Pansamantalang namayani ang katahimikan. Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni ate Elsa. Hinagod-hagod niya ang likod ko.
"GAN'YAN N'YO BA PLANO SALUBUNGIN ANG PASKO?" sabat ni kuya Leo.
Napatingin kami sa kinatatayuan nito. Nakasandal ito sa pintuan at mukhang kanina pa nakikinig sa amin na ngayon lang namin napansin.
"Kung tumulong kaya kayo ng pagluluto sa kusina?" sabi pa nito. "Ilang oras na lang, oh! Noche Buena na!
Justine Ace's POV
Ilang oras na lang ay magpapasko na pero nandito pa rin ako sa trabaho.
Nakalulungkot lang isipin dahil unang taon ako magpapasko na hindi kompleto ang pamilya. Umuwi kasi sa probinsya sila Mama at ang mga kapatid ko kaya mag-isa ako makikisalubong ng pasko mamaya kasama sila Lola, Tito, Tita at mga pinsan ko.
Nakaka-miss si Papa, birthday pa naman niya bukas.
BINABASA MO ANG
MY NIGHTMARE TO REMEMBER...
أدب المراهقينWaking up without everything in a modern city feels like hell. Like an endless night where mourning takes place. A misery that I have to conquer with my iron will. And him, who drags me to an ill-fated fairytale. But, what if dreams and reality coll...