Alizanabelle's POV
Mabuti pa ang iba excited magpasko samantalang ako ay padungaw-dungaw lang sa bintana habang tinitingala ang mga bituin.
Nakalulungkot isipin na taon-taon ako nagpapasko mag-isa. Ang pinagkaiba lang ngayon taon ay kasama ko ang mga pinsan ko.
Noon kasi, nakatira nga kami sa malaking mansion pero madalas nasa business trip sila Mommy at Daddy. Minsan ay kasama ni Dad ang isa niyang pamilya samantalang ang mga kapatid ko naman ay nagse-celebrate kasama ang mga barkada nila. Kaya mas inaabala ko na lang ang sarili sa pagpunta sa mga bar para hindi maalintana ang pagsapit ng pasko.
"Pinapupunta na tayo ni Madam Castillo sa kanila," sabat ni ate Elsa na hindi ko man lang namalayan ang paglapit. "Doon na raw tayo sumalubong. Maraming pagkain saka may videoke. Nandoon na rin si Ace, kanina ka pa hinahanap. "
"Sige, Ate, susunod na lang ako."
"Anong susunod? Sumabay ka na sa 'kin sa pagbaba! Bawal ang KJ dito! Paskong-pasko nag-e-emote ka!" bulyaw niya saka umakto nang paghatak sa 'kin.
Kinaladkad niya ako pababa hanggang sa kapitbahay.
"Iyan na ang maarte!" deklara ni Ate nang makapasok kami sa loob.
Lahat sila ay napatingin sa 'min.
Lumapit sa 'kin si Felix na may dalang song booklet. "Pumili ka ng kanta para hindi kayo parehong nag-e-emote," pasupalpal nitong inabot ang booklet na tumama sa pisngi ko.
Mangyari pa'y bigla akong hinigit ni kuya Leo para maupo sa tabi niya at pinagsalin ako ng beer. Sunod din lumapit sa 'kin si Chris para ibigay ang pinggan na may napakaraming pagkain.
"Hindi ko 'to mauubos!" maktol ko.
"Si Ace ang nagsandok n'yan. Ubusin mo raw para tumaba ka."
"Duh?! Where the fuck is he?"
"Zanabelle, napaka-hard mo talaga sa pamangkin ko," saad naman ni ate Ophelia. "Umakyat na siya sa taas. Masama ang pakiramdam," dagdag nito na nag-iba ang naging tono ng pananalita.
Napatingin ako sa hagdanan at biglang natameme. Para bang gusto kong akyatin si Ace sa taas? Like, I want to take care of him, this time.
Aakto na sana ako sa pag-akyat nang biglang mag-ring ang cellphone mula sa bulsa ng short ko.
BINABASA MO ANG
MY NIGHTMARE TO REMEMBER...
Teen FictionWaking up without everything in a modern city feels like hell. Like an endless night where mourning takes place. A misery that I have to conquer with my iron will. And him, who drags me to an ill-fated fairytale. But, what if dreams and reality coll...