Chapter Four
"M-Mooommy..."
Ako si Alizanabelle Hoshizora Luna. Panganay ako sa aming apat na magkakapatid. Kakambal ko si Bela, na sinundan ni Ariel at si Ysa ang aming bunso. 17 years old ako nang namatay si Mommy. Magmula noon ay naging malaya na rin si Daddy kasama ang kerida niya.
Bunga nang magulong pamilya kaya napariwara ang buhay ko. Natuto ako magsugal at sumubok ng kung ano-anong bisyo. Kung sino-sinong lalake ang nakasama ko. Hanggang sa maagang nabuntis kaya tuluyang hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Tinanggalan ako ni Lola ng pamana at itinakwil bilang apo.
Noong oras na gusto ko nang tapusin ang buhay ko ay may mga taong nadamay... Nang dahil sa akin, isang kasalanan ang nagbunga... Isang responsibilidad... Isang pagkukulang...
"Pinatay mo siya! Pinatay mo siya! Mamamatay tao ka!"
"MOMMY!"
"Zanabelle, okay ka lang?" tanong ni ate Elsa. Nakatapis siya ng tuwalya at mukhang katatapos lamang maligo.
"P-panaginip?" pawisan akong napabangon sa higaan.
"Panaginip, eh halos buong araw ka na ngang tulog! Ano ba ang nangyayari sa 'yo?"
"Si S-Stella, tinatawag n'ya 'ko... Kailangan ako ni Stella. Ate, gusto ko makita ang anak ko."
"May pamasahe ka ba papuntang Japan?"
"Wala. P-pero hanggang ngayon, naririnig ko pa rin sila... Pareho sila. Parehas na parehas sila ni Mommy. G-galit, galit na galit sila sa 'kin."
Naupo si Ate sa tabi ko. "Nakaraan na 'yon. Ang mahalaga, may natutunan ka sa mga pagkakamali mo. Tahan na, Zanabelle, mahal ka ng mommy mo at sigurado ako kailanman hindi s'ya nagtanim ng galit sa 'yo," wari'y pinahid niya ang mga luha sa mata ko na hindi ko manlang namalayang tumutulo na pala.
"Pero Ate, k-kasalanan ko ang nangyari. Dahil sa 'kin kung bakit pati ang papa ni Ace, nadamay..."
"Ssssh! Wala kang kasalanan do'n."
"Pero paano kapag nalaman nila ang totoo?"
"Zanabelle!"
"Dapat kasi sinagasaan na lang nila ako! Hindi dapat ako 'yong nabuhay."
BINABASA MO ANG
MY NIGHTMARE TO REMEMBER...
Teen FictionWaking up without everything in a modern city feels like hell. Like an endless night where mourning takes place. A misery that I have to conquer with my iron will. And him, who drags me to an ill-fated fairytale. But, what if dreams and reality coll...