Hingal na hingal na si Alizanabelle kaaakya't baba sa magkakahiwalay na building dahil sa paghahanap kay Jackson.
Kanina pa natapos ang klase nila at kung saan-saan na niya hinanap ang kasintahan pero hanggang ngayon ay hindi n'ya pa rin ito nakikita. Imposibleng nauna na ito sa party dahil napagkasunduan nilang sabay sila pupunta sa venue kaya sigurado siyang nasa school pa ito.
"Babe, please answer my call," sambit niya habang pinakikinggan ang patuloy na pagri-ring sa kabilang linya. "Wait, is that his ringing tone?"
Bagaman mahina at hindi alam kung saan nagmumula ang pamilyar na tunog ay sinusundan n'ya pa rin iyon. Habang papalapit sa rooftop ay mas lalong lumalakas ang ringing tone kaya nakasisigurado siyang sa cellphone ni Jackson iyon nanggagaling.
"Babe, why you're not answering my calls?" usal niya nang makitang hinahayaan lamang nito sa pagri-ring ang iPhone 4 na nasa kamay.
Sa kabila nang madilim na paligid ay sigurado siyang ito ang kasintahan. Kabisado niya ang maangas na tindig at matipunong hubog ng pangangatawan nito kahit pa nakatalikod.
"Nagpaalam ka ba sa magulang mo na hindi ka uuwi ngayong gabi?"
"May bago ba roon?!" ismid niyang sagot sa nakaloloko nitong tanong. "Bakit naman ako magpapaalam, eh si Daddy nga halos gabi-gabi kung umuwi nang lasing? At saka wala naman ibang concern si Mommy kung 'di ang pagma-manage sa pa-bankrupt niyang kompanya. So, kanino ako dapat magpaalam? Kay Lola? O baka naman sa kapatid ko?
Hello, I'm older enough to unwind! Besides, today is your birthday. It's normal for us to celebrate together," she pouts. "C'mon babe, let's go downstairs. I have a surprise for you," panlalambing niya't umakto nang pagyapos sa braso nito.
"Let me go, Aliz."
"I'm sorry," mabilis naman niyang aalisin ang kamay rito. "M-masyado ba mahigpit ang kapit ko?"
"No. But that's maybe the best birthday gift you could ever give to me."
"I don't get it. You are just kidding, right?"
"I'm serious... I guess eight months are enough for me to realize my worth. I mean, I'm tired of seeing you each day and night sleeping with every other guy."
"Excuse me? I thought you're fine with that set up," pagtataas niya ng kilay. "'Di ba sabi ko noon, hindi pa ako ready mag-commit? Sabi ko, dahan-dahanin muna natin kasi hindi pa ako gano'n kasigurado sa 'yo. Pero sabi mo, tanggap mo 'ko. S-sabi mo, you're more than willing to take the risk if it means you can have me. And now, ano iyang inaarte mo? Ayaw mo na? Nandidiri ka na sa 'kin? Akala ko ba mahal mo 'ko?"
Sa pagtatapos ng mga litanya niya'y mabilis namang gumuhit ang kidlat sa kalangitan kaya sandaling lumiwanag sa rooftop at doon lamang niya naaninagan ang namumugtong mga mata ni Jackson na mukhang nanggaling sa pag-iyak.
The rest of their relationship kasi ay walang ibang ginawa si Alizanabelle kung 'di ang makipag-fling sa iba, by thinking that it's fine with him. But now, it is indeed so painful to see him like this. Ngayon siya nakararamdam ng konsensiya.
And then she finds herself embracing him while letting his tears fall through her uniform. She feels him clenching his fists, not knowing whether to be mad or to give up hope altogether. She hears him silently screaming, suffocating with each breath he's taking by holding onto his pride.
"W-when I said I love you, I meant it. I always thought I can change you but I was wrong," Jackson replies while trying to escape from her arms.
And that moment, the rain starts to fall.
"Kahit marami ako nakaka-fling, ang mahalaga naman ay sa iyo pa rin ako bumabalik, 'di ba?"
"Hindi iyon sapat, Aliz."
"Natutunan na kita mahalin, ngayon ka pa ba susuko? B-baka puwede pa natin ayusin? P-puwede naman ako magbago kung 'yon ang gusto mo. Huwag 'yong ganito na bigla ka na lang makikipaghiwalay sa ginta nang masaya nating relasyon. Okey naman tayo, eh. Kahit isang sign wala kang pinahiwatig na hindi tayo okey. Tapos biglang ganito?" hindi na rin niya napigilan ang pag-agos ng mga luha.
