Wish I may wish I might

54 18 24
                                    

"Alam mo ba kung ano ang pinakamagandang Star?"

Sa wakas ay nagsalita si Ace at nabasag ang katahimikan namin habang binabagtas ang kahabaan ng Araneta Avenue.

"Of course, yes! Ako pa, eh hilig ko ang stargazing," sagot ko naman with full of confidence.

"But you never knew that you are the most beautiful star in my eyes."

Halos nasamid na lamang ako sa sinabi n'yang 'yon! Napaka-corny na punch line in the middle of the sunny highway. Eh 'di wow!

"Sorry, I'm a human, not a star!" pang-aagaw trip ko na lang.

"Tao ka nga pala... Ako kasi, bagay," sambit niya at wari'y tumingin sa side mirror, "—bagay sa 'yo." matapos ay kumindat siya.

"Ah, bagay ka pala?! Akala ko kasi— tae."

"Bakit, dahil ba hindi mo 'ko kayang paglaruan?"

Napaismid ako. "Tanga lang kasi ang mapo-fall sa 'yo!"

"Ang hard mo naman, Aliz."

"Mag-focus ka na lang kaya sa pagda-drive! Puro ka pambobola hindi naman tumatalbog!"

Medyo nakonsensya ako sa pagiging sarcastic ko kaya bahagya akong tumingin sa side mirror para tignan ang reflection ng expression niya kung magdaramdam ba siya.

But, to my surprise, nakita ko s'yang ngingiti-ngiti. Iyong ngiting wagas? Kaya pasimple rin akong napangiti... Hanggang sa namalayan ko na lang na nakatingin na rin pala siya sa side mirror at kitang-kita niya kung paano ako ngumiti. Nagtama ang aming mga mata kaya agad kong pinaling ang tingin.

"Gusto mo ba maaksidente tayo?!"

Wari'y umakto siya nang paglingon sa 'kin. "Naka-stop po, mahal na prinsesa."

Bigla naman akong napabitaw mula sa mahigpit na pagkakakapit sa balikat niya. Muntikan pa nga 'kong ma-out of balance sa motor.

"Sayang hindi ka nahulog, nakahanda na sana kita saluhin."

"So, you wished na nadisgrasya na lang sana ako, gano'n?"

Natawa lang siya.

"Oy Ace, baliw ka na ba?"

"Nakababaliw ka kasi, Aliz."

"Gusto mo dalhin na kita sa mental hospital?"

"Ikulong mo na lang ako sa puso mo."

Hay! Ewan.

Nag-go signal na ang stop light kaya umandar na uli 'yong motor. Muling tumahimik ang pagitan namin na parang may dumaang anghel.

"Gusto mo makinig ng music?" mayamaya'y tanong niya.

"Paano naman?"

"Kunin mo 'yong isang earphone sa kaliwang tainga ko."

Ah, nagsa-sound trip pala siya. Eh, 'di siya na may earphone!

"Aliz, dali pakinggan mo 'yong tugtog."

Aba't inuutusan pa 'ko!

Kaya 'yon, kinuha ko nga ang earphone sa kaliwang tainga niya. Nagulat ako kasi parang pamilyar ang tugtog. Ito 'yong kanta na madalas patugtugin ng mga kapitbahay nila ate Elsa kaya halos ma-memorize ko na rin.

"Makinig kang mabuti, buksan nang mapakinggan ng puso mo ang dapat mong malaman. Papatunayan ko na ako lang sa'yo, hinubog mong buhay ko ng pag-ibig mo..."

"Hanggang dito na lang," awat ko.

Iprineno naman niya ang motor sa gawi ng sidewalk.

"Malayo pa 'to sa UST," pagtataka niya.

Umakto lamang ako nang pagbaba sa motor saka hinubad ang earphone at helmet para iabot ang mga iyon sa kaniya.

"Honestly, hindi talaga ako pupunta sa school. Ayoko na mag-aral, 'no! Gagastusin ko na lang ang pang-tuition ko, mag-e-enjoy pa 'ko."

"Pero, Aliz!"

Napansin kong gulat na gulat siya sa mga nasabi ko kaya naman nginitian ko na lang s'ya,

"Thanks for the ride, ha. Ingat ka," pagkasabi'y tinalikuran ko na siya para parahin ang paparating na taxi.

MY NIGHTMARE TO REMEMBER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon