madaling araw, pabago-bago ako ng posisyon sa paghiga at bigla-bigla na lang napapangiti sa dilim. Kapag ramdam kong didilat ang mata ni ate Elsa ay nagtutulog-tulogan naman ako.
Para bang hindi ko nararamdaman ang antok kapag kausap ko siya. Minsan nga nalilimutan ko na ang kumain gawa ng katatawa sa corny niyang punch lines. Iyon bang binubusog niya 'ko sa pagmamahal?
Pati tuloy ako kumo-corny na rin!
***
"Hi, star!" bati ni Felix nang makasalubong ko siya sa kalsada.
Pareho kami walang kasama at halos papalubog pa lamang ang araw sa mga oras na ito.
"Sorry, wala pang star." ismid ko't humakbang para lagpasan ang kinatatayuan niya.
"Narinig ko lang na mahilig ka raw sa star. Eh 'di, ang hirap mo pala abutin! Paano kaya 'yon?"
Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kaniya, "Hoy! Felix, what are you talking about? Straight to the point, would you?!"
"Masyado nagiging busy si Justine Ace sa pagbibilang ng stars at natatakot ako na baka makalimutan niyang isama sa bilang ang buwan... Kaya huwag masyadong magmataas, ha? Mas masakit kasi ang magiging bagsak no'n, Zanabelle."
Nangunot ang noo ko. "Pinagbabantaan mo ba ako?"
Ngumiti naman siya. "Mali ka. Pagpapaalala ang tawag do'n."
"Hindi naman siguro masama kung maging playsafe ako pagdating sa bagay na 'yan, 'di ba?" pagkasabi'y naglakad na ako palayo at iniwan siyang speechless.
Ewan ko nga ba sa mga tao rito! Kung noon ay halos ipagtulakan nila kami ni Ace sa isa't isa, ngayon ay parang sila pa 'tong mas natatakot para sa 'min.
Napakalabo nila!
BINABASA MO ANG
MY NIGHTMARE TO REMEMBER...
Teen FictionWaking up without everything in a modern city feels like hell. Like an endless night where mourning takes place. A misery that I have to conquer with my iron will. And him, who drags me to an ill-fated fairytale. But, what if dreams and reality coll...