Kahit nangingibabaw ang dumadagundong na kulog at naglalakihang patak ng ulan ay sigurado siyang gusto niya pa rin manatili sa tabi ni Jackson. Hindi siya magpapatinag sa kinatatayuan at mas lalong hindi niya ito bibitawan kahit pa tamaan siya ng kidlat.
Nang maramdamang hindi na ito nagpupumiglas ay doon lamang siya natuwa dahil nangangahulugan lamang iyon na hindi nito kaya ituloy ang pakikipaghiwalay sapagkat kung talagang desidido ito ay kayang-kaya naman siya nito ipagtulakan palayo kung puwersahang itutulak.
"B-baka kasi nabibigla ka lang?" paninigurado niya. "Baka puwedeng dahan-dahanin natin? Baka puwedeng next week na lang tayo mag-break? Or kung puwede, huwag mo na lang ako iwan? Nasanay na ako na naandiyan ka at hindi ko kakayanin kung mawawala ka," pagsusumamo na niya sa wari'y mas lalong hinihigpitan ang yakap dito.
At ito na nga ang tagpong buong lakas siya nitong itinulak palayo. Halos mapasalampak siya sa sahig. Basang-basa na ang school uniform niya pero hindi niya iyon ay alintana.
"S-sorry... H-hindi pa naman siguro huli para ayusin natin 'to, 'di ba?"
"ALIZ, TUMIGIL KA NA! AYOKO NA! HINDI NA KITA MAHAL!"
"M-may iba ka na ba?"
Muling gumuhit ang kidlat sa kalangitan kaya muli nila nasilayan ang kahabag-habag na itsura ng isa't isa sa gitna ng dilim.
"Is she's prettier than me?"
"Aliz, please, tama na," umakto ito para akayin siya tumayo at sumilong pero nagpumiglas siya.
"Am I not enough?"
"It's over," nasabi na lamang nito saka pikit-matang bumitaw sa kamay niya.
Nagsimula ito humakbang palayo.
"Why, Jackson? Why?"
Kahit nangibabaw ang magkasamang kulog at kidlat sa madilim na paligid ay malinaw n'ya pa rin naaaninagan ang paglayo nito at wari'y binibiyak ang puso niya habang unti-unti itong lumalayo.
Wala siya ibang naririnig kung 'di ang yabag ng mga paa nito na sa tagpong ito'y mas gugustuhin pa niya ang mabulag at mabingi para hindi masaksihan kung paano ito mawawala sa kan'ya. Napakasakit isipin na wala man lamang siya magawa para pigilan ang pag-alis nito.
"Hanggang dito na lang ba talaga tayo?"
Kahit malapit na ito sa pintuan ay umaasa pa rin siya na lilingon ito at hahakbang pabalik sa kan'ya.
"A-ayaw mo na ba talaga sa 'kin?"
Sa wakas ay huminto ito sa paglalakad at naaninagan rin niya ang bahagyang paglingon sa kan'ya. Muling nagtama ang kanilang paningin.
"Siguro nga, pinagtagpo tayo—" wari'y napalunok muna ito bago tinuloy ang huling kataga. "Pero hindi tinadhana."
Buong akala ni Alizanabelle ay si Jackson na ang prinsipeng mag-aalis sa kan'ya sa impyernong kaharian. Akala niya ay buong-buo siya nitong tatanggapin, pero sa umpisa lamang pala. Totoo ngang hindi lahat ng fairytale ay nagtatapos sa 'happy ending' dahil karamihan sa mga iyon ay hanggang 'once upon a time' lamang.
Habang pinapanood ang paglayo ng kanyang prinsipe ay hinihiling niya na sana panaginip lamang ang lahat. Iyong tipo na mas gugustuhin pa niya ang magtulog-tulugan na lang dahil hindi niya alam kung paano haharapin ang bukas ngayong wala na ito.
BINABASA MO ANG
MY NIGHTMARE TO REMEMBER...
Teen FictionWaking up without everything in a modern city feels like hell. Like an endless night where mourning takes place. A misery that I have to conquer with my iron will. And him, who drags me to an ill-fated fairytale. But, what if dreams and reality coll...