Si Daddy ang tumatawag. Nakatatlong missed calls na siya magmula pa kanina at hanggang ngayon ay nagdadalawang-isip pa rin ako kung pipindutin ang answer button. Sa tagal nang pag-iisip ay namatay na ang ring kaya panibagong missed call na naman ang nadagdag sa call logs ko. Nasa garden na ako nang mag-ring uli ang cellphone para sa ika-lima niyang tawag.
"H-Hello?"
"Merīkurisumasu! Ogenkidesuka?" Japanese speaking na ang daddy. He's just greeting me a Merry Christmas and asking if kumusta ako.
And to answer his question, heto nakikisama. Nagbabayad ng utang. Nagbabagong buhay. Pero siyempre, sinarili ko na lamang ang ganoong saloobin. There's no sense of telling him my point of view and to greet him back because I hate him.
"Anak, alam mo ba, sobrang lamig ng pasko rito sa Japan. Sana nandito kayo... Sana magkakasama tayo. Miss na miss ko na kayo kung alam mo lang. P-pero huwag ka mag-alala kasi gumagawa na ako nang paraan para mabuo ang pamilya natin. Magsasama-sama rin tayo... At kung may pagkakataon, dumalaw ka naman sa mansion. Silipin mo manlang ang mga kapatid mo."
As if it's easy! Tumapak nga lang sa gate ng subdivision ay hinaharangan na 'ko ng security guards. How much more ang lumapit sa mansion?
"M-mabuti na lang kasama ko rito si Stella-chan kaya para na rin kitang kasama. Okey lang siya, 'wag kang mag-alala. Napakalusog, napakadaldal at napakaiyakin. Ikaw na ikaw nga, eh! Sigurado, hindi mo na siya makikilala pag-uwi namin."
Napaiyak na lamang ako pagkarinig sa pangalan ni Stella.
"Tonikaku, oba no Monika ga watashi ni denwa shita. Mata denwa shimasu. Ittsumo ki o tsukete. Watashi wa anata o aishite iru."
Hindi ko na maintindihan ang iba pa niyang mga sinasabi dahil tuluyan na akong humagulgol.
Napakatindi ng galit ko kay daddy dahil sinamantala niya ang pagkamatay ni mommy para pakasalan ang kerida niya. Sana nga siya na lang ang namatay. Pero ewan ko ba kung bakit nanalaytay pa rin sa 'kin ang pagiging isang anak sa kabila nang pagiging iresponsable niyang ama. And it feels so weird na pareho kaming nagsisisi at pareho namin nami-miss ang isa't isa.
"I love you too, Dad."
Huli na nang sambitin ko iyon dahil alam kong tinapos na ni Daddy ang tawag. "I'm sorry. Kasalanan ko ang lahat. S-sorry talaga."
"You've done your part," giit naman ng kung sino mula sa hindi kalayuan.
BINABASA MO ANG
MY NIGHTMARE TO REMEMBER...
Teen FictionWaking up without everything in a modern city feels like hell. Like an endless night where mourning takes place. A misery that I have to conquer with my iron will. And him, who drags me to an ill-fated fairytale. But, what if dreams and reality coll...